CHAPTER FIVE:
Keep It
LANCE
"Hey!"
Jusko, napatalikod ako nang wala sa oras. Kakapasok ko lang kasi dito sa room ko, malay ko bang nagbibihis siya.
"Ay, sorry sorry..."
At ako pa nga itong humingi ng paumanhin. 'Di bale, bisita ka nga pala and invited ka naman.
"Bakit hindi ka kumatok?" saad niya habang hirap na hirap siyang isuot yung tshirt na puti na kinuha niya sa drawer ko.
"Akala ko kasi nakahiga ka na lang kaya pumasok na ako."
Dumiretso muna ako sa kusina upang magcheck ng puwede kong ioffer sa taong 'to. Alam ko kasing hindi pa siya kumakain nang maayos kaya ako na ang mag-iinitiate na alukin siyang kumain. Sana naman ay tanggapin niya kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko sa isang libong ibinigay sa akin ni Irish. Dito na lang ako babawi.
Kinuha ko ang isang pot sa kusina at saka ko binanlawan muna bago muling lagyan ng tubig. Noodles na lang siguro ang ibibigay ko for him para mainit sa tiyan.
"Are you sure you're willing to offer your bed?"
Bigla akong napalingon sa likod ko't nakita kong nakatayo siya.
"Jusko, Dan, aatakehin ako sa'yo."
Legit yung kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa biglaan niyang pagsasalita.
"Hindi naman kita ginugulat," saad niya, "By the way, are you willing?"
Pinunas ko muna ang kamay ko sa punasan bago ko muli naunawaan ang sinabi niya kanina sa akin.
"Oo naman," tugon ko ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kaniyang kinatatayuan.
"Even if I didn't take shower for days?"
"Okay lang sa akin, Dan. Kapag naayos ko na yung kuwarto mo, you can sleep na do'n," mahinahon kong sinabi.
Bigla namang pumasok muli sa isip ko ang dapat ko nga palang gawin.
Binuksan ko na ang pack ng noodles sa sachet at ibinudbod ko na sa loob ng pinapakulo kong tubig. Nakita ko kung paano umangat ang usok nang ilagay ko ito. Nang mabuksan ko na rin ang ilalagay para sa noodles ay nakaramdam ako na parang may biglang lumapit sa akin.
"Huwag muna."
Nagulat naman ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko't pinigilan ang aking gagawin sana.
"Remove some water. Mawawalan ng lasa 'yan mamaya."
Para akong statwa na hindi alam ang gagawin. Nalito naman ako dahil kakaunti na naman ang tubig na inilagay ko.
"E 'di walang sabaw?"
"No. Trust me," saad niya habang nakatingin sa pot, "Ganito ang ginagawa namin ni Danica everytime we cook noodl..."
Napakunot naman ang noo't napalapit ako nang kaunti sa kaniya dahil hindi ko masyadong narinig ang kaniyang sinabi.
"Sino?"
"N-Nevermind."
Para naman siyang may nabanggit na mali dahilan para sandaling mapahinto siya.
"Anong sabi mo?" paulit kong tanong sa kaniya ngunit parang ayaw na niyang ulitin.
"Kapag nabawasan mo na yung tubig, you can proceed on adding those powders." Hindi na niya sinagot ang pinaulit kong tanong kaya naman nagfocus na lang rin ako pabalik sa ginagawa namin.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...