30

28 3 0
                                    

Nasa taas kami ngayon ng burol ni Thrizorr. Dala lang kami. Tanging ihip ng hangin ang naririnig ko. Tahimik lang kaming dalawa.

Gusto kung magsalita pero parang ayaw bumukas ng bibig ko para magsalita. Para akong napipi bigla. Hindi ko alam kung saan sisimulan.

Paano ko sasabihin. Paano ko ipapaliwanag. Paano? Hindi ko alam. Parang ayaw ko...

Nakutkot ko na lang ang kuko ko habang nakatingin lang sa papalubog na araw. Dito kami magpapalipas ng gabi at bukas naman kami aalis para bumalik ng Manila.

Dapat masabi ko na...

"Tell me. Don't hesitate." Saad nito kaya nagulat naman ako at napatingin sa gawi niya. Agad kung nakitang nakangiti ito sa akin at kanina pa pala nakatitig sa akin. "Hindi mo kailangang magdalawang-isip. Dahil hindi ikaw 'yun, Heaven." Dagdag pa nito.

Napalunok naman ako saka napabuntong-hininga at natawa. "Kilalang-kilala mo na ako, no?"

"Kilalang-kilala nga ba kita, Heaven?" Tanong nito dahilan para mapangiti na lang ako. "I know you're hiding something."

"So you knew, huh?" Tanong ko at napabuntong-hininga ulit saka napatingin na lang sa langit. "Yeah, I was hiding something to all of you." Paunang saad ko at tumingin sa mga mata nito. "Hindi ako ang alam mong babaeng masayahin at palaging nakangiti lang, Thriz. Behind my smile there was an evil. Oo, tama ang hinala mo noon. Group leader ako ng isang kilalang grupo. Pumapatay ako ng tao. Hindi ako kasing linis na nasa isip mo. Nadungisan ng dugo ng iba't-ibang klaseng kriminal ang kamay ko. Namatay sila sa sariling kamay ko. At ayaw mo nun, diba?" Nakangiting tanong ko sa kaniya saka napatingin na lang ulit sa langit. "Ayaw mo ng taong pumapatay ng kapwa niya. Ayaw mo sa basagulerang babae pero hindi mo alam na numero uno pala ako dun. Pft. What a shame. Gusto kung itago sana 'to sayo habang buhay. Call me selfish but I don't really want to lose you."

"Kaya ba nawala ka?" Narinig kung tanong nito.

"Yeah. Nang mga oras na nawala ako andoon ako sa misyon at nakikipagpatayan sa mga demonyo na nagkatawang tao. Inuhan ko na sila kesa ako ang maunahan nila. Ayaw kung may masaktan at madamay sa pamilya ko sa gulo ko. Gagawin ko lahat para maprotektahan sila. Ayaw ko mang umalis ay wala akong magagawa. Wala akong pagpipilian. Mas mabuti ng mawalay sa inyo sa maraming taon kesa sa panghabang buhay. I'm willing to risk all just to make you all safe. Lalo ka na. Hindi ko man naipaparamdam pero mahal na mahal kita, Thrizorr."

"You bait all you have just to save us. Bakit ba palagi mong inuuna ang iba kesa sa pansarili mong kaligayahan..."

"Kasi ganoon akong tao. Ayaw kung mawala ang lahat ng mga mahal ko. Mas pipiliin kung lumaban ng mag-isa para mailigtas kayong lahat. Kung pwedeng pati ang lungkot niyo ay kunin ko ay gagawin ko. Pero alam kung hindi ko kaya iyon." Saad ko pa.

"Kaya wala ng natira para sa sarili mo..."

"Ayos lang. Masaya na ako kapag nakita ko kayong masaya. Nawawala 'yung matinding lungkot na nararamdaman ko habang nasa malayo kapag naaalala ko ang masaya niyong mukha. Kapag naaalala kung hinihintay niyo akong umuwi ay sumasaya na ako at ginagawa ang lahat para mabuhay."

"At ngayon ay aalis ka na naman ulit?"  Tanong nito.

"Hm. Wala choice eh.  Kapag hindi ko agad tinapos 'to ngayon ay pwedeng lumala ang sitwasyon at mapahamak kayong lahat sa huli. Ayaw kung mangyari 'yun. Kaya may isa akong hiling sayo." Saad ko at tumingin na sa gawi niya saka hinaplos ang pisngi. "Sa huling pagkakataon... Hintayin mo'ko, Thriz. Huwag kang bumitaw sa akin. Huwag mo akong sukuan. Dahil kapag natapos ko ang misyong 'to. Sisiguraduhin kung babalikan kita at papakasalan kahit saang simbahan pa 'yan. Wala na akong hinihiling pa..." Tumulo ang luha ko habang hinahaplos ang pisngi niya at tinitigan ang bawat sulok niyon na para bang sinasaulo ang baway parte ng mukha niya na ayaw makalimutan...na hindi ko naman nakalimutan maski isang sandali. "Hintayin mo lang ako sa huling pagkakataong 'to. Dahil handa akong ibigay ng atensiyon, oras at pagmamahal ko sayo kapag nakabalik ako."

"Sa tingin mo ay hahayaan kitang umalis ngayong nalaman ko kung gaano kadelikado ang pupuntahan mo?!" Nakatiim ang bagang na tanong nito dahilan para magulat ako.

"P-Pero kailangan kung umalis, Thriz. Wala ng makakapagbago pa nun. Hindi pa mababago pa 'yun. Dahil nakatadhana ng mangyari iyon. Ayaw ko man ay wala na akong magagawa. Delikado pero iyon lang ang paraan para matuluyang mapayapa ang isip ko na ligtas kayo.  Thriz, don't make it difficult for me... Please, I'm begging you. J-Just one last chance. Isang pagkakataon na lang, babe. Isang pagkakataon na lang ang hihilingin ko sayo. Alam kung naghintay ka na ng maraming taon sa akin dati. Pero please... J-Just one last time..."

"Sige..." Saad nito dahilan para matigilan ako at napatitig sa kaniya. Masyadong seryuso ang mukha niya ngayon. Ibang-iba sa Thrizorr na kilala kung masayahin.

Hindi ko alam pero kinahahan ako bigla kahit na positibo ang paunang sinabi nito. Pinapayagan niya na akong umalis. Pero bakit parang iba ang kutob ko.

Pero dapat maging masaya na ako, diba? Dapat maging masaya na lang ako dahil pumayag na rin ito sa wakas.

Ngumiti naman ako at yinakap siya ng mahigpit. Ako naman ngayon ay parang ayaw bumitiw sa oras na mayakap siya. Kaya ayaw kung ginagawa ang mga bagay na iyon. Dahil nagiging malungkot ako kapag oras na bitiwan ko na sila.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. "Mahal na mahal kita, Thriz. Please wait for me to comeback. Gagawin ko ang lahat para makabawi sayo." Saad ko at ngumiti pero ang mga luha ko ay hindi na tumigil sa pagtulo. Para silang talon na hindi na natigil.

"Hahayaan kitang umalis... Pero huwag ka ng umasa na may babalikan ka pa sa oras na umalis ka." Seryusong saad nito at dagdag sa naunang sinabi nito dahilan para mapatigil ako at parang nawalan ang lakas ang buong katawan. Bumagsak ang kamay ko na nakayakap sa kaniya at tumigil na lang bigla ang mga luha ko sa pagtulo.

Parang tumigil bigla ang inog ng mundo at parang nahihirapan ako nakahinga.

Natawa na lang ako ng mapakla saka napatingala sa kalangitan. "Okay then.  If losing you means saving your lives. I'm willing to take the risk. Sanay na akong mag-isa... Kakayanin ko naman siguro 'yun sa mga taong dadaan pa." Saad ko at bawat salita ay parang patalim na bumabaon sa puso ko dahilan para mahirapan ako lalong makahinga. Para akong sinasakal.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon