Unexpected

7.4K 138 2
                                    

Nadine's POV:

"Mare alam mo ba kung sino yung magiging client natin?" Kinalabit kalabit pa ako ni Katrine habang tinitignan ko yung mga papers namin na ipepresent. Hindi ko agad siya nasagot.

"Hoy! Pwedeng magrelax." -katrine

"Ha? Eh. Hindi ko rin alam kung sino. Pareparehas lang naman ang sinabi sa atin." Nakakunot noo kong sinabi sa kanya.

Bago palang ako dito sa company na ito. 7-8 months palang. Napirate kasi ako ni Miss Gladys sa dati kong company na pinagtatrabahuhan. Naiisip ko palang yung pinagdaanan kong paggapang sa pag-aaral ko 3 years ago naiiyak na ako. After mangyari yung--- hindi pwede wag mo na isipin yan Nadine Erase Erase Erase!!!

"Mare!! Tapos na sila Chester sa presentation nila!!" Niyugyog ako ni Katrine.

"Aray ko naman! Pwede namang hawakan mo lang ako diba?" Tinignan ko ng masama si Katrine.

"Eh nabablanko ka na naman kasi adik na toh."-katrine

Lumapit sa amin si Chester, kasama siya sa federasyon kaya nag-uuminarte.

"Fuch shet mga mare napakagwapo nung client natin!" Naghuhumiyaw siya sa waiting area namin.

"Bakla maghunusdili ka!!" Aktong sinasampalan ni Katrine si Chester na pabiro. Kaya sway sway ang ulo ni chester.

"Pero mga mare walang halong joke. Wafu talaga! As in kanin nalang ulam na! Kaya nga shet nalaglag yung panty ko habang nagpepresent kami. Kapag nagpresent kayo paki pulot ha?" Tuloy tuloy na sinabi ni Chester. Kaya natatawa nalang ako sa kanya.

"Pero teka muna Chester. Kilala mo na ba yung client?" Hindi ko napigilan na itanong.

"Naku mare hindi eh. Pero baka sasabihin mamaya kapag pipili na siya. Alam mo naman yang mayayamang yan ayaw magpakilala unless talagang sigurado na sila sayo." Pairap irap niyang sinasabi sa akin.

Bago pa man ako nakasagot sa kanya tinawag na ni Miss Gladys yung group namin. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko magiging iba ang presentation na ito kaysa sa iba kong naging kliente.

"Mare okay ka lang?" Tinabig ako ni Katrine bago kami pumasok sa meeting room.

"Oo. Bakit?" Sinagot ko naman siya.

"Parang iba ka ngayon. Sure ka ah? Naku!! Baka juntis ka?" Napalakas yung pagkakasabi niya kaya yung mga kasama namin naghagikgikan.

"Tangengot ka talaga. Paano ko mabubuntis eh wala naman akong boyfriend!" Sagot ko naman sa kanya.

"Nakuuuuuuuu!! Deny to death ka pa dyan. Eh si Papa Axel? Hindi mo boyfriend? Ewan ko sayo." Inirap irapan pa ako ng bruha na alam ko naman na isa sa mga form ng pagbibiro niya.

"Naku. Ewan ko rin sayo. Magtrabaho muna tayo ha?" Pagkatulak ko sa pintuan nung meeting nakita ko si Maam Gladys, yung babaeng katabi niya, at yung lalakeng nakayuko may pamilyar sa kanya. Letche naaalala ko si Matthew sa kanya.

Pagkaangat ng ulo nung lalake para akong hindi nakahinga sa nakita ko. Kaya pala napakapamilyar niya.

"Si Matthew...."

.......

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon