Chapter 47
Araw araw, lingo linggo ganon ang eksena. Araw araw trabaho mabuti na lang walang pasok tuwing sabado at linggo. Kaya hindi gaanong sagad. Ganon din ang eksena namin ni Xien tuwing may oras kaming sabay maglunch. Sinusundo niya ako sa opisina.
"Ano? jowa mo nga?" kulit ni Ma'am April sakin. Matapos niyang makita kanina na hinatid ako.
Binigyan ko siya ng malaking ngiti. Napapalakpak pa siya at humagikgik.
"Oh my gosh! ang swerte mo!" yugyug niya sa balikat ko."I can believe it buong akala namin walang balak may girlfriend yon!"
Tinawanan ko lang siya at hindi nagsabi ng marami. Ginawa ko ang trabaho ko. Ilang minuto ang pagtapos ko ng project na pinasa sakin ni Ma'am April. Pinagdidisyonan ko ng mabuti ang mga gagawin dahil kilalang tangyag ang customer.
I just want to get fine because this is my first project with this company. Alas kwarto ng hapon sumama ako sa site para makita ang lugar. Si Ma'am April at si Bigs ang kasama ko sa project na ito. Nanatili ako sa cubicle ko. Hinihintay ang mensahe ni Xien.
"Miss abeela?" bumaling ako sa tumawag sakin.
Napaayos ako ng upo ng makita si Ma'am Angela iyon. Agad siyang ngumiti sakin ng makita ang reaksyon ko.
"Pinapatawag ka ni Mr Rodriguez sa kanyang opisina."
Agad nangunot ang noo ko at ginapangan na nang kaba.
"B-bakit daw?" wala sa sariling tanong ko.
Nagkabit balikat si Ma'am Angela sakin. Bakit naman kaya? hindi kaya nagustohan ni Mr Rodriguez ang gawa ko? damn!
Bago kasi namin ipakita ang blue print naginawa namin ay kailangan may kumpirmasyon sakanya. Kailangan nagustohan niya. Kaya bigla akong kinabahan.
Napapukpok ako sa ulo ko habang sumusunod kay Ma'am Angela habang pumapasok sa loob ng opisina ni Mr. Rodriguez. Nakatalikod siya samin at may kinakausap sa telephone. Kumalabog ang kaba ko ng bumaling ang seryosong mata niya sakin matapos ang tawag.
"Sir nandito na po si Ms, Abeela." ani Angela.
Tumango si Mr. Rodriguez sa sekretarya.
"Thank you."
Lumabas si Angela ng opisina para mapaayos ng tayo. At naghanda ng mapagalitan. Kahit nakayuko ako ramdam ko ang matalim na titig niya.
"About last nigth. I'm sorry I don't want to be harsh to you" seryoso siya."Pagod lang siguro ako."
Natigilan ako at huminga ng malalalim. Ayun lang pala akala ko naman kung ano na.
"Walang problema.. Mr. Rodriguez." ngiti ko.
Matigas ang kanyang tingin sakin Kaya mas lalo akong kinabahan. Tumayo siya ng walang ekspresyon ang mukha.
"Kung ganun." sinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa.
"Let me makabawi sayo, let's have dinner tonight?" aniya at nagawa pang ngumisi.
Nalaglga ang panga ko sa offer niya.
"But.."
"No rejection Keliana, babawi ako sayo."
"Well.." wala na akong madungtong.
"Hanggang ngayon ba tatanggihan mo pa rin ako?" malamig na ang tingin niya.
Nanglaki ang mata ko at napakagat labi. Sobrang kabado ko na patango na lang ako. Ngumiti siya at inanyaya na akong lumabas. Naiisip ko tuloy kung hindi ko siya nabangga nung isang gabi iimbitahan kaya niya ako? Lumingon ako kay Jason at magulat ng lumingon rin saya sakin. Umiwas agad ako ng tingin.