CHAPTER EIGHTEEN:
Feel The Fire
LANCE
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad at kahit kakaunting metro pa lamang ang layo namin sa apartment ay naiisip ko pa rin si Dan. Hindi ko alam, para kasing mas nanaisin pa ng isip ko na nandoon ako sa apartment kasama ni Daniel at hindi na lumabas pa.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin habang si Francis naman ay naghahanap ng mga tindahang malapit lapit dito.
Ako naman, naglalakad habang may hawak na cellphone upang tingnan kung may pahabol na message si Dan sa akin o wala. Bago pa kami lumiko nang tuluyan ay lumingon ako sa apartment kung saan ang floor namin ng room namin ni Dan, titingnan ko kung nakadungaw siya sa bintana pero wala. Sarado ang bintana at nakataklob lamang ng kurtina.
"Lance," tawag ni Francis sa akin at siya'y gumilid muna sa kalsada at tumingin sa akin.
"Bakit? Dito na ba tayo?"
"No, hindi pa... okay lang ba if magcafe tayo? Kape?"
Nagdalawang isip muna ako kung papayag ako o hindi since wala naman akong tanda at alam na tindahan ng kape dito. Hindi rin naman ako nalabas palagi dito malapit sa apartment kaya wala akong makita.
"Burgers? Shawarma? May store ba malapit dito?"
Nang marinig ko ang shawarma ay nagkaidea naman ako kung saan mayroon. Isinantabi ko na muna ang cellphone ko't inisip kung saang daan ang papunta sa shawarmahan.
"May alam akong tindahan, Francis, malapit-lapit lang rin dito," paliwanag ko.
"Good! Ayun sige, shawarma na lang tayo. Nakain ka ba nu'n?"
Napatingin muli ako sa kaniya nang siya ay nagtanong.
"Oo, nakain naman ako ng shawarma," tugon ko, "Kaso okay lang ba sa'yo? Ikaw na yung sumagot ng lunch ko kanina, nakakahiya naman kung ikaw pa rin ang manlilibre sa akin ngayon. Hindi mo kasi ako pinagdala ng pera kaya wala akong hawak ngayon, pangpamasahe lang in case."
"Lance, okay lang naman sa akin, ano ka ba?" saad niya't nakita ko sa mata niyang mukha namang tunay ang kaniyang sinasabi, "Noong mga bata pa tayo, halos hindi na ako pauwiin ng Mommy mo dahil nagaalok ng meryenda... Okay lang sa akin, Lance, walang problema."
Ilang sandali pa habang ako na mismo ang nagguiguide sa kaniya kung saan ang papunta sa shawarmahan ay napupuno na ng tao ang sidewalk. Ang dami ding maliliit na paninda dito tulad ng mga kwek kwek, palamig, juice, na nakatayo malapit sa kalsada.
Napapansin ko rin ang kalangitan na tila hindi ko maaninag ang asul na kulay at tanging mga ulap na mukhang mabigat ang nakikita ko. Sikat pa naman ang araw ngunit hindi ka makakakita ng sinag nito. Maliwanag lang.
"Lance, I have a question again," ani Francis at sumabay na sa aking ginagawang paglakad.
"Ano 'yun?" mahinahon kong balik.
"M-may problem ba?"
Napalingon tuloy ako at nawala ang focus ko sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
Wala namang problema Francis.
"Ha? Bakit naman? Wala namang problem?"
"I mean, kanina? Sa apartment?"
Kaagad naman na pumasok sa loob ng ulo ko si Daniel. Kahit na alam kong doon na papunta ang usapan, iniisip ko na lang na baka iba yung balak niyang tukuyin o maunawaan.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...