CHAPTER TWENTY-FIVE:
Complete Again
LANCE
The past few days was just an ordinary day for me. Wala namang kakaiba, ganoon pa rin naman. Bukod sa sinubukan kong basahin yung mga magiging advance lessons namin ay ginawa ko na rin yung pagaayos ng gamit.
Ngayong araw, masasabi kong malaking araw para sa amin ni Daniel. I don't know. Feeling ko lang, magiging masaya ako today.
Habang nakaharap ako sa salamin upang icheck ang aking sarili dahil aalis ako kasama si Dan, ay minabuti ko nang ayusin yung mga maiiwan kong gamit ngayon. Lahat ng charger and other things ay inorganize ko na kasi baka mamaya, madatnan ko pa 'tong makalat. Ayaw ko naman ng ganoon.
I grab my sling bag at saka inilagay dito ang ilang gamit tulad ng maliit na payong; in case na umulan na naman ulit, and cologne, para naman okay pa yung amoy whenever I go.
Chineck ko na rin muna ang aking cellphone kung kakayanin ba yung battery percentage niya buong maghapon and I guess, kaya naman.
Dinala ko ang susi ng room ko at nang papalapit na ako sa pinto ay pinatay ko na ang ilaw at dinoble ang pagtingin sa gasul para safe. Nang makalabas na ako dito sa bahay ay bigla naman akong nabigla nang makita kong may nakatayo na sa tapat ng kuwarto ko't nakasandal siya sa pader.
"Grabe ka naman Daniel! Talagang gusto mong atakihin ako sa puso."
Napangiti siya at natatawa sa naging reaksyon ko. Nahinto tuloy ako sa paglolock ng pinto.
"Hindi naman kita ginulat ah, ikaw talaga, ang nerbyoso," aniya, "You are thirteen minutes late, sabi mo lalabas ka exactly eight."
Hala siya, naorasan pa nga nang wala sa oras. Huh? Ano raw, Lance? Ang gulo mo magisip.
Hindi na ako nakaimik dahil napansin ko naman na tila binaybay niya ang mula ulo ko hanggang paa. Bigla tuloy akong nacurious sa sarili ko dahil baka hindi okay 'tong suot ko. Alam ko namang bulok fashion sense ko pero sana naman okay 'to.
Napansin ko rin ang suot niya ngayon at kitang kita ko ang white t-shirt niya sa loob habang may suot siyang color red na button up polo. Nagcompliment lahat ng kulay ng suot niya sa aura niya ngayon.
"Why?"
Napangiti siya nang marinig niya ang aking sinabi at nagtama ang tingin naming dalawa.
"W-why are you smiling? Anong meron?"
"Wala naman... masama na bang ngumiti?" tugon niya at saka muli ngumiti.
"May problem ba sa suot ko? Magpapalit ako."
"There's nothing wrong, Lance. I think, your shirt is perfect for you." Sabay ngiti. "Tara na?"
Sumabay na lang ako sa kaniyang paglalakad patungo sa baba habang bitbit niya ang dalawang helmet. Hindi pa naman niya ibinibigay sa akin yung pink na para sa akin kaya hinayaan ko na lang muna.
Huminto muna ako sa paglalakad nang salubungin namin ang mainit na panahon. Si Dan naman ay sumugod na papunta sa kaniyang motor upang ito'y paandarin.
"Wear this," aniya't inabot sa akin ang helmet.
Mabuti naman at natandaan ko na kung paano iyon isuot kaya naman hindi ko na hiningi pa ang kaniyang assistance.
"Kapit ka ulit sa akin ha, make sure you take a better grip." Saad niya at tumango na lamang ako.
Sa pagkakataong ito, sinasalubong na ng mga balat namin ang hangin at ramdam ko na rin ang init ng tirik na araw. Dahil wala namang kakaibang nangyayari habang kami ay nabiyahe, hinayaan ko na lang na maconsume namin ang oras.
BINABASA MO ANG
Back To Square One (BXB) (Completed)
RomanceSa lahat ng fairytale na nabasa't napanood ko, laging ang prinsepe ang sumasagip sa prinsesa, pero may handa bang sumagip sa prinsepe kung sakaling hindi niya nagawang iligtas ang prinsesa? Nang magawa ni Lance na bumukod sa kaniyang pamilya dahil...