Chapter 4
Natapos ang buong klase nang wala ako sa'aking sarili patuloy kong iniisip ang nakita ko kanina. Hindi ko nga maisip kung pano ko na sagot ang recitation kanina.
Si Xien at Genesis? Alam kong may bali-balita na madalas sila magkasama at sila daw?
Hindi naman ako naniniwala kasi hindi ko pa naman nakikita na magkasama sila pero yung nangyari kanina?
Sila ba talaga?
Nanglumo ako sa naisip ko at bagsak ang balikat na naglalakad. Pauwi na kami ni Red. Naisipan namin maglakad ngayon dahil maaliwalas ang panahon ng pang hapon.
"You okay? Keli?" Tanong ni Red sa gilid ko.
"Yeah, Fine." Sabi ko
"Bakit? Parang Hindi?"
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sakanya. Seryoso ko naman siyang tinignan.
Maiintindihan naman niya siguro ako kung sasabihin ko sakanya yung nakita ko kanina saka matagal ko na nga gustong-gusto itanong ito sakanya.
"Kasi nakita ko si Xien kasama si..."
"Genesis." Ani niya. Inuhan ako sa sasabihin.
Tumango ako.
Bakit niya alam?
"How did you know?" Taka ko.
"Hindi na bago sa'kin 'yan Keliana." Usal niya.
Kumuno ang noo ko at nagtatakang tumingin sakanya. I clear my throat.
"Lagi silang magkasama, kasama magaral, maglunch, lahat ng estudyante alam na may relasyon sila... Ikaw lang yata ang hindi." Natatawang lumingon sa'kin si Redson.
Lagi silang magkasama? Bakit hindi ko nakikita? Lagi ko naman siyang tinitignan ngunit wala akong napapansin?
Pinikit ko ang mata ko ng may maramdaman hapdi. Bumuntong hininga ako at nakinig sa sinasabi ng kaibigan.
"Madalas silang magkasama. Hinahatid ni Xien, hinahatiran ng snacks... Were classmate and friend Keli, napag-uusapan din namin minsan ang mga type niya sa isang babae, minsan biro niyang sinasabi pero alam namin lahat ng tipo niya... Hindi niya tipo ang kagaya mo."
Arawy huh!
Magkaiba kami classroom dahil mas maraming matatalino sa room nila. Magkaibigan at kateam niya kaya mas alam ni Redson 'yon. Natahimik ako hindi magawang makapagsalita dahil totoo ang sinasabi niya.
Kung ikukumpara kami ni Genesis walang wala ako! Alam ko ang agwat namin dalawa.
"Hindi naman sila bagay!" Bulong ko sa'king sarili.