23

30 4 0
                                    

Andito kami ngayon sa parang hotspring sa isang malaking room para makapagrelax lalo. Kasama ko ang mga babae ngayon. Iyong mga lalaki naman ay ewan kung nasasaan na.

"Pakiramdam ko nawala lahat ng pagod ko." Saad ni Tita Zui. Mother siya ni Yui.

"Oo nga. Halos ilang taon na rin nung nakababad ako sa hot spring. Pagpunta ko pa nun ng China ata." Sagot naman ni Tita Heather. Mother naman siya ni Speaker.

Natawa na lang ako ng makita silang dalawa na lumalangoy-langoy pa. Ang kukulit talaga nila at kaya hindi na ako magtataka kung bakit makulit din ang mga anak.

Napatingin naman kami sa pintuan ng biglang bumukas ito at pumasok si Hero at Jhanine.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ayaw akong paalisin ni Toma. Ayon at nagdadabog na parang bata ang baliw." Naiiling na saad nito kaya natawa naman kami.

"Mabuti at hindi nagpumilit na sumama dito?" Natatawang tanong ko pa.

"Hinatak na siya ni Tito Math papunta sa kabilang hot spring kaya wala na siyang nagawa." Sagot naman niya.

"Ang batang 'yun talaga. Pagpasensiyahan mo na lang Hija. Minsan ay parang bata talaga si Thorr." Saad naman ni Tita Teimhs.

Tumango lang naman si Hero at ngumiti. "Lika, Jha. Dahan-dahan lang." Tinulungan nito si Jhanine na bumaba sa hagdan. Medyo madulas kasi ang hagdan na iyon.

"Salamat, Hero." Nakangiting pasasalamat naman ni Jhanine saka tumabi na sa kaniya ng tuluyang makalublob sa tubig.

Napangiti naman ako ng makitang kinakausap niya ang tiyan ni Helda na  medyo malaki na.  Sa mga nagdadaang araw na nandito kami ay nakita ko ang pagbabago ng pakikitungo nila sa isa't-isa hindi kagaya noon.

Siguro hindi nga lang kami nagkakaintindihan kaya nagkaganoon ang sitwasyon.

"Ilang buwan na 'yang tummy mo, Ate Heleen?" Tanong ni Jha habang namamanghang nakatingin sa tiyan ni Heleen.

"Limang buwan na ngayon. Gusto mo bang hawakan?" Kaya pala malaki na.

"Pwede po ba?" Excited na tanong pa nito kaya natawa na lang kami. Cute niya.

Nagpatuloy lang ako sa kapapanood sa kanila habang nagrerelax. Nagsimula naman ng topic si Mommy Teimhs kaya ayon at nagkadugtong-dugtong na kaya napahaba na naman ang usapan namin habang nagpapahinga roon.

Sabay na rin kaming umahon lahat para magbunlaw na doon sa paliguan na nasa tabi lang naman ng room na una naming pinasukan kanina.

Napatingin naman ako sa likod ni Hero ng makita ang tattoo na nasa likuran nito. Nasasakop na talaga ang buong likod niya. Matataas na may kakayahan lang ang makakakuha ng ganoong klaseng tattoo.

"Underground fighter?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit at kumuha ng panibagong towel na gagamitin mamaya.

Nakahubad lang kami dahil nga maliligo. Lahat kami babae dito kaya parang wala lang.

"Oh, yeah." Sagot niya.

"Rank?" Tanong ko ulit.

"HGR Champion." Sagot niya kaya napangisi naman ako.

"Lupet, ah? Wala pang talo." Saad ko pero nagkibit-balikat lang naman siya.

Alam ko ang mga ganoon dahil palagi akong tambay doon dati at isa rin sa mga naging kalahok pero hindi ako nakaabot sa pinakamataas dahil may nakatalo sa akin. Simula nun ay tumigil na ako dahil may mga mas importante pa akong dapat na gawin.

Hail...

I hope we meet again.

Naligo na kami at agad ng lumabas doon at dumeritso sa kwarto pero bago iyon ay bumaba muna ako at tumambay sa isang bench na nasa labas ng hotel saka agad na nagsindi ng sigarilyong dala.

"Naninigarilyo ka rin pala?" Tanong ko at tumingin sa babaeng nakatayo at nakasandal sa isang poste.

"Nakasanayan na eh." Sagot nito at naupo sa tabi ko habang nakapandekwatro pa. "Ikaw? Alam ba 'yan ni Thrizorr?"

"Hindi. Magagalit sa'kin 'yun." Naiiling na saad ko saka ibinuga ang usok saka tumingin sa kaniya. "Ikaw?"

"Hindi din. Pagsasabihan ako ng tukmol na 'yun kapag nalaman niya. Masyadong OA pa naman 'yun." Saad naman niya.

Natawa na lang ako at napatingin sa harapan. Gabi na pero maliwanag naman dahil sa mga ilaw at sa buwan.

"Sana huwag mo ng iwan ulit si Thrizorr." Biglang saad niya kaya napating naman ako ulit sa kaniya pero nakatayo na ito at pinatay ang sigarilyong hawak. " Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa." Makahulugang saad nito saka tinapik ang balikat ko. "Tigil mo na 'yan. Andiyan na siya." Saad niya at naglakad. Agad ko namang pinatay ang sigarilyo at agad na naglagay ng mint sa bibig at napatingin sa gawi niya.

Andoon na si Thorr kasama niya habang si Thrizorr naman ay naglalakad na rin palapit sa akin.

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabing iyon ni Hero. Para bang natatakot akong mangyari nga iyon.

Napatingin naman ako sa nakangiting lalaking nasa harapan ko na. Kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya pero hindi pa rin nawala sa isip ang sinabi ni Hero sa akin.

Hanggang sa makabalik sa loob ng hotel ay hindi ako pinatulog ng linyang iyon.

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

'Dahil baka wala ka ng balikan kapag inulit mo pa.'

Masyado akong takot sa isiping iyon...

Ayaw kung mangyari iyon.

Napalunok na lang ako saka ipinikit ang mga mata ko para makatulog na at nagtagumpay naman ako.

Pero nagpatuloy ang mga araw at iyon ang laman ng utak ko at ginugulo ang sistema ko.

Hindi kasi ako nakakasigurado na hindi na talaga ako aalis ulit. At iyon ang kinakatakotan ko...baka wala na akong balikan kapag nagkataon.

"Malalim ata ang iniisip mo?" Napakurap-kurap naman ako at napatingin sa lalaking basa tabi ko. Andito kami sa cottage sa labas.

"Ah---may naalala lang. Babe, hindi ka naman mawawala sa akin, diba?" Tanong ko sa kaniya at nagtaas ng tingin.

"Bakit naman ako mawawala? Dito lang ako lagi sa tabi mo." Nakangiting saad nito at inayos ang buhok ko.

Kahit papaano ay kumalma naman ako ng marinig iyon.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon