18

41 4 0
                                    

"Nash!" Sigaw ko.

"Waaah! Kaibigan kung Langit!" Sigaw nito at niyakap kaagad ako ng mahigpit.

I accidentally see her habang nasa biyahe ako kaya agad muna akong tumigil at linapitan siya at tama nga ako na siya nga. Basta mukhang batang naliligaw si Nash na 'yan.

"Bakit ka nandito? Asinso na ba? Dati ay nasa probinsya ka lang eh." Natatawang biro ko sa kaniya.

"Hindi no. Andito ako kasi maghahanap ako ng trabaho. Kakarating ko nga lang eh at medyo naliligaw pa ako hehe." Sagot niya.

"Ganun ba? Saan ka ba pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa XX apartment." Sagot nito habang kumakain ng suman na dala. "Nagutom ako eh. Gusto mo?"

"No thanks. Alam mo ba kung saan 'yun? Pwede kitang samahan kung---"

"Naku! Huwag na. Mukhang may lakad ka ata eh. Tsaka I know na ang papunta roon kaya don't ya worry." Natawa naman ako sa kaniya saka inayos ang buhok niyang nagulo.

Pupunta ako ngayon sa bahay nila Heroine kaya Van ang dala kung sasakyan at medyo nakaayos ng kaunti.

"Talaga? Oh sige, ito. Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo ng tulong. Pupuntahan kita kaagad, okay?" Bigay ko sa kaniya ng number ko.

"Wow! Salamat ng marami kaibigan kung Langit. Oh sige na. Alis ka na at mukhang naghihintay na si Manong Driver sayo. Ako naman ay maglalakbay na papunta sa tutuluyan ko" Saad pa nito at binibit na ulit ang mga dalang bayong.

"Mag-iingat ka. Ito tulong ko sayo dahil hindi kita masasamahan ngayon." Pahabol ko pa at saka  na tuluyang sumakay sa Van.

"Salamat sa payb tawsan kaibigan kung Langit! Babye!" Sigaw pa nito habang kumakaway. Kumaway rin ako sa kaniya at tumigil lang ng hindi na siya makita.

Nakilala ko si Nash ng papauwi kami dito sa Manila. Nang mga oras na iyon ay katabi ko siya sa isang upuan. Ako at ang iba kung kasama ay naghihintay sa barko at siya naman ay nagtitinda ng mga dala niyang kakanin. Ayon at bigla na lang nagpakilala at nagkwento ng kung ano-ano sa buhay niya at binigyan pa ako ng suman kinalaunan.

Ang saya niyang kausap. She's so jolly and talkative. Kaya ayon at nakinig naman ako sa mga kwento nito. Simula nun naging magkaibigan na kaming dalawa. Well, hindi naman ako nagsisi kasi mabait naman siya. Sobrang bait at maganda na taga- probinsya.

"Boss, deritso ko na ba doon sa bahay nila Miss Heroine?" Tanong ni Sifght.

*Sifght- saft.*

"Yeah." Sagot ko habang nakatingin sa relo at napabuntong-hininga.

Maya-maya pa ay tuluyan na nga akong nakarating sa harap ng bahay nila. "Hintayin mo na lang ako dito."  Saad ko saka tumalikod na at naglakad papunta sa bahay nila.

Nakita kung pinagtitinginan ako ng mga tao pero hinayaan ko lang iyon saka walang permisong pumasok sa loob ng bahay.

"Long time no see, mother." Nakangising bati ko sa naestatwa at nagugulat na si Helda na natigil sa pag-inom ng tubig. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya na nakaumbok saka napasipol na lang.

"A-Anong ginagawa mo? Paano mo nahanap ang lugar na 'to?!" Sigaw nito pero naupo na lang ako saka nagsindi ng sigarilyo at doon lang tumingin sa kaniya.

"Nagulat kaba? Well, wala akong pake. Kapatid ko lang ang ipinunta ko dito. At kapag nakuha ko na siya? Bahala ka na sa buhay mo." Usal ko at napasipol ulit ng makita ang isang babaeng maganda na pumasok sa bahay. Buntis din.

"Sino 'yan?" Tanong niya pa ke Helda habang nakaturo sa akin.

"Umalis ka na dito, Heaven. Hindi ko ibibigay sayo si Heroine." Sigaw nito pero nagkibit-balikat lang naman ako saka ngumisi.

"Pakialam ko sa desisyon mo? Sa tingin mo ba ay mapipigilan mo'ko, Tanda? Sa ayaw at sa gusto mo ay kukunin ko ang kapatid ko sa walang kwentang Nanay na katulad mo---"

Uminit ang pisngi ko ng bigla ako nitong sampalin. Nadilaan ko na lang ang gilid ng labi ko saka ngumisi at tumingin sa kaniya.

"Nasaktan ka ba sa sinabi ko? Tsh. Sabagay, totoo naman diba? Hindi ko naranasan na magkananay at si Heroine andito nga sa puder mo pero kung ituring mo ay parang basura. Ngayon, Nanay ka pa bang matatawag? Hindi, diba?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang palad nito.

"Wala kang alam kaya huwag mo akong sabihan ng ganiyan, Heaven! Nanay mo pa rin ako!" Galit na sigaw nito.

"Talaga? Bakit hindi ko dama? Huwag ka na ngang magkunwari. Alam ko namang pera lang ang habol mo sa amin eh." Saad ko at balak sana ako nitong suntukin pero tumayo na ako at pinigilan ang kamay nito. Tumaas ang paa nito para sipain ako pero itinaas ko rin ang paa ko at sinipa ang paa nito pababa at nginisian siya. "Hindi mo'ko matatalo, Tanda. Kahit dati ka pang sundalo ay wala ng binatbat ang nalalaman mo kesa sa nalalaman ko." Saad ko pero bigla itong umikot at balak akong suntukin pero nakailag lang ako at agad na bumunot ng baril at tinutukan siya sa mismong noo. "Gumalaw ka at hindi ako magdadalawang isip na pasabugin 'yang bungo mo." Seryusong saad ko at ihinagis sa sahig ang sigarilyo saka inapakan.

"Hindi ko ibibigay si Heroine sayo! Kaya umalis ka na dito at huwag ka ng bumalik."

Naupo naman ako ulit sa sofa saka itinago ang baril. "Hindi ko naman siya hinihingi kaya hindi mo siya kailangang ibigay. Kukunin ko siya at wala kang magagawa para pigilan ako. Matuto kang lumugar kung saan ka nararapat, Helda. Baka hindi na kita matantsa sa susunod na sigawan mo pa ako." Seryuso pero nakangising saad ko saka uminom ng tubig na andoon sa mesa na nasa harapan ko.

"Nasaan siya?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya pero hindi ito nagsalita. "Alam mo...sana trinato mo man lang si Heroine ng kaunting tama. Baka mahirapan pa siya mamili kung sasama siya o hindi eh. Kaso masyado kang tanga. Sarili mong anak, sinasaktan mo..."

Narinig kung bumukas ang pintuan pero hindi ako humarap. Pero alam ko na kung sino ang mga dumating.

"Sino ka?"
"Heaven?"

Doon lang ako tuluyang humarap sa kanila at agad na ngumisi ng makita silang dalawa.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon