/33/ No Idea

144 9 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE:

No Idea



LANCE

"Marami pong salamat Tita," wika ni Ate Lindsey habang kami ay nakatayo sa tabi lamang ng sasakyan namin. Kausap niya kasi si Ninang na sinamahan kami papunta rito sa pinark ni Ate na sasakyan.

"Naku, walang problema, Lindsey, salamat rin at nakarating kayo," tugon naman niya at nakangiti.

Ako naman dito, dala ko yung pinabitbit ni Ate na gamit na dala namin. Tahimik lamang ako dito sa aking tabi at kating-kati nang makauwi sa apartment.

"Pagpasensyahan niyo na yung naiwan naming kalat sa kuwarto, Minerva," paningit naman ni Mama na handa na ring makauwi, "Pagpasensyahan niyo na rin yung regalo namin at hindi ganoong kalakihan..."

"Naku, Linda, walang ano sa akin 'yung paggamit niyo sa guest room," paliwanag ni Ninang, "At saka ano ba naman kayo? Kahit anong regalo, ayos lang, dapat nga hindi na kayo nagabalang magregalo sa kanila... Okay na okay yung gift niyo."

Habang naguusap naman sila dito ay napapatingin ako muli sa loob ng malaking bahay at dahil bukas ang gate, pansin ko ang ilang mga taong nasa field tulad ni Denver at ang ilan nitong kasama. Pakiramdam ko, kapag nakaalis na kami, paguusapan rin nila yung naging appearance ko dito. Kung tutuusin nga, wala naman nagsabi na magkukrus pala ang landas namin sa ganitong lugar na hindi ko naman inaasahan na mangyayari. Hindi naman rin ako aware na dito ko rin malalaman yung totoo dahil ang alam ko lang, kasal ang dinayo namin nina Ate at Mama dito sa Aurora.

"Ay siya, magiingat kayo sa inyong biyahe, baka pagabi na rin ang uwi niyo," saad ni Ninang at saka sila kumilos na papunta sa sasakyan.

Nang mapansin ko naman na tapos na ang kanilang paguusap ay inalalayan ko na si Mama upang makasakay siya nang ayos sa sasakyan.

"Kung kaya niyo ulit makabisita rito, balik kayo ha!" huling tinig ni Ninang na aking narinig. Nakapagpaalam naman ako sa kaniya nang maayos kanina bago kami dumiretso dito sa labas.

Habang inaayos pa ni Ate ang ilang bagay sa loob ng sasakyan ay napapalingon pa rin ako sa bahay na iyon. Nakita kong nakatayo si Danica sa isang banda at naguusap muli ang dalawa pati na rin yung Jericho. Kahit na may kalayuan ay nakikita ko pa rin dahil nakatatak na sa aking isip ang pigura nila kahit sa malayo.

"Wala kang naiwan? Ikaw Ma?"

Napatingin ako sa may salamin at si Ate ay nakatingin sa amin kaakibat ang kaniyang itinanong. Pinihit na niya ang susi ng sasakyan at narinig namin dito sa loob na handa na kami upang makaalis.

Si Ate na mismo ang gumawa ng paraan upang makalabas kami dito sa subdivision at pinatunog niya ang busina senyales na aalis na talaga kami. Ngayon naman ay kasalubong na namin ang highway sa lugar dito.

Kahit hindi pa kami nakakalayo nang lubos sa lugar at bahay na iyon ay binabagabag na kaagad ako ng aking iniisip. Alam kong dapat ay hindi ko binibigyan at pinaglalaanan ng oras ang mga bagay na nalaman ko pero hindi ko maiwasang isipin ang lahat. Bukod sa hindi lang ako ang apektado sa napakalaking katotohanang nasaksihan ko, alam ko rin na may parte ako sa kung papaano malalaman ni Daniel ang lahat. Nasa sa akin ang desisyon kung sasabihin ko ba kay Daniel ang nakita ko at saluhin ang kung anuman ang kaniyang sabihin o gawin, o susunod ako sa usapan namin ni Denver na hindi dapat malaman ni Dan na ang taong minahal at inakala niyang patay na ay buhay na buhay pa at ako 'tong mismong unang nakakita.

Ako kasi 'tong naiipit sa sitwasyon kaya napakalaki ng parte ko once na makarating sa kaniya ang balita.

"Lance," tawag ni Ate at naputol ang linya ng aking pagiisip, "Sino yung kausap mo kanina?"

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon