CHAPTER FORTY-FIVE:
Edge Of Shoreline
LANCE
Sobra akong nagtataka sa mga oras na ito kung bakit sa dinami-rami ng mga taong pwede kong makita ngayong araw, si Danica pa? Hindi ko naman maunawaan kung bakit wala pa si Irish sa ganitong mga oras? Ang dami kong gustong itanong sa mga tagpong ito dahil sa mga biglaang nangyayari.
"What a coincidence," saad niya habang nakatigil kami sa gitna nitong shop. Nakaguhit pa rin sa kanyang mga labi ang ngiti at ang galak na makita ako ngayon. "Tara, let's take a seat."
Nahinto na lang talaga ako habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha. Iniisip kong mabuti kung tama nga bang si Danica ang aking nakita. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa Manila at saktong sa oras at panahon pa na kikitain ko si Irish.
Is this part of Irish's plan? Gusto rin ba niyang makita si Irish ngayon?
"I didn't expect na magkikita tayo for the second time here sa Manila," aniya't saka umupo sa seat na kaniyang napili. "Taga dito ka ba?"
Nanumbalik ako sa aking sarili nang marinig ko ang lahat. Sa pagkakataong makaupo ako sa kaniyang tapat ay hindi na talaga ako mapakali sa aking kalooblooban dahil natataranta ako. Hindi ko alam pero ayaw ko lang na may ibang taong makakita sa amin ngayon. I hope wala namang taong makakakita at makakakilala sa amin ngayon.
"I-I'm near UP Diliman," tugon ko at saka ko naman nakita ang kaniyang interesadong tingin na kausapin at pakinggan ang aking sinasabi.
"Wow," nakangiti at bilib niyang pahayag, "By the way, m-may kasama ka ba? Or... hinihintay or something?"
Napatigin naman ako sa aking cellphone lalo na sa chat box namin ni Irish ngunit wala pa ring message akong nababasa.
"I'm waiting for someone, s-sabi kasi niya, dito raw kami magkikita."
Ilang sandali pa ay naputol ang aming paguusap ng biglang may sumulpot na crew sa aming table at saka inilapag sa aming table ang ilan niyang naorder. Agad naman niya itong kinuha ngunit hindi pa binabawi ang kaniyang waiting number.
"Here's Macchiato Grande po," aniya, "Follow up ko na lang po yung remaining order, Mam."
May natitira pang cup ng kape sa tray niyang hawak at saka ko nakita yung aking nakuhang order.
Nakakahiya naman na katapat ko pa 'tong babae na 'to na ang daming inorder. Walang wala sa binili ko.
"By the way, Lance..."
Napatingin naman ako kaagad sa kaniya dahil sa kaniyang ginawang pagtawag sa akin. Pakiramdam ko naman ay lumulutang na ang aking isip dahil sa kakahintay at sa sobrang pressured ko sa mga nangyayari.
"Is it okay na share tayo ng seat?" tanong niya at tumingin ako sa kaniyang mga mata. "Baka kasi dumating na yung i-me-meet mo, you know, just the both of you?" aniya't sabay ngiti ulit upang hindi maging awkward ang kaniyang sinabi.
"T-that's okay... I'm pretty sure naman na okay lang rin sa kaniya if we shared seats together."
Sumangayon naman siya sa aking suhestyon. Habang abala naman siya sa kaniyang cellphone ay minabuti ko na muling i-check kung may message na muli galing sa kausap ko ngunit wala talaga. Dahil kanina pa akong naiinip at mukhang wala namang sign na magparamdam si Irish ngayon, ako na mismo ang gumawa ng paraan upang mabulabog siya at para malaman niyang nandito na rin si Danica.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...