05

87 5 0
                                    

"Oh Sinner, labhan mo'to." Bigay ko sa kaniya ng mga kumot at kurtina na dapat ng labhan.

"A-Amo naman---ang dami-dami pa nitong linalabhan ko eh." Reklamo niya.

"Eh kung ipakain ko lahat sayo 'to? Bilisan mo na lang kasi diyan. Oh gusto mong ikaw na lang 'yung pagpatanimin ko dun?" Turo ko sa iba kung tauhan na nasa gilid ng bundok at nagtatanim ng palay.

Mabilis lang silang lahat na nagkabutihan ng mga tao dito dahil mababait nga ang mga tap dito. At humingi na rin ang mga gago ng patawad kaya ayos na ayos na sila. Magkakaibigan na nga sila ng mga tao dito eh.

"Nang nawala ako, wala pa rin ba kayong narinig o nakuhang balita tungkol sa kaniya?" Tanong ko kay Sin kaya sumeryuso naman siya saka sumagot.

"Wala pa rin eh. Sinubukan na naming siyang hanapin sa mga binigay mong lugar pero wala talaga eh."

"That bitch! Tsk. Diyan ka lang, bantayan mo 'yung matanda at si Celeste." Tumango naman siya kaya tumalikod na ako saka iniwan muna siya doon at pumunta sa iba na nasa kabilang kubo at naupo sa papag sa tabi ng matandang lalaki.

"Aba'y ikaw pala Iha. Maraming salamat at mababait itong kaibigan mo at tinulungan ako. Ngayon hindi ko na kailangang magbuhat ng sako-sakong mais." Nakangiting saad ng matanda.

"Hm. May karapatan na kayong magpahinga dahil matanda na kayo. Ingatan niyo na lang ho ang sarili niyo."

"Tatang, saan ho 'to namin ilalagay?" Tanong ni Sito na bubat-buhat ang isang sakong mais.

"Ay diyan lang sa may payag, Iho." Pasigaw naman ng matanda.

*Payag: it's like a barn or a stockroom. Something like that---that is made of bamboo.*

"Sandali at kukuha ako ng makakain ninyo." Tumango lang naman ako sa kaniya at tiningnan pa siyang makapasok sa loob ng bahay nila.

Wala ang asawa niya dahil nagtitinda ito ngayon sa bayan. Habang siya naman ang nandito para sana magkarga sana ng mga sako-sakong mais na ginawa na ng mga tauhan ko.

"Hayyyy! Ang bigat naman nun! Bato ata ang kinakarga ko." Reklamo ni Ole.

"Araw-araw na binubuhat ni Amo ang mga 'yan sabi ni Tatang eh." Tatawa-tawang sagot naman ni Hade kaya napatingin naman silang lahat sa akin.

"Tsk..."

"T-Totoo 'yun A-Amo?"

"Hm..."

"Oh mga bata, kain muna kayo. Pasensiya na at iyan lang." Biglang saad ni Tatang na may dala-dalang sisidlan na may lamang saging, mais at kamote.

"Ayos! Gutom na ako eh." Bulong naman ng mga gago.

"Op! Ako mauuna. Sasakalin ko kayo kapag inunahan niyo'ko." Natigil naman sila sa pagkuha kaya agad naman akong kumuha ng mais saka senenyasan sila na kumuha na rin.

Maya-maya pa ay umalis na kami doon matapos makapagpaalam kay Tatang saka napagdesiyonang bumalik papunta sa bahay nina Celeste pero hindi pa kami nakakarating doon ay bigla namang may nakabunggo sa akin.

"P-Pasensiya na po A-Ate." Hingi ng paumanhin ng batang nakabunggo aa akin.

"Bakit ka nagmamadali? Anong nangyari?"

"S-Si B-Bren k-kasi Ate... Kinuha siya ng mga H-Himuduum." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ng bata.

Himuduum. Narinig ko na dati 'yan, ah?

Tumakbo ang bata papunta sa iba at ibinalita ang sinabi rin sa akin kaya nagtipon-tipon naman ang tao doon.

"Ano raw? Himu---ano?" Tanong ng mga kasama ko pero hindi ko sila sinagot at basta na lang silang iniwan at pumunta doon sa kumpol ng tao at nakinig.

"L-Lola p-paano 'yan?! Kailangan nating kunin si Bren. Baka hindi na natin siya maabotang buhay." Dinig kung saad pa ni Celeste.

"P-Pero paano iyan? Kailangan natin ng isang tao na iaalay sa kanila. Kailangang may lumaban sa kaniya. Pero alam naman nating lahat na---"

"Ako na." Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaking katamtaman ang height at malaki ang katawan.

"K-Kaya mo kaya siya Esle?" Nag-aalalang tanong ni Celeste sa kaniya.

"Kakayanin dahil kapag hindi ay baka wala na tayong Bren na makikita ng himihinga." Seryusong sagot ng lalaki.

"Pero Iho, alam mo naman siguro kung anong klaseng mga tao sila? Hindi ka nila bibigyan ng awa."

"D-Daanin na lang kaya natin sa p-pakiusap?" Suhestiyon pa ni Celeste sa kanila pero umiling ang mga matatanda.

"Hindi nila gawain iyon."

"S-Subukan lang natin..."

"Tama si Celeste, subukan natin. Baka madala naman sila sa paki---"

Hindi ko na pinatapos pang pakinggan ang mga sasabihin nila. Nakapamulsang umalis ako roon at naramdaman ko namang sumunod sa akin ang mga tauhan ko pero hindi ko na sila pinansin.

"Amo! Tapos na ang pinapagawa mo." Bungad ni Sinner ng makarating ako sa bahay nina Celeste.

Napatingin naman ako sa mga sinampay at napatango-tango pa. "Good. Pahinga na muna kayo. Matutulog na rin muna ako---"

"A-Amo...w-wala ba tayong gagawin tungkol doon sa problema nila?" Napatigil naman ako sa paglalakad ng dahil sa tanong na iyon pero agad rin namang nagpatuloy kinalaunan.

"Wala." Iyon lang at pumasok na ako sa loob ng bahay nina Celeste at saka nahiga sa higaan ko saka ipinikit ang mga mata.

Tahimik ang buong bahay pero rinig na rinig ko ang mga boses mula sa labas.

"Akala ko ba ayaw ni amo na mapahamak mga tao dito?"

"Oo nga eh. Ewan pero gusto kung tumulong..."

"Ako din kaso baka magalit sa atin si amo."

"Manahimik nga kayo! Sumunod na lang kayo sa inuutos sa inyo. May rason naman siguro si Amo bakit ganoon ang desisyon niya." Suway sa kanila ni Sinner.

Maya-maya pa ay unti-unti naman na akong dinalaw ng antok kaya mabilis akong nakatulog.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon