/57/ Unseen Issues

131 7 2
                                    

CHAPTER FIFTY-SEVEN:

Unseen Issues





LANCE

Agad ko namang kinuha ang aking cellphone dahil nakita ko na itong may tumatawag. Bago ko pa magawang marinig ang kakausap sa akin sa kabilang linya, pansin na pansin ko na kung paano ako obserbahan ni Bryan na para bang may akma akong gagawing masama. Ang kaniyang maamong mukha kanina ay napalitan ng pagdududa at ramdam ko ang kapirasong selos na kanyang ipinapakita.

Hindi ko na lamang ginawang nakaspeaker ang tawag dahil ayaw kong marinig niya ang kung anumang maaaring mapagusapan namin ni Irish.

"Lance," narinig ko ang tinig ni Ate sa kabilang linya, "I'm sorry kung bigla akong napatawag... I have something to inform you lang sana," kaniyang muling sinabi.

Habang naririnig ko ang pagsasalita ni Ate Irish ay pinapanood ko ang nagiging kilos ni Bryan sa aking tapat. Pansin ko ang mapagmasid niyang mga maata as if naman na nakaabala si Irish sa aming ginagawa.

Pwede ba, Bryan? Isantabi mo nga 'yang ugali mong ganyan.

"Sige po Ate, ano po 'yon?" Tugon ko at hinintay ang kanyang susunod na sasabihin.

Bigla namang sumagi sa aking isip si Daniel at baka tungkol sa kaniya ang paguusapan naming dalawa ngayon.

"Nakausap na namin si Daniel kanina..." panimula niya, "Halos nakaone week na rin siya dito sa bahay nila and okay na naman ang kanyang kalagayan. Tahimik lang siya buong araw pero kung kakausapin mo naman, nasagot. Sinamantala ko na rin yung pagkakataon na makahingi ng sorry rin sa kanya habang wala yung kapatid niya doon dahil paniguradong isa na naman sa kanila ang mababangasan."

Nakinig lamang ako sa kaniyang mga sinabi at ngayon ay nakita ko naman si Bry na ipinagpapatuloy ang kanyang pagkain. Napansin ko naman ang maingay nitong pagkain at ang maliliit na hampas ng kutsara at tinidor sa babasaging plato.

"Tuloy na rin ang pagalis nina Denver at ayos na ang kanilang papeles. Hinihintay lang na may ayusin sa site ng tinatayuan nilang building para wala na siyang aasikasuhin pa sa Australia," dagdag niya, "Maiiwan si Daniel dito at baka sa kanya na ilipat ang DenverHomes."

Para sa akin, isa ako sa mga nanghihinayang dahil nasayang ang oportunidad na makasama si Dan papunta sa Australia. Kung hindi lang talaga dahil sa kagaguhang ginawa ng kanyang kapatid, baka maayos na siyang nakapunta roon.

"Baka sa mga susunod na araw, pumunta at bumalik si Dan sa apartment para kuhanin yung ilan niyang gamit," aniya, "Hindi ko alam kung kailan o anong oras pero I hope, maabutan mo siya sa oras na 'yon."

Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan o naging excited ako sa aking narinig.

"S-sige po, Ate Irish," tugon ko, "Aabangan ko na lang po siya dito... baka kailanganin niya rin po ng tulong kung s-sakali."

"Good," narinig kong salita galing sa kanya. "Grab the opportunity, Lance. Pagkakataon mo na 'yon para makausap nang maayos si Daniel. Umaasa akong magiging maayos ang pagkikita niyo muling dalawa."

Ilang sandali pa ay hindi pa ibinababa ni Ate ang tawag ngunit napansin ko naman ang ginagawa pa ring obserbasyon ni Bryan sa aming paguusap. Parang gustong gusto niyang malaman kung ano yung nilalaman ng tawag base sa kanyang reaksyon.

"Promise me, Lance..." aniya, "He really needs you."

Namalayan ko na lamang na nagpaalam na si Ate at ngayon ay nahinto na ang aming tawag. Nagkunwari muna akong nagpatuloy sa aking pagcecellphone dahil sure na sure akong tatanungin na agad ako ni Bry kung sino ang aking kausap.

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon