/36/ Between The Lines

139 11 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX:

Between The Lines

LANCE

Pagkatapos kong makapaglinis at makaayos ng ilang gamit ko dito sa loob ng kuwarto ko ay minabuti ko nang pumunta sa study table ko at kuhanin ang lahat ng gagamitin kong modules and books para masort out ko na ang lahat ng pagaaralan ko for upcoming exam. Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko na kapag time ko para mag-aral, magaaral talaga ako dahil hindi mo magagawang lagpasan ang UP kung wala kang nirereview at hindi ka handa. Ayaw ko namang magpapetiks-petiks lang kahit may mga free time pa ako dahil sa huli, ako pa rin naman itong mahihirapan.

Huminga muna ako nang malalim saka ko binuksan ang mga notebooks na nagamit ko for the whole subjects na kailangan kong aralin. Mabuti na lang talaga at kahit may mga times na wala ako sa klase, nagagawa ko pa ring makacatch up dahil may nalalapitan naman ako sa mga kablockmates ko. Ang hirap din talaga minsan kapag wala kang makuhang ano eh, sobrang hirap magisip kung paano ,ag-backup ng mga naiwang notes.

I set my phone timer nang almost 25 minutes para makapagfocus ako ng straight sa mga gagawin kong sched ng review sa mga susunod na araw. Aayusin ko lang at mamarkahan ko lang yung mga kailangan kong aralin for this week then yung madadali, kaunting browse na lang dun since may paraan naman ako.

Habang inililipat ko ang aking notes at nang malapit na ako sa kalahati ng aking pagmamark ng mga markers and highlighters ay napansin kong tila umilaw ang cellphone kong nakataob sa aking tabihan. Nagtaka naman ako dahil pangalawang 25 minutes ko na ito pero feeling ko hindi pa naman time.

Iniwan ko muna sandali sa aking table ang mga papel na nakasalansan at pinatungan ko muna ng mabigat na bagay para naman hindi liparin ng electric fan.

Nang magtama ang aking tingin sa aking kinuhang cellphone ay bumungad sa akin ang pangalan at itsura ni Daniel sa screen. Tumatawag, video call.

Napakagat labi naman ako dahil for sure, wala 'tong ginagawa kaya naman may time para tawagan ako. Sabi ko kasi sa kaniya kanina, magrereview na ako pagkatapos but then may gusto siyang sabihin sana kaso hindi na niya nagawa.

Isinandal ko sa isang side ang aking cellphone paharap sa akin para hindi na ako mag-abala pang hawakan 'to gamit ang isa kong kamay.

"Hello, bibi!"

Bibi ka diyan. Nakita ko ngayon na tila madilim ang kuwarto niya at tanging maliit na source na liwanag lang ang dahilan upang makita ko siya nang bahagya sa screen.

"Ano gagawa mu?"

Parang abnormal. Bored 'to panigurado.

"Nagmamark ng mga kailangan kong reviewhin," paliwanag ko at ipinakita sa kaniya ang agaran kong nadampot na maliit na notebook. "Ba't ka napatawag?"

"W-wala lang, gusto lang sana kita kumustahin," saad niya at saka ngumiti.

"Kumustahin? Eh kanina lang, sabay tayong umuwi?"

Ilang sandali pa ay nakita ko na sa screen na inilipat niya ang view from front cam to the main camera. Nakita ko ang kaniyang laptop at tila may pinapanood siya dito. Ilang sandali lang akong tumingin dito dahil hindi ko naman masyadong nakita.

"Nood tayo movie? Gusto mo?" mahina niyang sinabi at napatingin muli ako sa screen at nahinto ang aking paglilinya ng mga salita.

To be honest, kapag talaga nasa state ako ng review or what, never mo akong mapapapayag na gumawa ng ibang bagay bukod sa review. I don't know pero natatakot kasi ako na sayang yung time.

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon