Nang makarating kami sa Restaurant. mukhang mamahalin. nakapustura pa ang mga tao na kumakain. Parang hindi ako bagay sa lugar na ito.
"Sigurado ka bang dito tayo kakain?" tanonng ko kay Matthew.
"Yes love, dito tayo kakain. This is my favorite restaurant."
Tinamag nya akong Love sa maraming tao. Alam ko namula ako kaya napayuko nalang ako. at sumunod nalang ako sa kanya.
Nang makalapit kami sa reception area. Mukhang nakilala ng lalake sa desk si Matthew.
"Good evening Mr. Lee, your usual table sir?"
"no Dan, table for 2 please and if it's possible can we sit in a booth?"
tinignan ako ng lalake at balik ang tingin kay Matthew.
"is there something wrong Dan?"
"ahh-- n-no Mr. Lee, Sorry po. we are just clearing up a table sir and i will assist you personally."
"Good!" sabi ni Matthew. At dali daling umalis yung lalaki.
"uhm- nagulat yata yung lalake na may kasama ka?"
"oo, mukhang nagulat nga sya, i usually go here alone." nakangiting sagot nya sa akin. "at ayaw kong babastusin ka nila."
bakit parang galit sya? ano daw? babastusin? wala namang ginawa yung lalake ah.
"wala namang ginawa yung lalake ah?" talagang nakucurious ako sa mga sinasabi nya.
"never mind, i think our table is ready." sabay tingin nya sa lalakeng paparating.
"S-sir this way please." nanginginig pa ang boses ng lalake. gusto kong tumawa pero nung nakita ko ang mukha ni matthew, tumigil ang paghakbang ko. Seryoso si Matthew na nakatingin sa lalake.
"shall we go love?" ngumiti na naman sya sa akin. ngayon ko lang napansin na ang ganda ng ngiti nya.
"a-ah oo sige.." sabay sunod sa kanya, habang sumusunod ako sa kanya napansin ko na ang ganda ng tindig nya.
Nang makarating kami sa mesa na para amin isang maliit na lamesa na may single red rose sa gitna ng lamesa. at may kandila pa. Napakaromantic ng setting, sayang kung ang boyfriend ko ang kasama ko siguro talagang mas magiging maganda ang sitwastyon na ito pero hindi, wala pa nga akong nagiging boyfriend eh.
Huminto ng paglalakad si Matthew at sinabi sa lalakeng nagdala sa amin nung aktong hahatakin na nung lalake yung umuan ko. "No. I'll do that for her." Hindi ko na naman inaasahan na gagawin nya yun para sa akin.
" Please, have a seat love" sabi nya sa akin.
"Thank you." sagot ko sa kanya at umupo na ako sa silya na hinatak nya para sa akin. at pagkatapos ay umupo na rin siya sa katapat na upuan.
Dali daling umalis ang lalake na naghatid sa amin sa may mesa. at pumalit sa kanya ang isang babae na halatang nagmamadali rin na pumunta sa mesa namin sabay sabing "Sir here's our menu. but before that what can i get for the both of you to drink."
tinignan kong mabuti ang menu at nakita ko ang section kung saan nandun ang listahan ng mga inumin. Nagulat ako nung nakita ko ang presyo ng mga inumin.
"Miss i'll have water" sabi ko sa waitress. ngumiti lang sya at tumango, binaling naman nya ang tingin nya kay Matthew. "We'll have a bottle of your best wine, preferrable pinot noir if you have it here. and can you also give me a glass of water. thank you" sabi nya.
ha? ano daw? ano yun? naisip ko sa sarili ko.
"i'll be back to get your order maam, sir" sabi ng babae pero bago pa sya umalis inawat sya ni Matthew, "No need, I'll order for the both of us. If that is okay with you?" tanong nya sa akin.
Tumango lang ako, bilang sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin sabay sabi na "You won't regret what i'll order for you love." at tumingin sya sa babae. "We will have the Salmon for our main dish. Your Chef's soup of the day, a basket of freshly baked bread. tell Leo, Matthew is ordering and he will understand you. And for dessert.... Nadine gusto mo bang pumili ng dessert?" Phew! akala ko hindi na nya ako tatanungin.
"A plate of fresh fruits please." Sabi ko sa babae. Hindi naman ako mahilig sa mga cake at kung ano pang klase ng dessert meron sila. buti lang merong fruits sa menu. Napansin kong nakangiti si Matthew habang pinagmamasdan ako.
"Will that be all?" tingin sa amin ng babae.
"Yes!" Sabi ni Matthew na hindi tinanggal sa akin ang titig. Ako na mismo ang Humiwalay ng tingin sa kanya. Grabe pinagpapawisan ako. tingin palang nya.
Naiserve na ang tubig namin at ang wine ay inilagay ng waitress sa isang sosyal na lalagyan na may yelo.
Tahimik lang ako sa harap ni Matthew, at uminom ako ng tubig, hindi rin naman ako sanay sa ganitong lugar, pero ang ganda nga ng restaurant na ito. Maganda ang taste nya.
"Do you like the place?" tanong nya sa akin.
"Oo, maganda itong restaurant." sagot ko sa tanong niya. "kaya naiilang ako dito, hindi ako sanay"
Napangisi siya, "Masanay kana Nadine." sabi nya. "Hindi lang sa ganitong restaurant kita dadalhin." tugtong pa niya.
hindi ko naiwasan, hindi ako nakapagsalita.
Natapos ang dinner namin. Ang sarap ng Salmon dish namin. tama nga siya nung sinabi nya sa akin na babagay yung wine na inorder nya sa pagkain namin. Nabusog ako pero para akong nahihilo. kahit nakadalawang baso lang ako nung wine.
Inalalayan naman nya ako nung nakalabas na kami ng restaurant. "Kaya ko, salamat," sinabi ko sa kanya para alisin nya ang kamay nya sa braso ko. Pero pababa ako ng hagdan nung para akong nadulas at aktong babagsak na, ng sinapo nya ako sa may bewang "Geez,.. kung hindi mo kaya wag mo pilitin." sabi nya sa akin. tinulungan nya akong tumayo pero hindi na nya ako pinahakbang.
"I understand. Next time i wont give you even a glass of wine." sabay buhat sa akin nung nakita nyang nandun na ang sasakyan nya.
Nakita kong ngumiti ang mga tao sa paligid namin. Diyos ko po kainin nalang sana ako ng lupa ngayon. pero ramdam ko na mas malakas ang loob ko ngayon at hindi ko maiwasan na amuyin ang leeg nya. Grabe ang bango nya. Lalakeng lalake ang amoy. hindi ako makapaniwala sa ginawa ko kaya inilayo ko nalang ulit ang ulo ko.
Binuksan ng driver nya ang pintuan sa likod at iniupo nya ako sa likod at sya na mismo ang nagsara ng pintuan ng sasakyan. Naglakad sya sa kabilang side ng sasakyan para sumakay.
"Pikit mo muna ang mata mo para hindi ka na mahilo."
at ginawa ko naman....
---
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.