/48/ Hold

118 7 0
                                    

CHAPTER FORTY-EIGHT:

Hold





LANCE

Inilalaan ko ang aking buong bigat sa aking sinasandalang upuan sa sasakyan ni Bryan. Noong una, hindi ko na nais pang manatili kasama niya at pinapauwi ko na siya ngunit mukhang hindi ko naman kakayanin na magisa na lang rin ako ngayon. Kahit na may sama pa ako ng loob sa kaniya, wala na lang akong nagawa kung hindi ay sumama sa kaniya dito sa loob ng sasakyan. Mas mababasa lamang kami sa labas kung nagmatigas pa ako.

"Okay lang na mabasa yung seat, at least hindi na tayo mababasa sa labas," narinig kong sinabi niya habang ako'y nakasandal at pinagmamasdan ang aking reflection sa salamin. Patuloy pa rin ang malakas na pagulan at kitang kita ko dito sa aking gilid na tumitilamsik ang tubig.

Bigla kong naalala ang bagay na nasa aking bulsa ngayon. Nararamdaman ko pa rin dito na may ilang bagay sa loob nito kaya naman gumawa ako ng paraan upang makuha ito nang marahan upang hindi lalong mawasak ang aking gamit.

"M-may damit akong pamalit sa likuran," ani Bryan na tila abala sa kaniyang ginagawang kung anuman sa aking gilid. "Magpalit na ka na lang ng damit at baka kung anong mangyari sa'yo."

Hindi ko magawang kumilos sa mga pagkakataon na 'to. Pakiramdam ko'y naubos ang buong lakas at enerhiya ko dahil sa mga nasaksihan at narinig ko. Kahit naman na nilalamig na ang buong sistema ko, pilit ko pa ring nilalabanan. Sana naman ay hindi muli mangyari yung nangyari noon na halos lagnatin na ako.

"Lance."

Nang siguro ay tila maobserbahan niya ang aking reaksyon ay tinawag niya ako upang ulitin ang kanyang sinabi.

Nakita ko naman sa aking mga palad ang wasak at basag na aking cellphone. Natanggal ang case nito't tila nasira ang upper part kung saan nandito ang camera. Sa aking palagay, basag na ang lente pati ang ilang nasasakupan nito. Marahil ay dahil sa pagkakabagsak.

Namalayan ko na lamang na biglang may nakawalang pagpatak ng luha sa aking mga mata habang iniisip ko ang mga nangyari noong nasa loob kami ng coffee shop. Tumatakbo pa rin sa aking isip yung mga pagkakataong nagkagulo sa loob pati na rin ang paghawi niya sa kamay kong may cellphone.

Ang sakit lang isipin na sa ilang segundo at minuto lamang ay magkakawasak kami nang ganito. Hindi ko naman inasahan na aabot ang lahat sa ganuto kaya naman sobra lang yung sakit. To the point na kahit pagluha ko, itinuturing ko na rin bilang pagod.

"Gusto mong magstay muna sa apartment ko?"

Iginalaw ko nang bahagya ang aking mata dahil sa sinabi ni Bryan. Inipon ko ng hangin ang aking baga at saka ibinuga ito dahil may gusto akong sabihin pero mas pinili ko na lang na ikubli.

"May sarili akong apartment," mahina at walang ka-emo-emosyon kong sinabi. "Bakit kailangan mo pa akong dalhin sa'yo?"

Wala siyang nasabi kaya naman pinabayaan ko na lamang siyang matahimik.

Totoo naman ang sinabi ko 'di ba? May sarili naman akong lugar, bakit kailangan ko pang sumama sa kaniya? Para saan?

"What if makita mo ulit yung lalaking 'yon?"

Agad naman akong napaisip at unti-unti kong prinoseso sa aking isip kung anong gagawin ko sakaling magkataon ang kaniyang sinabi.

Bahala na.

"Just take me at my place," mahina kong tugon at sumandal nang maayos sa aking kinauupuan.

Ilang sandali pa ay bigla kong naramdaman sa aking kamay na may hinawakan siya at mukhang nawala ang aking nasa kamay. Napatingin naman ako sa kaniya nang kunin niya ito.

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon