CHAPTER TWENTY-SIX:
Ours
LANCE
Unti-unting naramdaman ng mga labi ko ang pagkawala ng labi niya sa akin. Ito naman ako ngayon, naiwang nakapikit pa rin at tila naging statwa dahil sa nangyari.
Sa bawat segundong lumilipas, nararamdaman ko pa rin ang init na namuo sa harap ng mukha at mga pisngi ko. May kung ano rin ang nangyayari sa tiyan ko na hindi ko maintindihan. Kasabay naman ng bawat sandali ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib na tila nais makawala dahil sa mahikang pinakawala ni Daniel.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa aking harap si Daniel, kalmadong tingnan at bahagyang nakangiti. Parang sinampal rin ang mga pisngi niya dahil sa pamumula.
Hindi ko magawang makatagal ng tingin sa kaniya. Nawawala ako sa aking sarili.
Halos magsasampung segundo na rin ngunit wala ni isa sa amin ang nais gumalaw at nagkakapaan kung sino ang mauunang iimik.
Gosh naman, nakakahiya. Yung ginawa pa rin niya kasi yung nakatatak sa isip ko. Kasi naman.
Agad namang nakapa ng kamay ko ang susing hawak ko kaya biglang nagpadala ng senyales ang isip ko na buksan ko na ang pinto ko at pumasok na sa loob. Lalamunin talaga ako ng kaba, hiya, at kilig dito sa kinatatayuan ko.
"Uhmm, a-ano... P-pasok na ba? Pasok na ba ako?" Para akong batang nabubulol. Nakakahiya na talaga.
Nakita kong napatingin si Dan sa akin at walang masabi. Tanging reaksyon lang niya ang nagpapahiwatig na may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa.
"P-pasok na'ko."
Dahil mapapako na naman ako sa aking kinatatayuan, ako na mismo ang gumawa ng paraan para makawala sa namamagitang awkwardness sa amin. Jusko, magpapalamon na ako sa lupa, pakiusap.
Nangangatal ang aking kamay sa pagpihit ng aking susi sa doorknob at talagang hindi makontrol ng kamay ko ang pangangatal. Nang maayos ko namang ipasok sa loob ang hawak ko, dali dali naman akong pumasok.
Hinayaan lamang ako ni Daniel na pumasok sa aking kuwarto at tila hindi na nagabalang umimik pa.
Nang huling tingin ko sa kaniya ay tila nakapako ang tingin niya sa akin kaya sumilip rin ako. Hindi ko rin kasi talaga alam ang gagawin ko. Pati sasabihin ng utak ko, naghahalo-halo.
Hindi ko namalayang nakatalikod na pala ako sa aking pinto habang ang utak ko naman itong siyang gumagana.
Totoo ba yung nangyayari? Yung nangyari?
Para na akong natanga dahil sa nangyari. Talagang umiikot lang sa isip ko kung paano niya nilapitan ang mga labi ko para halikan. Hindi ko macontain yung naguumapaw na emosyon ko.
Napapikit ako nang namalayan ko na lang na hinahawakan ko na muli ang aking labi nang marahan. Parang nais maranasan muli ng isip ko ngunit hindi ko magawa.
The softness of his lips still lingers.
Shuta, napapaenglish ako nang wala sa oras!
Agad ko namang nakita sa loob ng transparent plastic bag ang stuffed toys na nakuha namin at ito ay nakangiti pabalik sa akin.
Dahan dahan ko itong kinuha na para bang iniisip ng isip ko na si Daniel ito.
Hindi pa rin ako makapaniwala! Alam kong weird 'to sa akin pero sa totoo lang, parang bumalik yung nais kong maramdaman muli matagal na panahon na. Kahit na may kaunting takot sa isip ko, isinantabi na lamang ito ng puso ko at nais nang muling makita si Daniel.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...