CHAPTER FORTY-SEVEN:
Gone Wrong
LANCE
"Don't follow me, Lance!"
Kahit na tila inaatake ang aking buong kalooban, pilit na gawing lapitan ng aking isip si Daniel kahit na patuloy na humahadlang ang ulan, wala naman akong magawa kung hindi kalabanin ang bugso ng ulan at hangin.
"Just listen to me Daniel, please..." pagmamakaawa kong makalapit sa kaniyang gilid. "H-handa akong magpaliwanag nang m-maayos Daniel, just give me another chance to explain, pakiusap."
Patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawang paglayo sa akin kaya naman pilit at pinupwersa ko pa ring makalapit nang tuluyan sa kaniya upang magpaliwanag kahit mukhang malabo nang mangyari.
"Sapat na ang nakita ko Lance!"
"A-ano, hanggang dito na lang? W-wala nang dapat na ibang gawin? Ganito na lang tayo?"
Labag sa aking kalooban ang pagsasabi ko ng ganoon dahil alam kong maling sabihin ang ganoong mga bagay. Ngunit hindi ko talaga magawang pigilan ang aking sarili dahil hindi niya ako hinahayaang magpaliwanag. Kahit sandali lang... sandali lang ang hinihingi ko.
Ilang sandali pa nang makarating kami sa puwesto kung saan niya ipinarada ang kaniyang motor ay agad naman niyang hinugot sa kaniyang bulsa ang susi nito't saka sumakay.
Ako naman, naiwang nandito lamang at pinagmamasdan siya nang maiigi. Iniisip at hinihiniling sa taas na kahit papaano ay magawa niyang lumingon ay bigyan ako ng kahit katiting na pagkakataong makapagpaliwanag ng aking gustong sabihin.
Nang isuot niya ang kaniyang helmet ay saka niya pinihit ang susi ng motor at nakita ko kung paano niya ito pasimulan ng makina. Napansin ko sa kabilang side mirror na nakasabit ang isang helmet kung saan hindi niya ito ginagalaw.
"Daniel..."
"Just shut up!" Umalingawngaw ang kaniyang boses sa mga nakapaligid sa amin at talagang umugong ang kaniyang sigaw sa aking tenga dahilan upang mabigla ako't bahagyang kilabutan.
Kitang kita ko sa kaniyang mga mata na talagang wala siyang balak na patawarin o kaya naman pagpaliwanagan ako.
Para akong nasuntok sa sikmura dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Hindi ko inasahan na gagawin niya iyon... akala ko pa naman, ikaw yung unang makakaunawa sa sitwasyon ko.
"A-ano na ang ma-mangyayari sa'tin?
Nang siya ay papaalis na ay desperado ko na siyang nilapitan at hinawakan sa braso. Nang maramdaman niyang lumapat ang aking kamay sa kaniya ay agad siyang nagpumiglas at nais na palayuin. Kinuha niya ang isang helmet na nakasabit sa kabilang side mirror at saka ito ibinato sa direksyon kung saan ako nakatayo kanina.
Dinig na dinig ko kung paano ito bumagsak sa semento at sa basang sahig. Kitang kita ko kung paano mabasag ang kaunting parte nitong helmet na kaniyang ibinato.
"JUST LEAVE ME, ALONE!"
Nagliwanag ang kapaligiran nang isinigaw niya iyon at saka ako nagdesisyon panoorin na lang siya sa kaniyang ginagawa sapagkat ito ang kaniyang nais.
Parang tumamang bala ang aking nakuha sa mga salitang pinakawalan niya. Tumagos sa aking dibdib ang kaakibat na sakit sa mga sinabi niya at talagang unti-uting dinudurog ang aking puso.
"K-kahit ngayon lang..." mahina kong sinabi ngunit huli na ang lahat.
Kahit na nakita kong mabilis na humarurot ang kaniyang sinasakyan ay hindi ko maiwasang magalala sa kung anong maaaring mangyari sa kaniya sa mga oras na ito. Mukhang hindi ko na talaga kakayanin kung may mangyaring hindi pa maganda sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...