CHAPTER TWENTY-EIGHT:
For Two Days
LANCE
Parang lumulutang ang utak ko dahil ang aga kong nagising ngayong araw, feeling ko bumaba yung dugo ko to the lowest level. Nakakaliyo palang gumising nang ganitong kaaga, parang idlip lang ginawa ko eh.
Nakahawi ang aking kurtina kaya naman kitang kita ko na hindi pa handa ang haring araw na magpakita nang ganitong kaaga. Sa aking kinatatayuan, wala pa akong makitang maliwanag na kapaligiran sa labas maliban na lang sa mga gusaling may mga bukas na ilaw. Tahimik lamang ang bumabalot sa lahat at ang ingay ng electric fan lamang ang nananaig.
Kinuha ko na ang aking susuuting damit ngayong araw kung kailan kami aalis papunta at babiyahe patungo sa Aurora. May kasal kaming pupuntahan.
"Saan kayo sa Aurora? Lance?"
Narinig ko sa hindi kalayuan ang tinig ni Dan. Siya nga pala, kanina ko pa pala siyang kavideocall, tumahimik lang sandali dahil inaantok pa rin daw siya.
"Alam mo, pwede ka namang pumasok dito sa kuwarto ah, ang weird naman kasi na kailangan pang nakavideo call," saad ko at hindi tinugunan ang kaniyang itinanong sa akin.
"I don't want to bother your preparation there, baka 'di mo kayanin presence ko," aniya't ramdam ko ang hangin galing sa mga sinabi niya, "Magcause pa ako ng distraction."
Tskk. Kainis. Babanat na nga lang, sala pa. Hay nako, Danilo.
"Ano nga? Saan kayo sa Aurora?"
"Baler." Bigla namang tumaas nang bahagya ang kaniyang kilay at pansin ko ang pagliwanag ng kaniyang reaksyon. "Parang nasabi ko na sa'yo 'to na sa Baler kami pupunta."
"Maybe nakalimutan ko lang," aniya, "Maganda sa Baler! Presko raw diyan at tahimik."
Sana nga. At saka, dalawang araw lang kami mamalagi doon, then sa Monday, uuwi na rin ako. Sabado kasi dito ngayon kaya sinamantala nila na weekends para available ang lahat ng mga imbitado, including us.
"Ang tagal nga lang ng biyahe," tugon ko at mukhang sinangayunan naman niya.
Ilang saglit pa ay bigla akong napatingin sa aking cellphone at bumungad sa screen ko ang nagbibihis na si Daniel. Nakahubad kasi siya kanina at nakadapa lamang sa kaniyang kama noong tumawag siya sa akin. Malay ko ba na nagbibihis siya ngayon.
"Salamat nga pala dahil nagising mo ako kanina," wika ko, "Kung hindi ka tumawag, baka baliwalain ko lang yung alarm na na-set ko ngayong madaling araw."
"Ako pa ba?" nakangiti niyang emosyon, "Hindi pwedeng pabayaan lang ni Daddy ang kaniyang baby 'di ba?" biro niya at nanibago ang mukha ko.
Medyo nainis ako nang kaunti dahil sa pagiging mahangin niya pero ewan ko ba kung bakit natatawa rin ako.
"Daddy kita? Maawa ka, ilang taon lang age gap natin 'no?"
"At least mas matanda ako, papunta na sa pagiging Daddy 'to 'no?"
Nakita ko sa screen na fineflex niya ang kaniyang braso at pinipisil-pisil. Parang bata.
Tumayo ako sandali dahil nahihirapan akong kumilos dahil sa higpit ng pantalon ko. Sinusubukang kong iadjust sa tapat ng salamin ko pero ang hirap pa rin. Sana pala may iba akong pantalon dito na sakto lang.
"Lance."
Nabaling muli ang aking atensyon nang makita ko ang mukha ni Dan sa screen at lumapit dito.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...