/10/ Confrontation

257 16 0
                                    

CHAPTER TEN:

Confrontation

LANCE

Nang makita kong nakaalis na ang kapatid ni Dan, hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan agad siya sa baba. For sure, alam na rin niyang paalis ang kapatid niya.

Pababa pa lamang ako sa hagdanan at nakita ko na agad siyang paakyat at kasalubong ko na. Bitbit ang dalawang helmet, pati ang kaniyang bag.

"He's gone?" salubong niya sa akin at tumango na lamang ako.

Agad naman akong nagtaka kung bakit ganoon na lamang ang ginawa niyang pagiwas sa kaniyang kapatid gayong mas lalo nga dapat silang magkasundo dahil magkamag-anak sila? At saka, mukhang maayos naman ang pamumuhay nila hindi gaya ng iba.

Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi ko talagang maiwasang tanungin siya sa kung bakit nga ba ganoon ang nangyari. Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako. Napansin ko rin ang ibinigay ng kapatid niya sa aking card na may nakalagay ng number niya't may 'DenverHomes'

"Dan?" tawag ko at huminto siya sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ng room ko, "Huwag ka sanang mawawala sa mood sa itatanong ko..."

"Ano 'yon?" maamo niyang sinabi, "May problem ba?"

Inipon ko ang kakapalan ng mukha ko para lang maitanong ko na sa kaniya.

"B-bakit parang umiiwas ka sa kuya mo? May nagawa ba siyang mali sa'yo dati o ano?" Kahit may halong hiya ang sinabi ko, ewan ko, naitanong ko pa rin.

Bigla kong nakita ang pagbuntong hininga niya't parang may inalala. Kita ko din kung paano magbago ang itsura at reaksyon niya sa aking sinabi. Sana pala hindi ko na lang ginawa iyon, baka mamaya, sa akin pa siya magalit.

"Aside from he is the most favorite son, he is not consistent with his words, hindi niya kayang panindigan ang sinasabi niya," saad niya at pakiramdam ko tuloy ay nadismaya ko siya. "Noong lumayas ako sa amin, siya mismo ang nagplano ng lahat para makatakas ako sa bahay dati. Ipinangako niya na hindi niya sasabihin kay Papa kung nasaan ako pero nakita ko na lang silang nakaabang sa labas ng bahay ng kaibigan ko kung saan ako nakikituloy."

Hindi na lang ako nakaimik sa kaniya at pinakinggan ko na lamang ang mga sunod niyang sinabi.

"Hindi lang iyon ang nangyari, may mas malala pa siyang ginawa," habol niya, "Noong nakagraduate siya sa college, humiram siya ng pera sa mga kaibigan ko dahil kailangan niya raw ng pera as soon as possible... Pinagkatiwalaan namin siya dahil maganda naman ang pakikisama niya sa amin pero it turned out very wrong. Bukod sa hindi niya isinauli yung pera, sa akin pa niya ibinaling na ako na raw ang sasagot sa utang at kaya ko naman raw. Until nagkasiraan kami ng kaibigan ko dahil sa kaniya."

Mas lalo kong naintindihan ang nararamdaman niya sa kaniyang kaloob-looban kaya naman hinayaan ko lang siyang ilabas ang nasa loob niya.

Tama nga naman na pagtaniman mo ng galit yung inaasahan mong makakaramay mo sa oras ng pangangailangan mo pero ginagamit ka lang sa pangsariling interes. Kahit kamag-anak mo pa 'yan, may karapatan kang ilabas ang emosyon mo dahil may mali nga namang nangyari. Hindi ko naman siya masisi dahil doon.

"Kaya ako umiiwas sa kaniya dahil alam ko na ipinadala o bumibisita lang siya dito para ibalik ako sa amin even if it is against my will," dagdag niya, "Baka umuwi lang rin siyang basag ang mukha dahil sasapakin ko talaga siya kapag nagkataon."

Nabigla naman ako sa aking narinig.

"H-hindi naman sa nangingialam ako pero parang mali naman lalo yatang pagbuhatan mo pa ang kapatid mo nang ganoon?" paliwanag ko, "Baka mauwi lang kayo sa demandahan at may makulong na isa sa inyo."

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon