/14/ Coffee

250 21 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN:

Coffee

LANCE

"Paano ba 'yan, Lance, aalis na kami."

Nagising kami nang halos mag aalas kuwatro ng umaga dahil ito na ang oras para makauwi na sila. Nasa main entrance kami nitong apartment at ngayon ay handa na silang sumakay sa sasakyan. Kailangan kasi nilang makaalis nang maaga dahil baka matengga o matraffic na naman sila kung hindi agad sila aalis ngayon.

"Ingat po kayo nina Mama sa pagbiyahe," paalala ko, "Lagi mo ipaalala kay Mama yung gamot niya, Ate ha."

"Oo naman, may papel na nga si Mama sa bahay kung anu-ano yung mga susunod niyang iinumin kaya no need to worry."

"Sige na Ate, thank you rin at nakabisita kayo dito sa apartment kahit medyo naging magulo ang naabutan niyo dito," saad ko at napangisi.

"Eh hayaan mo na iyon, hindi naman makalat ang kuwarto mo't naayos na naman yung tungkol kay Daniel," tugon niya. "Ay siya sige na talaga... Aalis na kami para hindi kami hassle sa biyahe... Magaral ka nang mabuti para naman proud kami sa inyo at lalo na ni Papa. Lagot ka do'n sige ka, siya ang dadalaw sa'yo dito," biro niya.

"Si Ate talaga, nananahimik na si Papa, binabanggit pa."

"Balitaan mo rin ako kapag inaano ka pa rin ni Bryan at talagang ipapakulam ko na 'yon," dagdag niya, "Update mo rin ako sa inyong dalawa ni Dan ha, hindi puwedeng hindi updated ang kapatid mo... Char."

Ilang sandali pa ay sumakay na sila sa loob ng sasakyan at bumusina senyales na aalis na nga sila. Nakita ko na ang pag-andar ng sasakyan at ngayon ay hinihintay ko lang na makaalis na talaga sila.

"Bye!"

Kumaway na lang ako nang ibaba niya ang salamin sa sasakyan.

Nang makita kong tuluyan na silang nakaalis ay napansin ko naman ang medyo madilim at napakalamig na paligid. Hindi rin ako ganoong kasanay na gumising nang ganitong oras, feeling ko maliliyo ako sa mga susunod na oras dahil ang aga kong nagising.

Binaybay ko na ang hallway at saka na ako umakyat sa hagdanan. Mabigat pa rin ang nararamdaman ko sa aking mata dahil nga kagigising ko lang kanina. Pinilit ko lang bumaba dahil gusto ko naman muna silang iassist nina Mama sa baba.

Nang makarating ako sa tapat ng aking kuwarto ay napasulyap naman ako sa pinto katabi ng sa akin. Laking pagtataka ko lang kung bakit parang bukas at nakaawang ang pinto gayong hindi naman ganito ang nakita ko noong lumabas kami.

Gusto ko na sanang dumungaw o sumilip sa kuwarto ni Dan ngunit naisip ko na baka makaistorbo ako kung sakaling gawin ko iyon. Madaling araw pa naman kaya naman sinara ko na muna nang marahan ang pinto upang hindi na ito makagawa pa ng ingay.

Dali dali kong binuksan ang aking pinto at tinahak ang papunta sa aking kuwarto, una kong dinampot ang aking cellphone upang mamessage ko si Dan sa pagkakataong ito. Baka unaware lang siya na bukas ang pinto niya kaya imemessage ko na lang.

Nang matapos ko siyang ichat sa kaniyang account ay nagtungo naman muna ako sa aking banyo at naghilamos nang sandali, para lang mawala ang aking antok at para na rin maging malinis ito.
Noong bumalik ako sa kuwarto ay wala pa rin akong narereceive na message galing kay Dan ngunit naseen na naman niya ito. Ilang sandali pa ay bumungad sa aking cellphone ang buong pangalan at picture ni Dan sa screen. May nakita rin akong dalawang bilog sa ibaba at kulay pula ang isa at yung kabila naman ay green.

Sinagot ko na ang tawag at ngayon ay alam ko nang gising na siya sa mga oras na ito.

"Goodmorning..."

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon