28

27 3 0
                                    

"Oh, Nashy? Kamusta ka diyan?" Tanong ko. Nasa kabilang linya si Nashrine at kausap ko. Kinakamusta ko dahil baka ano na ang nangyari sa kaniya.

"Yieeee, nag-aalala si Langit sa'kin. Ayos lang ako. Maayos naman. Ito at nag-aaply pa din. Araw-araw umaalis ako para mag-aaply. Alam mo na, kailangan talaga makahanap ng trabaho. Iyong una kung inapplyan eh hindi pa kasi tumatawag."

"Gusto mo bang tulungan kita? May mall kami pwede kitang ipasok doon." Suhestiyon ko.

"Naku! Huwag na oy! Ang dami mo ng natulong sa'kin eh. Tsaka magkakatrabaho din ako. Mga bukas meron na 'yan." Sagot niya naman kaya natawa na lang ako.

"Ikaw ang bahala. Pero kapag wala ka talagang nahanap,  tumawag ka lang sa'kin. Huwag ka ring nagpapagutom diyan." Paalala ko naman sa kaniya.

"Para ka namang si Nanay eh. Oo na, palagi akong busog dito, no. Hayy. Namiss ko tuloy si Nanay, Tatay at 'yung mga kapatid ko. Ano ba 'yan, Langit! Parang uulan na naman 'yung mata ko ah."

"Don't cry, Nashy. Isipin mo nandiyan ka para sa pamilya mo. Para sa kapakanan nila kaya ka nandiyan." Saad ko pa.

"Oo nga. Tama. Tama. Oh sige na at baka maubos iyong load ko. Alam mo na, nagtitipid iyong kaibigan mong maganda." Natawa na lang ulit ako.

"Sige, bye. Ingat ka lagi." Tuluyan ko ng pinatay ang tawag saka natawa na lang.

Tumayo na lang ako saka pumunta sa  kusina at agad na binuksan ang ref at kinuha ang isang box ng cake. Binili ni Hero para sa akin.

Ang kapatid kung 'yun... sobrang bait.

Nang nakaraang araw ay idinate niya si Thorr. Pagkatapos nun ay niregaluhan niya si Dad ng bagong eye glasses. Iyong dalawang buntis eh binilhan niya rin ng bagong mga dress. Binigyan niya rin ako ng bagong jacket dahil nahahalata niya na mahilig ako. Tapos kahapon naman eh pumunta kami sa parang flower garden para marelax kami. Ayon at naenjoy naman naming lahat.

Napakswerte ko sa kapatid ko. Pft. Imbis na ako dapat ang gumagawa ng mga 'yun sa kaniya para makabawi eh.

"Dahan-dahan lang. May niluto akong soup dito. Tinuro ni Shit sa'kin 'to kaya siguradong masarap." Nakangiting saad ni Hero habang inaalalayan si Heleen na maupo. Mas lalong lumaki kasi ang tiyan kaya medyo nahihirapan na siya at madaling mangalay ang balakang.

"Patikim nga ako niyan. Siguradong masarap 'to, ah?" Tanong naman ni Heleen ng makabalik na si Hero dala ang soup.

"Oo. Ako ang unang nakatikim niyan eh kaya alam kung masarap. Hey, gusto mo din ba?" Tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako saka umiling lang at itinuro ang cake.

"Mukhang masaya, ah?" Tanong ko naman at humiwa sa cake ko at isinubo.

"Wala lang. Parati naman akong masaya eh." Sagot niya naman.

"Yieee, dadalawin kasi niyan mamaya si Thorr kaya masaya 'yan. Si bunso, oh! Inlove na inlove." Dinutdot pa ni Heleen ng daliri ang tagiliran ni Hero na ngiting-ngiti habang umiiwas.

"Kaya pala glooming. Hindi pa 'yan nakakapag-ayos pero glooming na. Ano pa kaya mamaya?" Dagdag ko pa habang nakatingin sa kaniya habang nakangisi.

"Ang dami niyong nalalaman. Masaya lang talaga ako, okay? Ano-anong iniisip niyo eh. Mula pa kayo ng nakaraan, nakakarami na kayo." Natawa lang naman kami at nagpatuloy sa pagkain.

"Ako mag-aayos sayo mamaya, bunso. Sisiguraduhin nating maganda ka sa pagkikita niyo ni Thorr." Kumindat pa si Heleen sa kaniya.

"Sige. Huwag ka lang magpapago masyado. Sandali, kukuhaan kita ng tubig." Tumalikod naman ito at pumunta sa ref at maya-maya lang ay may dala na ito para sa aming dalawa ni Heleen.

"Ikaw, baka gusto mong kumain?" Aya ko sa kaniya at itinuro ang cake.

"Huwag na. Binili ko para sayo 'yan eh. Tsaka pupunta ako mamaya kila Toma kaya tiyak na madaming tsibog dun."

"Hingan mo'ko ng cake kay Mommy Teimhs. Sabi ni Thriz may bagong cake raw siyang ginawa."

"Oo naman. Maiwan ko muna kayo diyan. Dadalhan ko pa si Helda ng gatas." Paalam nito at nagtimpla ng gatas at umalis na rin maya-maya.

"Minsan parang ayaw ko na lang maging mabait sa'kin si Hero. Kasi hindi naman ako naging mabait sa kaniya noon eh. Ewan bakit ang dali niyang magpatawad. Kung sakaling saakin kasi ginawa 'yung mga ginawa ko sa kaniya ay hindi ko talaga napapatawad ng ganun-ganun lang ang taong 'yun." Biglang saad ni Heleen habang nakatingin sa soup niya.

"Sabi niya sa akin dati...wala naman daw siyang mapapala kapag nagalit pa siya sa inyo. Magkakagulo lang raw lalo ang sitwasyon. Gusto niya ding mabuo ang pamilya niya. Kahit hindi perpekto basta buo. Kung ako nga lang noon ay hindi ko rin kayo mapapatawad ng ganun-ganun lang pero mas pinili ko na lang sang-ayonan siya. Gusto ko rin naman kasing maranasan na buo ang pamilya." Saad ko rin.

"Dahil masyadong malayo kami ni Helda sa kaniya ay natutunan niyang buhayin ang sarili niya sa sarili niyang paraan. I mean, parang wala na kaming pakealam sa kaniya dati." Nakokonesiya ang himig ng boses nito at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya habang inaalala si Hero." Walong taon ay nagsimula na siyang magtrabaho. Nagbebenta ng kung ano-ano doon sa palengke. Dahil malaki ang pangangatawan niya ay nakaya niya ang mabigat na trabaho kahit sa murang edad. Trese siya ng magsimulang magbisyo at sumabak sa underground. Una ay ayaw pa siyang papasukin doon dahil bawal ang bata kahit hindi naman na siya mukhang bata nun. Masyadong naging matured ang katawan at isip niya sa edad na iyon. Alam kung sa mga kalaban niya doon binunbunton ang galit niya na para sa amin. Walang may gustong kumanti sa kaniya na mga kaedad niya dahil alam nilang natalo nga niya iyong mga mas matanda sa kaniya." Nailing na lang ito at napangiti ng malungkot. "Hindi na siya umaasa pa sa amin. Hindi siya gumagalang kahit kanino. Saktan mo siya at sasaktan ka din niya. Matatag at hindi umiiyak. Ganun siya sa pagkakakilala ko sa kaniya. Minsan pa nga naiisip ko na baka si Hero na ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Maski sarili niyang pamilya hindi niya maasahan. Para siyang nag-iisa. Hindi ko nga naisip na makikita ko pa ang ngiti niya. Mabuti na lang at nagbago ang lahat 'yun. Ngayon masaya na siya ulit. Nagpapasalamat ako dahil masaya na siya."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga narinig ko. Napatingin ako sa pinaggalingan ni Heroine at agad na nakita ang imahe niya.

Hero...

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon