Hindi ako makatulog, kanina pa ako paikot ikot dito sa kama ko. Pagtingin ko sa relo sa cellphone ko.
1:30am
Tulog dalawin mo naman na ako?!
Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.
“wag mo na kasi isipin yung ginawa ni Matthew kanina?! Nadine ano ka ba?! Masyado kang apektado.”
Naalala ko na naman na naiwan akong nakatayo sa may kusina kanina pagkatapos nyang gawin iyon. Mabilis ang tibok ng puso at hinihingal.
“Nadine ano ka ba naman?! tigilan mo na nga kakaisip sa kanya!!”
Naupo na ako sa kama, “kaylangan ko ng tubig. tama!”
bubuksan ko na sana yung pinto pero tumigil ako. baka nandun siya sa labas. Baka magkasalubong na naman kami.
hindi na ako lalabas dito nalang muna ako.
Kaya pumunta nalang ako sa banyo para maghilamos.
Humarap ako sa lababo at pinaandar yung gripo.
Hinugasan ko na yung kamay ko nung makita ko yung singsing sa daliri ko.
tinignan ko yun, at naalala ko na naman kung ano ang ginawa ni Matthew. Baka nagalit siya sa akin nung kinulit ko siya tungkol sa proposal niya dun sa shop.
Dapat pala hindi ko na siya kinulit tungkol dun. pero sweet nga yung ginawa niyang iyon para sa akin.
Hindi pala ako nakapagpasalamat sa kanya. Bukas yun ang gagawin ko. kaya kaylangan ko ng matulog dahil ayaw ko naman na makita nya na napuyat ako.
Pagkahilamos ng mukha bumalik na ako sa kama ko at ipinikit ang mata ko. Pagod na ako kakaisip kaya siguradong makakatulog na ako.
~beep~beep~beep~
(alarm clock)
5:00am
“bakit nga ba ang aga ko nag-alarm ng maaga?”
nagtalukbong ako ulit ng unan. Pero tuloy parin yung alarm ko.
“ito na babangon na ako.”
umupo muna ako sa kama. tumayo na ako at humarap sa bintana.
“Good morning world! Umpisahan natin ang araw na ito na may ngiti sa ating mga labi”
Naglakad na ako papuntang banyo, naghilamos at nagsipilyo. Pagkapunas ng mukha ko itinali ko na rin ang buhok ko para hindi nakakalat.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.