2

12.6K 256 6
                                    

*knock knock knock~

"Nadine?"

"Huh?!" Nakatulog pala ako. tinignan ko yung relo ko. hala 4pm na pala. 

"Tracy, sandali lang." dali dali akong bumangon at binuksan ang pintuan.

"Nadine pasensya kana. Pero kaylangan mo na bumangon at mag-ayos. pupunta na tayo kay Matthew."

Nakangiti si Tracy sa akin, at napangiti na rin ako sa kanya.

"oo naman, pasensya na rin nakatulog ako hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako"

"walang problema dun, ang importante nakapagpahinga ka. hindi naman sana kita gigisingin kung hindi lang strict sa oras si Matthew. ito ang twalya. nasa kanan mo ang banyo. okay?"

"Tracy si Romeo nasaan?"

"Lumabas lang, may kausapin lang daw sya."

"Tracy salamat ha? pero kilala nyo ba si Matthew Lee?"

"uhm. oo kaibigan sya ni Romeo. Basta makikilala mo rin sya mamaya. maligo ka na. GO!"

bumalik ako sa kwarto binuksan ang gamit ko at kumuha ng maayos na damit ko. kakilala pala ni Romeo si Matthew. hindi ko na alam ang iisipin ko, "bahala na. ang importante may trabaho." pumunta na ako sa banyo at nagsimula na akong mag-ayos.

buti nalang at may maayos akong damit. ito yung damit na lagi kong ginagamit kapag may job interview ako. white blouse at pencil skirt. ito nalang ang isusuot ko kahit hindi ko pa alam kung ano ang magiging trabaho ko. tumingin ako sa salamin at inayos ko ang sarili ko. ng narinig ko si Tracy.

"Nadine? ready kana?"

"Tracy lalabas na ako." tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. "okay na toh" at lumabas na ako sa kwarto.

"Wow! nadine, ikaw na. as in ikaw na!" tinignan ako ni Tracy mula ulo hanggang paa.

"ang sexy mo pala nadine, at inferview ang ganda mo. you scrub up good." ang sabi ni tracy. "pero teka mas bagay itong sapatos na toh sa get up mo." tugtong nya. pumunta si tracy sa shoe rack nya at kinuha ang isang black stiletto at pinapasuot sa akin.

"sayo na yan. bagay naman sayo" sabi sa akin ni tracy.

"ha? tracy hindi ko matatanggap yan" 

"naku isuot mo na girl, mas maganda sa paa mo yan kaysa sa akin. isang beses ko lang nasuot yan hindi ko na nagamit ulit." nakangiti si tracy sa akin.

"salamat tracy, ang bait mo naman."

"naku okay lang yun noh. atleast magagamit yan, kaysa naman masira lang ng hindi ginagamit. ano ready kana?"

"oo ready na ako."

"naghihintay na sa atin si Romeo sa baba, nandun na rin yung gamit mo. diretso na tayo sa Makati"

bumaba kami sa apartment building at nagpaalam na naman ako sa isang lugar na tumulong ulit sa akin. 

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon