CHAPTER FIFTY-EIGHT:
Shadows
LANCE
"Bakit ka namang matatakot na magsabi sa akin?" medyo maayos na saad ni Ate sa akin dahil nabanggit ko sa kaniya ang tungkol sa kalagayan namin ni Dan ngayon. "Ate mo ako, kaya okay lang sa akin... bunso ka rin namin kaya dapat lang na magsabi ka sa amin."
Sa totoo lang naman kasi Ate, nahihiya akong magopen up sa inyo dahil nga parang pangalawang beses na akong nakakapagbanggit sa inyo tungkol sa nangyayari sa akin. Ayaw ko naman na parang madisappoint ko kayo dahil lang sa mga desisyon kong padalos-dalos. Kayo ate, matured na kayo talaga, ako on the process pa rin.
"B-baka kasi ate..."
"Baka ano?"
"Baka magalit ka sa akin kasi nga may nagawa akong mali," saad ko nang mahina habang ako'y nakaupo lamang sa aking kama.
"Natural lang sa akin na medyo mabigla o mainis ako sa ginawa mo, Lance," paliwanag niya, "Ate mo ako, ayaw ko rin naman din na kunsintihin yung ginawa mo pero ngayon, mas pinili kitang unawain na lang dahil alam kong nahihirapan ka rin sa sitwasyon mo ngayon."
Tama naman ang sinabi ni Ate. Nagets ko naman agad ang kanyang sinabi.
"Naawa rin naman kasi ako sa kwento mo tungkol sa nangyari sa inyo," aniya, "Wala naman talagang may totally may kasalanan, hindi lang talaga kayo nagkaintindihan."
Natahimik na lang ako sa kanyang paliwanag dahil nagrereflect ako sa aking sarili habang pinapakinggan ko si Ate. Hindi hamak naman na mukhang marami na siyang napagdaanan na taon at experiences bukod sa akin.
"Paano na ang plano mo ngayon?"
May kung anong nagpadala ng mensahe sa aking isip dahilan upang sumagi nga sa aking isip ang mga dapat kong gawin sa mga pagkakataong ito.
"W-wala pa Ate... Wala akong maisip," tugon ko, "Hayaan ko na lang muna yung sa amin, 'te."
"Anong hayaan!?"
Napasinghap naman ako nang hangin dahil sa aking narinig. Alam ko naman na hindi magandang idea na hayaan na nga lang kaso wala talaga akog maisip na plano. Parang wala nga rin akong maihaharap na mukha kay Daniel dahil nga sa nangyari. Ang kapal naman ng mukha ko kung magpapakita ako nang ganitong lagay 'di ba?
"Ang mga nasisira, ang mga nawawasak, dapat inaayos, Lance!" saad niya at talagang siya ang nagpupush sa akin ngayon. "Hindi pwedeng iasa mo na lang sa panahon... mabubulok kayo niyan."
"Wala kasi akong maisip na dapat gawin Ate eh," saad ko na may halong kahihiyan.
"Sa talino mong 'yan Lance, paniguradong may plano ka na at alam mo na ang dapat mong gawin," saad n'ya at ngayon ay tila kumalma na siya 'di tulad nang kanina. "Gawan mo ng paraan 'yan, Lancelotlot, ako'y nacucutan sa padali mo ha."
Medyo napapangiti na lang ako dahil sa sobrang hands on niya sa pagaayos sa aming dalawa ni Dan.
"Paano kung ayaw niya na akong makita, Ate?"
Akala ko ay wala na siyang maisasagot pero nagkamali ako.
"Ayan ka na naman sa pagiging negative mo," buwelta niya sa akin, "Hindi mo pa nasusubukan, may what if na agad?"
Wala talaga akong kawala kay Ate. Napakadaming pwedeng masabi tungkol sa topic na ganito. May point naman siya, as in wala lang talaga akong alam na gagawin pa sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...