07

81 4 0
                                    

"Ahhhh! Nakarating rin!" Sigaw ko habang nililibot ng tingin ang buong lugar.

Tagal ko ring nawala ah. Tsk. Tsk. Tsk.

Kakarating lang namin ngayon galing Serdad. Ang tagal ng biyahe, nangalay mga lamang loob ko.

"Amo, saan tayo dederitso?" Tanong ni  Sinner sa akin.

"Punta muna kayo doon sa resort. Pupuntahan ko na lang kayo doon. Magpahinga kayo at tipunin ang iba. Uuwi muna ako."

"Samahan na kita, Amo. Baka mamaya eh bigla---"

"No need. Just do what I said." Seryusong saad ko saka tumalikod sa kanila at nakapamulsang naglakad palayo at nagpara ng isang taxi.

'Ano kaya magiging reaksiyon ni Daddy? 'Yung anak niyang pinaglamayan niya eh buhay pala.'

Halos isang oras mahigit ay tumigil na ang taxi sa gate ng bahay kaya lumabas na ako at nagbayad.

Humiram ako ng pera ke Sinner dahil wala naman akong perang dala.

Tumingin pa muna ako sa gate ng ilang sandali saka napangisi. "Pst!" Sitsit ko sa guard na nakabantay.

Tila nagulat naman ito ng makita ako. "M-Maam H-Heaven?!"

"Hm. Long time no see, Mang Esko! Gulat ka ba?" Tatawa-tawang tanong ko.

Napapikit-pikit pa ito ng at napamulat na para bang hindi naniniwala sa nakikita. "I-Ikaw ba talaga iyan, Maam? P-Pero p-paano---"

"Masamang damo 'to, Mang Esko. Huwag ka ng magtaka. Oh siya, buksan mo na ang pinto at nangangalay na ako dito kakatayo." Dali-dali naman nitong binuksan ang gate kaya pumasok naman ako.

"Andito ba si Daddy?"

"O-Oo. Andiyan siya sa loob at nagpapahinga."

"Hm. Tara samahan mo'kong pumasok." Nakangiting saad ko saka inakbayan siya at naglakad papasok sa bahay.

Wala namang pinagbago masyado. Marami pa ring bulaklak. Malaking bahay na animong hindi lumuluma. Basta ganon pa din.

Hindi naman ako masyadong matagal na nawala.

"How's Dad? Maayos lang ba siya?"

"A-Ah O-Oo. Pero medyo naging malungkot at hindi na siya madalas magsalita kapag nandidito dahil palagi ka niyang naaalala at idagdag pa na wala pa ring balita tungkol sa kapatid mo." Napabuntong-hininga naman ako dahil doon.

"M-Maam H-Heaven?!" Biglang sigaw ng mga tauhan dito sa bahay ng makita ako. Para bang nakakita sila ng multo.

"The one and only! Namiss niyo ba ako?" Tanong ko at tinawanan sila dahil sa mga reaksiyon nila. "Buhay na buhay ako kaya huwag niyo akong tingnan na para bang multo iyong nasa harap niyo."

"Anong nangyayari dito at ang iingay niyo---"

Nakita kung bumaba si Daddy sa hagdan at biglang napatigil ng tumingin sa akin. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya at sa buong mukha niya.

Ngumisi naman ako at nakapamulsang naglakad papunta sa harap niya. "Long time no see, Steven." Pormal na bati ko sa kaniya.

"H-Heaven?"

"Hm."

"I-Ikaw ba talaga 'yan?" Nang makarating sa harap niya ay ngumiti naman ako ng malapad.

"Malamang Dad! May iba ka pa bang Heaven na anak maliban sa'kin?" Natatawang saad ko saka niyakap siya.

"Wala na. Wala na. Heaven....anak ko. My daughter..." Napangiti na lang ako ng mahigpit din ako nitong niyakap. Alam kung umiiyak ito ngayon kaya natawa naman ako.

"Ano ba 'yan? Kakarating ko pa lang napaiyak ko na kaagad kayo? Tsk. Sama ko naman masyado." Narinig ko naman itong natawa habang nakayakap pa rin sa akin.

"Ikaw nga ang anak ko. P-Pero paano?"

"Edi hindi ako namatay. Simple, diba?" Napanguso naman ako ng samaan ako nito ng tingin. "Hindi ka na maburo ngayon."

"Tell me the truth."

"Oo na. Oo na." Napabuntong-hininga ako saka tumalikod at naglakad papunta sa sofa at naupo doon at senenyasan si Mang Esko na lumapit at senenyasan siya at nakuha naman agad nito kaya agad itong naglabas ng sigarilyo at lighter. Kinuha ko naman iyon saka nagsindi ng isa at tumingin kay Daddy na naupo na sa kabilang sofa. "Hindi ka pa din tumitigil diyan?!" Galit na tanong nito kaya nagkibit-balikat naman ako.

"Hindi na matigil eh." Humithit pa muna ako at ibinuga iyon saka nagsimulang magkwento. "Nakaligtas ako sa pagsabog ng kotse ko. Nakakapit ako sa sanga kaya hindi ako nasama sa pagsabog. Hindi rin ako nahuli ng mga kalaban ko pero iyon lang at nalaglag ako sa tubig. Siguro dahil sa lakas ng impact ay nawalan ako ng malay ng mga ilang araw o linggo. Ewan basta inanod ako papunta sa isang malayong baryo. Paggising ako ay andoon na nga ako. Puno ng sugat ang buong katawan. Pero ginagamot naman nika ako doon kaya naging maayos rin lahat. Hindi lang agad ako nakaalis dahil tinityempuhan ko pa ang pag-alis ko doon. At nag-eenjoy ako doon kaya ayon at nagtagal muna ako doon. Iyon lang. Buhay ako. The end."

"Sinasabi ko kasi sayong tumigil ka na diyan! Tsk. Kaya ka napapahamak eh."

"Kapag tumigil ba ako sigurado bang titigil rin ang mga punyetang kalaban ko? No, right? And remember that, I'm not doing this to just seek some fun. I'm doing this to save someone's life."

"Pero nilalagay mo sa kapahamakan ang sarili mo, Heaven."

"Hindi natin maiiwasan 'yun Dad. But, cut this conversation. Mag-aaway lang tayong dalawa kapag pinagpatuloy natin 'to. Let's just enjoy!" Nakangiting sigaw ko saka pinatay ang sigarilyo.

"I can't still believe that you are alive."

"Then believe it from now on."

"Wala ka pa ring pinagbagong bata ka. I hope that your sister is here too. Para magkakasama na tayong tatlo."

"Hm. Don't worry. Mahahanap at mahahanap din natin siya. Hindi naman siya dadalhin ni Helda sa ibang bansa, siguro. Tsk. She's annoying, you know."

"Heaven!"

"Dad...you know me. But dont worry, I won't kill her. I'm not a murderer at all." Simpleng saad ko saka tumayo at pumunta sa gawi niya.

"Gutom na ako. Sabayan mo'ko kumain Dad." Nakangiting aya ko kaya ngumiti din ito at saka tumayo.

Nakaakbay naman ako sa kaniya dahil mas mataas ako. As in, mataas ako. Agad kaming pumunta sa Dining Area at ipinaghanda naman kami ng makakain ni Aling Sol. Mayor Doma dito sa bahay.

Habang kumakain ay pinakwento pa ako ng pinakwento ni Daddy at dahil wala naman na akong magagawa ay nagkwento na lang ako. Wala namang mawawala sa akin.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon