18

10.2K 188 3
                                    

May ilang araw na rin ang nakalipas nung sinabi niyang "I'll make you fall inlove with me." pero tuwing naalala ko ang nangyari na yun lumalakas lang ulit ang pintig ng puso ko at nararamdaman kong umiinit ang mukha ko. 

Naalala ko na naiwan akong nakatayo sa kusina ng oras na yun, speechless at pulang pula. Pagkatapos nun Hindi na lumabas ng kwarto si Matthew at ganun din ako. Nagkita nalang kami kinaumagahan para sa almusal niya. Hindi na nabuksan ang topic sa nangyari. Pero simula nun araw araw na siyang may uwing bouquet para sa akin. Tinatanggap ko naman pero hindi na siya nagiging weird sa akin.

Sabado ngayon at sa Lunes na ang simula ng klase ko. 7am na pero nakahiga pa rin ako. Ayaw ko bumangon dahil alam kong walang pasok ngayon si Matthew.

"5 minutes pa bago ako bumangon." Sabi ko sa sarili ko. "Ano kayang mangyayari ngayon?" Humiga lang ako dun habang binibilang ang paggalaw ng second hand sa orasan.

Makalipas ang limang minuto bumangon na rin ako at dumiretso sa banyo. Naligo na ako at nagbihis. Pagtingin ko sa kwarto ko inayos ko na ang kama. 7:35am ang sabi ng orasan ng cellphone ko. "Bakit ang bilis ko naman?"

Naupo pa ako sa kama pero kaylangan ko ng lumabas ng kwarto. Dahil kaylangan ko pa magluto. Tumayo ako at bumuga ng hangin.

Unti unti kong binukas ang pinto ng kwarto ko. At dahan dahan akong pumunta sa kusina.

"Good morning Nadine"

Nanlamig ang buong katawan ko, nanggaling sa likod ko ang boses ni Matthew.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin.

"Good morning din Matthew. Kagigising mo lang?" Bati ko nalang sa kanya. Mukhang hindi pa siya nakaligo at kababangon lang.

"Yup. Kagigising lang." Sabay hikab at kusot sa mata. Mukha siyang batang hinatak sa kama. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko nalang, ngumiti nalang ako sa kanya.

"Hindi ko pala nasabi sayo na tanghali na ako kung gumising kapag sabado." Sabay ngiti sa akin. "No work day." Dugtong pa niya.

Napatawa ako, siya rin palang workaholic gusto rin pala ang walang pasok. Napakunot ako ng noo, naisip ko na siya ang may-ari ng kompanya paano kung may biglang emergency? Edi naputol na ang sabado niya.

"I have someone taking care of my work during the weekend, kaya wag kang mag-alala tungkol sa pahinga ko." Kumindat siya sa akin.

Ganun ba kadali basahin ang mukha ko kaya bago ko pa maitanong sinasagot na niya agad?

"Oh? Nakanguso ka na naman?" Tapos tumawa. "Kaya ang cute mo eh!". Dugtong niya.

Napahawak tuloy ako sa nguso ko. Pero ngumiti lang ako. "Magluluto na ako ng almusal. May gusto ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"No need. I'll just eat banana. Tapos punta ako sa gym. Would you like to join me?" Alok niya sa akin. Ngayon nasa kusina na siya at kumuha ng isang saging mula sa fruit basket.

"San ka maggym?" Tanong ko naman sa kanya. Nacurious ako, "naggym pala siya. Kaya pala maganda katawan niya" sabi ko sa isip ko.

"Nasa 3rd floor Love. Hindi pa nga pala kita nailibot dito sa building. Tumatakbo ka diba?"

Hindi ako agad nakasagot, paano niya nalaman yun? Malamang sa investigation niya.

"Nabanggit kasi sa akin ni Romeo na sumasali ka dati sa marathon nung estudyante pa kayo." Sabay ngiti niya sa akin.

Ah... ganun naman pala. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Hindi na muna, thank you. Next time nalang siguro. Lalabas ako ngayon. Titingin ako ng mga gamot ko pang eskwela. Papasok na kasi ako sa lunes." Sabi ko sa kanya. Napansin kong tumigil siya sa kinakatayuan niya.

"Samahan nalang kita. 1 hour lang ako sa gym tapos ipapasyal na rin kita."

"Naku hindi na Matthew. Baka may iba ka pang gagawin ngayon maabala pa kita."

"Nadine,i insist. Wait for me. 1 hour. And bakit ka naman magiging abala?" At sinubo na niya yung natitirang saging sa kamay niya.

"Sige. Hintayin kita." Sabay ngiti sa kanya.

"Sumama ka nalang sa akin sa gym, para naman may gym buddy na rin ako." Kumuha na siya ng baso at kumuha ng tubig sa fridge.

Sasama ba ako sa kanya baka naman lalo lang akong mailang. Pero sige na nga sasama na ako para rin malaman ko kung nasan yung gym dito.

"Sige parin makapag-exercise ako."

Natapos ang 1 hour at halos nagthreadmill lang ako. Hindi naman ako tumakbo sa threadmill. Naglakad ako kasi hindi ko naman alam kung papanu gamitin yung ibang equipments dito. Pero si Matthew may trainor pa pala. Kaya pala maganda ang pangangatawan niya.

Buong oras na nandun kami iniiwasan ko na tumingin sa kanya. Bukod kasi nahihiya ako, at pawis na pawis ako eh attracted ako sa kanya ngayong nakikita ko siyang napakaactive niya. Iwinaglit ko nga ang isip ko matapos ko magthreadmill.

"Matthew aakyat na ako. Mamaya nalang." Sinabi ko sa kanya.

"Sure. Just giv-e me a minute." Habang binubuhat niya ang barbell sa bench.

Hindi ko na siya hinintay. May susi naman yun, para rin makapagbihis na ako. Tsaka medyo nauuhaw na ako.

Pagpasok ko sa elevator pinindot ko na ang button para sa floor ng unit ni Matthew ng may humarang sa pintuan ng elevator.

Isang matangkad, matipuno, morenong lalake at talagang pansin na basa siya ng pawis. Malamang galing din siya sa gym. Grabe talaga itong mayayaman na toh.

Pinindot nya ang 17th floor sa control panel.

"Hi! You must be new here?" Bigla siyang nagsalita. Nun ko napansin na nakatingin na siya sa akin.

At tuluyan ng sumara ang elevator door.

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon