09

61 5 0
                                    

"Anong oras sila dadaan?" Tanong ko kay Sin na kausap ko ngayon sa telepono.

"2 minutes more."

"Geh. If you heard a loud bang then start  the killing spree. Don't hold back, wala tayong ititira maski isa." Seryusong utos ko habang naka-sight sa teleskopyo ng sniper ko.

"Got it amo."

Pinatay ko na ang tawag at saka naghintay pa ng ilang sandali.

Andito kami sa ngayon sa East kung saan dadaan ang mga gagong pumatay sa mga tauhan ko.

I'm not killing them for fun.

They are part of drug syndicate here in Philippines. Some of them are rapist. While some other are prisons. I go through back ground checks before hunting them.

Oo, hindi ako Diyos para kunin ang buhay ng ibang tao. Pero iyon lang ang paraan para mailigtas ko ang inosente at walang kamuwang-muwang na ibang tao, magiging Diyos ako o kahit pa demonyo.

Tutal, masyado ng maraming tao sa mundo. Hindi naman masamang bawasan ng kaunti, diba?

Napangisi ako ng makita na ang sasakyan ng mga gago. Agad akong pumwesto ng maayos saka inasinta ang nagdadriver ng nasa unahang kotse. "Bullseye!" Mahinang saad ko ng makitang matamaan sa mismong gitna ng noo ang nagmamaneho.

Kasabay niyon ay ang pag-ingay ng paligid ng magsimulang paulanan ng mga tauhan ko ang sasakyang dumadaan.

Hindi masyadong dinadaanan ang lugar na ito at kung may dumaan mab ay kakaunti lang.

Bumaba ako sa puno at napatango-tango habang nakatingin sa sniper ko. "Swabe ka pero hindi kita papagurin." Pagkausap ko pa dito saka inilagay iyon sa tabi ng puno at binunot mula sa tagiliran ko ang isa ko pang baril saka lumapit doon at senenyasan silang tumigil na.

Walang emosiyon naglakad ako doon at hindi na lumingon dahil wala naman ng humihinga roon. Tumigil lang ako ng makarating sa pinakadulo. "Nabuhay ka pa don?" Nakangising tanong ko sa isang taong may tama na sa braso pero halata namang hindi malubha. Gawing shield ba naman lahat ng nasa kotse eh. Tsk.

"Q-Queen m-maawa ka. M-Mapag-uusapan pa namna 'to, diba? I-Ibibigay ko lahat ng gusto mo, paalisin mo lang ako dito."

"Hm?" Kunwaring tanong ko habang nagsisindi ng sigarilyo ko.

"O-Oo! Ibibigay ko basta paalisin mo lang ako. Ibibigay ko lahat ng pera ko, resort, ari-arian---huwag mo lang akong patayin." Pagmamakaawa pa nito.

"Talaga? Kaso madami ako nun eh. Ayaw ko nun." Pansasabay ko naman sa kaniya at binugahan siya sa mukha ng usok.

"A-Ah a-ano bang gusto mo? S-Sabihin mo lang! G-Gagawin ko."

"Gusto ko? Hulaan mo nga." Saad ko pa habang pinaglalandas ang bunganga ng baril ko mula sa sentido niya papunta sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

"Q-Queen h-huwag naman ganiyan. Mapag-uusapan naman natin 'to, diba?" Umaasang tanong niya kaya napatango-tango naman ako at kunyaring nag-iisip.

"Hm....hindi eh." Simpleng sagot ko saka binaril siya sa sentido habang nasa sigarilyo ko ang paningin.

Bumuga pa ako ng usok bago tuluyang tumayo at naglakad paalis. "Tara." Aya ko sa kanila at binitbit ang case ng sniper ko at itinago na ang hawak-hawak na baril. Sila ay kaniya-kaniya ring tago ng mga baril nila at tuluyan ng umalis doon.

Dahil medyo malayo ang lugar mula sa city ay hindi rin ganoon karami ang tao. Napadaan pa kami sa bayan kasi nasa labasan pa ang mga sasakyan namin na dala.

"Amo, deritso tayo bar." Sigaw nila kaya natawa naman ako.

"Oo ba. No problem basta dating gawi lang, maliwanag?" Makahulugang saad ko pa.

"Maliwanag amo!" Nailing na lang ako saka tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa mga sasakyan namin.

Sumakay na ako sa motor ko at senenyasan silang sumunod. Mas mabilis kasi ang takbo ko kesa sa kanila.

Miss na miss na siguro ako nun...

Malamang! Tagal mong nawala, gago!

Tsk!

Paano kung may iba na kaya siya?

Paano kung hindi niya na ako mahal?

"Edi babawiin kita sa kaniya? Tsk. Bahala na." Singhal ko sa sarili saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Maya-maya pa ay ipinarada ko na ang motor ko sa labas ng isang bar. At maya-maya lang ay dumating na rin ang mga kasama ko kaya sabay na kaming pumasok sa loob.

Agad na bumungad sa amin pagpasok ang maingay na lugar. May kantang ipinapatugtog at meron ring sumasayaw.

"Magrelax lang kayo diyan. Doon lang ako sa harap ng mismong alak. " Senyas ko saka umalis na at tumungo sa harap ng mga bartenders at naupo doon sa mahabang upuan.

"Heaven? Long time no see, ah! Tagal mong hindi dumalaw." Saad ni Cee ng makita ako. Wala siyang alam na patay na ako 'kuno' kaya hindi siya nagulat na makita ako.

"Mabuti nga at nakabalik pa eh. Oh siya, bigyan mo'ko ng maiinom, kagaya ng dati." Tumango naman siya saka kumuha ng mga drinks doon sa cabinet at pumunta sa harap ko at doon mismo naghalo.

Inilagay ko naman sa mesa sa harap ang siko ko at inihiga sa kamay ko ang  pisngi ko habang kumakain ng tart na binigay ni Cee.

Maya-maya ay binigay na ni Cee ang inomin na gusto ko. Kaya napatango-tango naman ako saka nagpatuloy lang sa pagpapagawa sa kaniya ng kung ano-anong inomin.

Naaaliw kasi ako sa mga moves niya kapag naghahalo. Minsan mapapatulala ka na lang.

At nang tuluyan ng mabusog ang mata ko ay nagpaalam na ako sa kaniya at pumunta sa table ng mga tauhan ko na nag-iinoman at ang iba ay nasa dance floor na at nagsisisayaw.

"A-Amo..."

"Bawal ba akong sumabay?" Nakangising tanong ko at nagbukas ng  isang beer.

"Hindi naman. Nakakagulat lang." Natatawang saad nila kaya nagkibit-balikat naman ako saka isinampay ang magkabilang braso sa upuan at nakapandekwatro. Hawak ko ang bote ng beer sa kanang kamay ko habang nakatingin sa kumakanta sa stage.

Pero agad na tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ang hindi inaasahang tao.

Nakatayo siya sa harap ko.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon