Nagmamaneho na si Matthew Pabalik sa condominium niya, pero nararamdaman ko parin ang prisensya ng singsing na inilagay nya sa daliri ko at paminsan ay sinusulyapan ko pa kung andun nga talaga yun.
Nanggaling na kami sa grocery, binilhan na rin nya ako ng mga damit at sa labas na rin kami kumain pero ni minsan hindi na nabuksan ang tungkol sa nangyari sa Jewelry shop.
“Uhm., Matthew?” bigla kong nasabi nung napatingin ako sa kamay ko.
Nakahinto naman kami sa kahabaan ng traffic pauwi.
“Hmmm?” tanong nya sa akin.
“Ano kasi..” hindi ko matuloy ang sasabihin ko sa kanya.
“Ano yun Nadine? may gusto ka bang bilhin natin?” nag-aalalang tanong nya sa akin.
“naku wala naman. pero kasi…” paano ko nga ba uumpisahan sabihin sa kanya toh.
“maaga pa naman pwede pa tayong pumunta sa mall dyan sa ortigas kung gusto mo.”
“Naku Matthew hindi yun… eh kasi..”
“Love hindi ko naman mahuhulaan kung anong gusto mong sabihin diba?” nakangiti sya sa akin. Napayuko ako, bakit ba hiyang hiya na naman ako sa kanya.
iniangat nya ang mukha ko gamit ang kamay nya at iniharap sa kanya. “Love?” nagtatanong ang tingin nya sa akin.
“Matthew, Yung tungkol kanina?” nahihiya kong sagot sa kanya. Tinanggal nya ang tingin nya sa akin dahil aandar na ulit, pero ng huminto ulit kami tignan nya ako ulit at sinabi “Love hindi mo ba nagustuhan?”
“Nagustuhan ko Matthew, pero para saan yung ginawa mong yun?”
“Ginawa ko yun dahil wala ka pang engagement ring.”
lalo naman akong naguguluhan.
“pero pwede namang bumili nalang tayo ng singsing diba? hindi ka na dapat lumuhod sa harap ko.”
“Nadine. Don’t worry about it. gusto ko ang ginawa kong yun. dahil kung hindi ko naman gusto yun hindi ko gagawin yun, as simple as that Nadine.”
Hindi nya gagawin yun kung hindi nya gusto. yun ang sinabi nya. pero bakit? hindi pa naman kami ganun na magkakilala. ano bang ibig nyang sabihin.
“Oo nga naman, para maging kapanipaniwala yung palabas natin.” bigla kong nasabi dahil yun naman ang totoo diba?
Hindi na siya nagsalita at tuloy tuloy na lang siyang nagmaneho.
Nakarating na kami ng parking lot ng condominium nya at hindi na kami ulit nag-usap.
May nasabi ba akong hindi maganda?
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.