/54/ Bleed

125 9 0
                                    

CHAPTER FIFTY-FOUR:

Bleed





LANCE

Pinagmamasdan lamang ng aking mga mata kung paano siya sumabog sa galit kahit na limitado lamang ang kanyang nagagawang kilos. Kahit na naguumapaw ang kaniyang galit sa kaniyang kalooban, ramdam kong hinang hina siya sa mga oras na ito. Hindi lang niya nais ipakita ngunit dama ko.

Hindi ko gustong makita siyang ganito ang kalagayan.

"Dan... h-hindi mo naman dapat ginagawa 'to sa sarili mo," aking paliwanag ngunit mukhang lumalagpas lamang ito sa kaniyang kabilang tenga. "M-makinig ka sa akin, Dan... A-alam kong may mali akong nagawa sa'yo, h-ha-hayaan mo 'kong magpaliwanag..."

"Lumayo ka n-na..." nagiisa niyang tugon habang pilit na kinukuha ang isa pang bote malapit sa kaniyang tabi.

"Sir, kumalma lang po kayo, marami na po kayong damages sa property po namin," wika ng isang crew dito na pilit inaalalayan si Dan.

"I can!" reklamo at tugon naman ni Dan, "I can pay... j-just let me stay here! Mahirap ba 'yon?"

Pansin ko na sa kaniyang mukha na nais nang bumigay ng kanyang katawan ngunit ito ay nagpupumilit. Mamula mula na ang kanyang mukha pati na rin ang kanyang tenga.

"Balik na tayo, Lance."

Narinig ko sa aking tabi ang sinabi ni Bryan sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kaniya nang hindi maganda.

"P-paalisin mo na lang 'yang manloloko na 'yan..."

Nakikita ko sa kaniyang mga mata na hindi niya talaga ako nais na makita. Habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon ay tila nakaramdam ako lalo ng awa sa kalagayan niya. Hindi niya gustong mangyari ang lahat ng ito sa kanya.

"Umalis ka na! Lance! H-hindi kita kailangan..."

May kung anong lumubog sa aking dibdib dahilan upang tila maramdaman kong nadurog nang pira-piraso ang aking puso. Napaawang na lang nang bahagya ang aking bibig dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga salitang iyon sa akin.

"Baka kung ano pang magawa ko sa'yo, Lance... Umalis ka na!"

Naramdaman ko ang palad ni Bryan sa aking braso at tila siya itong nagbubulong sa akin na sundin namin ang sinasabi ni Dan na umalis na kami. Hindi ko na lamang magawang kumalma dahil sobrang nagaalala ako dahil nahihirapan na siya. Patuloy at patuloy pa rin ang pagragasa ng aking mga luha dahil sa aking napapanood.

"I'm so sorry, D-Daniel..." bulong ko habang pinipilit ako ni Bryan na umalis na kami.

Gustong gusto ng puso't isip ko na dalhin na siya pauwi at para maalagaan ko siya nang mabuti. Habang pinipilit niya akong lumayo, kitang kita ko sa kaniyang mga mata na hindi niya talaga ako nais na paalisin. Sa bawat pagtitig ko sa kaniya, mas lalong kumukurot sa aking dibdib. Lahat ng kaniyang galos at sugat, ramdam ko at mukhang ako rin ang dumadaing sa sakit.

Ang bigat sa pakiramdam sa totoo lang.

"Sir, I think mas mabuti po kung magstay po muna kayo sa labas..." saad ng crew sa'min, "I'll give a seat para po sa inyo, para lang po mapakalma po natin yung kasama niyo..."

Magsasalita na sana ako ngunit bigla akong naunahan ni Bryan.

"No... thank you, we'll leave right away..."

Back To Square One (BXB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon