Chapter 8
"Just change your clothes! Sabay tayong maglunch"
What! Totoo ba ang aking narinig? Sabay kaming maglunch? As in? Is this really happening?
"Pero hindi pa kami tapos." Napakamot ako sa noo ko.
"Samahan kita Keli?" Sabat na biro ni Ren habang palapit samin lumingon sakanya si Xien.
"I'm just kidding, Dude!" Bumaling naman sa'kin si Ren."Grabe! Keli, ang galing mo pala talaga!"
"Nakuu, hindi kaya..." Uminit ang pisngi ko.
"Magaling kaya diba!? Dude?" Sabay akbay niya kay si Xien.
Hindi siya inimik ng kaibigan at inis na tumingin sa'kin. Nagtataka akong napayuko.
Naiinis na naman ba siya sa'kin? Wala naman akong ginagawa sakanya?
"Tsk!"
Sinundan ko siya ng tingin nang naglakad siya palabas. Nagkatinginan pa kami ni Ren. Nagtaka namin niyang sinundan ng tingin ang palabas na si Xien.
"What? Problema nun?" Kamot niya ng ulo.
Nagkabit balikat ako at bumuntong hininga nagpaalam kay Ren at sinundan si Xien.
"Xien!" Tawag ko pero hindi niya ako nilingon kaya't binilisan ko pa ang takbo ko para maabutan siya.
"Xien!! Sandali!" Sabay hila ko sa braso niya.
"What?!" Malamig niyang sinabi.
"Bakit ka umalis?" Uminit ang pisngi ko ng sinuyod ang buong katawan ko.
"Sabi ko magpalit ka muna... Hinintay mo talagang mapuri ka muna ni Ren!"
"A-ano? Ito yung uniform namin–"
"LEAVE!"
"Teka nga! Bakit ba ganyan ka na naman? Wala naman akong ginagawa sayo?" Sabi ko. "Kahapon ang bait-bait mo sa'kin tapos ngayon pinapaalis mo naman ako?!"
Hindi ko siya maintindihan. Ayokong isipin na nagseselos siya dahil lang doon? Ayokong mag-assume. Pero hindi ko maiwasang isipin iyon dahil nakikita ko sa mga mata niya at reaksyon niya na tama ang iniisip ko.
Ayokong isang tinig ang mga alam ng utak ko at baka ako na naman ang mali.
"Just leave." Ani niya sa bortinong boses na nag-eco sa buong hallway at tinalikuran ako.
Buti na lang walang estudyanteng pakalatkalat dahil lahat nasa court. Nalaglag ang panga ko ng tinignan ang likod niya. Napalunok ako at unting unti napangiti.