"Secrets tend to get revealed when you're feeling most loved and when you're feeling most betrayed." -unknown
===============================================================================
Matthew's POV:
Nathaniel is my son? Nadine and I have a son and he is already 3 years old? 3 years of his life hindi ko siya nakasama?
I suddenly let go from our hug.
"Nathaniel is my son?" Nasabi ko kay Nadine. with tears on her eyes tumango lang siya sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. I feel so betrayed. and the hardest thing about it, the woman i love so much did these to me.
"Anak ko si Nate?" anger, joy, excitement, betrayal and confusion halo halo na ang nararamdaman ko. Pero hindi pa rin sumasagot si Nadine. I look for a chair using my hands and sat.
"Nadine? Bakit?" Pero hindi siya sumagot. "Ganun ka ba kagalit sa akin dati kaya hindi mo sa akin nasabi ang totoo?" Still no answer.
"Can you please answer me?" I looked at her in the eyes and starting to search for something.
"Matthew, sorry talaga. Galit ako sayo kaya hindi ko nasabi sayo nuon." but still she continued to cry
"Pero anak ko yun? Paano pala kung hindi ko siya aksidenteng nakita sa bahay mo nun hindi ko siya makikilala?"
"Kelan mo balak sabihin sa akin Nadine? Kung hindi ba ako magpopropose sayo ngayon hindi mo sa akin sasabihin ang totoo?" but still no answer.
"3 years Nadine, 3 years ng buhay niya. yung paglaki niya. yung mga development niya. hindi ko siya naalagaan nung sanggol palang siya. ikaw hindi kita naalagaan nung nagbubuntis ka palang sa kanya. Ganun ba ang katumbas ng galit mo sa akin nun?"
Instead of saying anything she turn around and left me on our table.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Nadine. Anak ko si Nathaniel.
Pagkalabas ko sa restaurant hindi ko na naabutan si Nadine. Hindi ko rin naman alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko at dinial ko ang number ni Romeo. Napasandal na lang rin ako sa sasakyan ko.
"Pare. Pwede ba kita mahiram kay Tracy. May problema ako." sinabi ko kay Romeo, hindi ko na rin namamalayan na umiiyak na ako habang kausap ko siya.
1 hour after the phone call.
"Anong sinabi mo? May anak kayo ni Nadine?"Halatang gulat na gulat si Romeo. Nasa Bar kami ngayon yung usual bar na pinupuntahan naming dalawa.
"Oo pare, hindi rin ako makapaniwalang nangyari yun. F*ck!!!! Hindi ko alam." Napainum tuloy ako sa beer. Nakaka tatlo na ako parang hindi ako tinatalaban. "Ikaw ba hindi mo alam? Baka naman itinago mo rin sa akin." Hindi ako nalalasing pero lumalakas ang loob ko.
"Pare magugulat ba naman ako ng ganito kung alam ko?" Sinabi ni Romeo. "grabe ah! ang tindi naman ni Nadine, biruin mong naitago niya sayo yun kahit sa akin." dagdag niya.
"sinabi mo pa, Hindi ko rin alam kung kapantay nun yung nagawa ko sa kanya.".
Nadine's POV:
Ilang araw nalang matatapos na namin yung project namin sa bahay ni Matthew. Hindi na rin ako pumupunta sa opisina niya kapag may kaylangan akong ipaapprove sa kanya si Katrine nalang ang pinapapunta ko. Hindi pa rin kami ulit nagkikita at hindi pa rin siya bumabalik ulit sa bahay. Si Nate naman tanong din ng tanong kung kelan pupunta si Matthew sa bahay. Hindi ko rin kasi alam kung kelan siya babalik,kaya hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko kay Nate.
"Mare! Problemado much?" tinabig ako ni Katrine habang naglalunch kami kasama ang team.
" Bakit ano ba yung sinasabi mo?" Sa totoo lang hindi ko narinig kung ano yung sinabi ni Katrine.
"Mare masyado ka kasing lutang, ano ba ang problema?" sinabi ni Chester habang ngumunguya pa.
"Wala naman, ano nga ulit yung tanong mo sa akin?" Inulit ko ulit.
"Tinatanong namin, magpapaparty kaya si Sir Matthew pagkatapos natin magawa yung sa bahay niya?" Sinabi ni Katrine.
"Hindi ko alam." Sinagot ko sa kanila.
"oh bakit ka lalong tumamlay?" Tuwing naiisip ko si Matthew para akong maiiyak. Kaya para maawat ko nalang yung emosyon ko nagpaalam nalang ako sa kanila para bumalik dun sa trabaho namin. Para maoccupied na rin ang isip ko.
Pagdating ko sa bahay ni Matthew, parang walang tao, siguro nagbreak na rin yung mga gumagawa. Halos finishing touches nalang naman ang kaylangan tapos na kami. Kaya naglakad lakad na rin ako sa loob nung bahay.
Kung hindi ko kaya sinabi kay Matthew ang tungkol kay Nate magiging maayos kaya kami? Siguro hindi rin dahil mas mahirap na hindi alam ni Matthew ang totoo. Pagkadating ko sa second floor, may taong nakatayo dun. Si Matthew.
"Matthew...." Parang kumawala sa bibig ko yung pangalan niya. Hindi ko alam kung narinig niya yun o narinig niya ang mga yabag ko pero lumingon siya sa direksyon ko. Nabuo na naman yung mga luha ko.
"Kamusta si Nate?" Maikling sinabi ni Matthew sa akin.
"Okay naman siya." sinagot ko siya na pigil na pigil ang luha ko.
"Good. Alam na ba niya?" Sinabi ni Matthew.
Hindi ako agad siya nasagot.
"Hindi mo pa rin sa kanya sinabi? Sabagay bata pa naman siya, pero baka kapag 18 na siya maiintindihan na niya." Naglakad siya papunta sa direksyon ko saka ako nilagpasan pababa.
Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya.
"Matthew gusto ko sana ikaw na ang magsabi sa kanya."
Sandali siyang huminto "Okay, Oo nga pala. Sa house warming party ko gusto kong pumunta ka, isama mo na rin ang team mo, at si Nate kung pwede." saka nagpatuloy na naglakad.
Naiwan ako sa 2nd Floor ng bahay ni Matthew na parang natupok na kandila. Hindi ko siya masisisi ngayon kung galit siya sa akin. Pero ang importante ngayon yung pagkakaruon ng mabuting relasyon ni Matthew at ni Nate. Kahit hind na ako kasali dahil alam ko naman na kasalanan ko ito.
--------------------
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.