/7/ Exchange

273 18 0
                                    

CHAPTER SEVEN:

Exchange


LANCE

Nakalipas ang ilang araw, mas naging okay na ang kalagayan ni Daniel base lamang sa nagiging obserbasyon ko sa kaniya. Mas nakakapagusap na naman kami ng ayos at hindi na niya ako tinatarayan pa. For the course of two days, mas naintindihan ko ang kalagayan niya. What he needs right now is someone na aagapay sa kaniya until mas maging okay na talaga siya.

Kahapon, nakumbinsi ko siyang matulungan niya ako to redecorate his room. Isa na rin iyon sa naisip kong therapy para kahit papaano, malibang at hindi siya lamunin ng malalang pag-iisip niya. Hindi na rin muna ako pumasok nang dalawang araw dahil walang kasama si Daniel dito sa apartment. Nakapagpaalam naman ako pero need ko na lang rin humabol sa naging discussions nila.

"Ba't naisipan mong mag-aral dito sa Manila?"

Narinig kong sinabi niya habang binabasa ko ang module ko for this week. Baka kasi bigyan kami ng activity, basta ang mahalaga, ready ako.

Nandito nga pala si Dan sa kuwarto ko, hinayaan ko na lang munang magstay siya rito para hindi na magulo pa masyado yung kabilang kuwarto. Hindi pa kasi tapos.

"Bukod sa dream ko talagang makapag-aral sa UP Diliman, gusto ko rin maexperience yung makapag-Manila ako for a long time," tugon ko't nakita ko kung paano siya magreact sa sinabi ko.

"Manila is so big yet it's so small."

Napahinto tuloy ako sa paglilipat ng notes dahil sa sinabi niya. Ano raw?

"Ha?" mahinahon kong pagtataka.

"Manila is so congested. Sinasabi lagi ng mga nasa probinsya, nasa Manila ang oportunidad but in reality, Manila is small, gets?"

Sinasabi niya iyon nang walang tigil while he is playing with a pillow na nasa sofa. Pinapaikot niya 'to sa hintuturo niya na parang bola.

"Gets ko naman na Manila is small, knowing na maliit talaga yung geographical size niya," panguna kong sinabi, "Pero kasi, kung titingnan natin in a larger scale, napakaraming opportunities nga na nakaabang sa'yo, that's why nasasabi ito ng mga probinsyano," dagdag ko.

Yung itinanong niyang nauna, kung saan saan na napunta.

"Okay, back to our discussion," saad niya at umayos siya ng upo.

Tinakpan ko na muna yung module ko para hindi mawala yung page kung nasaan na ako. Si Dan kasi, madiskusyong tao pala 'to.

"Why psychology?" tanong niya at para bang interesado siyang malaman talaga kung bakit.

"I am so fascinated kasi on how human brain works, and how we perceive about ourselves at syempre, kung paano tayo mag-isip," tugon ko, "Sa totoo nga lang, I want to take communication arts pero feeling ko, I am not ripe enough to take it."

"Wala naman sa pagiging ripe enough ang pagpili ng course, Lance. We took that course because we want to learn more about it," saad niya at parang medyo nahiya naman ako sa sarili ko.

"I mean, I am more inclined talaga sa psychology kaya ayun, doon ako dinala," wika ko.

"You know, when I took communication arts, sobrang excited ako kasi magiging kablockmate ko si Danica, but hindi siya nakuha sa first choice niya kaya yung second option niya siya nakapasok," paliwanag niya.

He mentioned Danica na naman, baka mamaya, mawala na naman siya sa mood. I hope hindi na.

Just to avoid having Danica as our main topic, nagtanong na lang ako away from that idea.

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon