CHAPTER SEVENTEEN:
Appreciation
LANCE
Nahinto ako sa aking kinatatayuan nang ayusin ko ang nakataklob sa mukha ko. Hanggang nakita ko si Daniel na hawak ang doorknob at nakatingin sa aming dalawa.
"Oh, I'm sorry t-to interrupt."
Napatingin naman ako kay Francis na katabi ko lang at nagkaroon na rin sila ng eye contact. Parang napako yung mga paa ko dahil natigilan talaga ako.
"Dan, wait!"
Inipon ko na lang yung lakas ng loob ko upang sabihin iyon, mukha rin namang pinahintulutan ako ni Francis na tawagin ko siya muli. Pagkatingin ko kasi sa kaniya kanina ay medyo naguluhan rin siya kaya siguro hinayaan na niya akong gawin ko muna ang gusto ko.
Ilang sandali pa ay nakita kong isasara na sana muli ni Dan ang pinto ngunit napigilan ko siya. Yung ngiti noong pagpasok niya kanina ay para bang napalitan ng hiya dahil siguro hindi niya inexpect na may tao pala akong kasama dito sa loob at siguro nahiya siya kasi bigla bigla na lang rin naman siyang pumasok kahit hindi kumakatok.
"Ano 'yun, Dan?" Kalmado at maayos kong tanong nang magkaharap kaming dalawa.
Dahil malapit ako sa tabi niya, mas nakita ko naman yung nakarolyong bagay na hawak niya sa kaniyang kamay ngunit hindi ko muna inusisa ito. Mas concerned ako sa sasabihin niya ngayon sa akin, baka kasi mahalaga.
"A-ahhh, ano kasi..." napuputol-putol niyang sinasabi habang inilalayo sa aking paningin ang kaniyang hawak, "Mamaya na lang siguro, may ginagawa yata kayo, sorry..." nahihiya niyang paliwanag.
Nakabukas pa rin ang pinto at nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatayo pa rin doon si Francis at nakatingin sa aming dalawa dito malapit sa pinto.
"Pasok muna tayo, Dan. O-okay lang, hindi ka naman nakaistorbo sa amin."
Sumangayon naman siya sa aking sinabi at ngayon ay nandito na rin siya sa loob at malapit lapit sa kusina.
"Ano 'yun? May need ka ba sa akin?"
"Okay lang ba?"
"Oo naman, ano ka ba? Okay lang naman sa akin na pumasok ka sa kuwarto ko without my permission," tugon ko.
"I messaged you earlier if I can go inside, that's why naisip ko na pumasok na lang bigla. I didn't know na may kasama ka pala. I'm sorry."
Ilang sandali pa ay nakita kong inilapit niya ang dalawang malaking nakarolyong papel at may inabot siya sa aking isa. Agad naman akong napaisip kung ano itong ibinigay sa akin ni Dan kaya naman kahit na mabilis ang pangyayari ay hindi na ako nakapaghintay na tingnan kung ano nga ba itong inabot niya sa akin.
Marahan kong hinayaang rumolyo ang hawak ko at nang unti-unting nareveal ang nakalagay dito ay tila namangha naman ako sa aking nakita.
Ito yung picture naming dalawa ni Dan sa pictorial at ito yung shot kung saan pareho kaming nakatingin at nakangiti sa harap ng camera.
Nakita ko namang inusisa rin ni Francis kung ano iyon kahit na medyo malayo siya sa direksyon kung saan ko nakikita ang aking hawak.
"I just wanted to give that to you since nakatulong ka sa akin sa activity ko," paliwanag niya directly sa akin, "I hope magustuhan mo."
"Omy, grabe ang ganda nito! Akala ko plain picture lang yung ipapasa mo but then hindi ko inexpect na magiging ganito kaganda yung edit mo," saad ko at nakita ko ang bahagya niyang pagngiti.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...