/44/ By Chance

124 7 0
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR:

By Chance





LANCE

Kinandado ko na ang aking pintuan dahil paalis na rin naman ako. Nakatayo lamang ako dito sa tapat ng aking kuwarto habang si Daniel ay nasa likod ko, nakasuot ng damit na plain at nakashorts lamang. Parang may pupuntahan rin yata.

"Alis na 'ko," saad ko nang makaharap ako sa kaniya. Pansin ko naman ang medyo gulo niyang buhok at ang maamo niyang mukha. Hindi ko naman maiwasang tumingin sa mga braso niyang nakabakat dahil sa kaniyang suot. "Ikaw na muna bahala sa kuwarto ko..."

Napatingin naman siya sa aking suot mula sa aking damit at sa aking babang parte.

"Sa'n punta mo?" maayos niyang sinabi.

Agad na sumagi sa aking isipan ang hindi ko dapat ipaalam sa kaniya na kikitain ko si Irish. Napaisip na lang ako ng ibang pwede kong sabihin na kapanipaniwala.

"May kailangan lang akong kausapin... kaibigan ko sa department," tugon ko kahit medyo mautal-utal pa ako.

Tila hindi siya naniwala sa aking sinabi kaya naman bakas sa mukha niya ngayon ang alinlangan, nagisip na muli ako ng ibang pwede kong ipalusot sa kaniya.

"Tell me..." panimula niya, "You're meeting him, right?"

"S-sinong him?"

Tumaas ang kaniyang kilay at saka sinabing, "Bryan?"

Agad naman akong nakaisip na hindi ko naman siya kikitain, kaso iyon ang nasa isip niya ngayon.

"N-No, Dan... h-hindi ko siya imemeet ngayo—"

"Don't lie," aniya't sabay ngiti. "Sige na, meet him na..."

"Hala siya, hindi nga," natatawa ko namang tugon sa kaniya dahil nagkakamali lang talaga siya. I have no plans to meet Bryan pa naman kaya mukhang hindi ko magagawa 'yon sa ngayon.

"Okay, sige, basta magiingat ka..." mabilisan niyang sinabi sa akin, "Siya nga pala, hindi ka talaga magpapahatid sa akin?"

Umiling na lang ako't sabay ngiti dahil hindi ko talaga nais na siya ang maghatid sa akin doon. Baka magduda lang siya kapag nagkataon na nakita niya si Irish na kikitain ko. Magoverthink pa siya mamaya doon.

"No, I'm good," tugon ko sabay galaw ng aking ulo upang makumbinsi ko siya.

"Hindi, baka kasi magpamasahe ka pa, sayang naman," dagdag niya, "May pupuntahan rin kasi ako mamaya, sabay na tayo." Pagpupumilit niya.

Ilang sandali pa ay nakumbinsi ko na siyang maniwala sa aking sinasabi dahil pinipilit kong hindi na nga. Gagamit pa siya ng gasolina, sayang lang rin 'yon kaya ako na lang.

Nagpaalam na muli ako sa kaniya habang nakatayo lamang siya doon at nang ihahakbang ko na sana ang aking mga paa, bigla ko naman siyang narinig na nagsalita. Agad naman akong napalingon sa kaniya at nakacross lamang ang kaniyang mga braso.

"Wala man lang hug?" maamo kong narinig galing sa kaniya at hinihintay niya kung gagawin ko ba ang kaniyang hiling.

Napangiti na lamang ako dahil sa kaniyang itsura ngayon. Nais na nais niyang mayakap lang ako ngayon kasi first time kong aalis na hindi siya kasama. Iyon lang ang nararamdaman ko kasi everytime na lalabas ako, gusto niyang lagi ko siyang kasama.

"Need pa ba ng yakap?" pabiro kong saad at nakangiti papunta sa kaniya.

"Bakit, bawal magrequest ng hug?"

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon