A/N: Yeoboseyo! Sorry sa mag maling grammar or typo hehehehe:-) edit ko pa 'Ryan sa susunod.
Chapter 25
Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Antok na antok pa rin ako hanggang ngayon. Ang hapdi hapdi ng mga mata ko Dahil siguro sa may kunting mugto ang mata ko. Nakahiga pa rin ako sa'kin kama habang nakatunghay sa ulap na sumusilip sa labas ng bintana. Iniisip ang mga nangyari.
Hinatid niya ako ng magtapos kaming mag-usap. Halos ayaw niya na akong bitawan. Nang mga sandaling nararamdaman ko ang mainit niyang bisig at ang palad niyang marahan hinahaplos ang magkabila kong pisngi. Ang mga mata niyang nagsusumao ay kayhirap kalimutan.
I will always remember that memory that the man I love also loved me back.
Kinapa ko ang aking cellphone sa tukador at agad na binasa ang mga mensahe. Kagabi pa ito nang makauwi siya sakanyang condo ngayon ko lang na basa.
Xien:
I'm home.
Xien:
Tulog ka na?
Xien:
Good night:-)
Xien:
Good morning
Agad akong nagreply sakanya.
Ako:
Good morning, sorry nakatulog ako kagabi.
Ngumiti ako habang nagba-backread ng mensahe niya. Tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Kununot ang noo ko ng makita ang message galing kay Redson.
Redson:
Keliana you are awake?
Ako:
Kagigising ko lang.
Halos magulat ako ng maingay na nag-ring ang cellphone ko. Napakamot ako sa'kin noo.
"Keliana? You should go there to the boutique for your gown."
Dali dali akong bumangon at napakagat ng labi. Ngayon nga pala ang 'yon.
Damn!
"Yes, po I go there Mommy si Ate Charm po magpapasama po ako."
"Your Ate Charm is here na Iha ginigising ka namin pero tulog na tulog ka pa."
"I'm sorry po, I hang up na po maliligo na po muna ako bye Mom."
Pinatay ko ang tawag at dali daling pumasok sa Cr. Minadali kong maligo at magbihis. Nag-taka pa ako ng wala ang isa namin saksakyan at wala rin si Mang Lindo. Umalis nga pala si Papa kasama niya lahat ng driver. Ngumuwi ako.
Weird. Hindi naman lagi kasama ni Papa ang driver namin si Mang Lindo dahil may permenenteng driver na siyang kasama tuwing aalis siya. Depende na lang kung talagang may important na lakad si Papa. Ang alam ko lang is pupunta si Papa sa Baler at uuwi rin kaagad para ayusin ang debut ko.
"Ma'am Keliana may naghahanap po sainyo sa labas."
Kumunot ang noo ko sa babaeng maid. Wala naman akong bisita ngayon?
"Okay, po lalabasin ko po."
Lumabas ako ng bahay halos pigilin ko ang hinga ko ng makita ang kanyang sasakyan sa harap. Lumunok ako at binuksan ang gate.
"X-xien?"
Nakasandal siya sa kanyang sasakyan habang may bungkus ng rosas na hawak. Ngumiti siya sa'kin habang ang paningin ko ay napako sa rosas na hawak niya.