11

53 4 0
                                    

"M-Mauuna na ako siguro..."

"Why?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman ang dahilan. She's uncomfortable and shy. "Hintayin mo na lang ang pinsan mo. Hindi ligtas na mag-isa kang umalis dito."

"O-Oh s-sige---"

"Do you feel uncomfortable? Kanina ka pa nauutal." Tanong ko sa kaniya kaya natigilan naman ito saka napapahiyang napakamot ng ulo.

"A-Ah ang totoo kasi ay m-may kamukha ka kaya p-parang naninibago ako."

"Sino naman 'yun?" Tanong ko saka tumungga ng beer na hawak ko pa rin.

"Si He---"

"Kim!"

Napatingin naman kami doon sa tumawag sa kaniya at nakita ko ang isang lalaki.

"A-Awen." Biglang tumayo si Kim at lumapit naman ang lalaki.

"Kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala. Teka, bakit mo kasama ang mga 'yan?"

"A-Ah a-ano niligtas ako nila kanina doon sa muntek umaway sa akin." Ang cute cute niya. Pft.

"Let's go. Hinahanap ka na sa inyo." Hinila nito si Kim at tumingin pa sa akin ng ilang segundo kaya ngumisi lang naman ako saka itinaas ang bote ng beer na hawak dahilan para tumalikod ito kaagad at umalis na.

"Chicks mo ba 'yun, amo?" Biglang tanong ni Sin na nasa gilid ko.

"Gago, hindi ako pumapatol sa bata!" Natatawang saad ko saka tinungga ang natitirang laman ng beer saka nagsindi ng yosi.

"Eh, bakit may pahalik? Ano 'yun?" Napangisi naman ako saka nagkibit-balikat.

"It was an accident."

"Yun ba talaga?"

"Huwag ka ngang matanong at uminom ka na lang diyan. Mamaya ay uuwi na tayo."

Actually, I have more reasons why I keep Kim around. Feeling ko ay ang Hero na sinasabi niya ay ang Heroine na kapatid ko.

At may kamukha daw ako? Hm... Tingnan natin kung sino ang tinutukoy mo, Kim.

Nagtagal pa kami roon ng ilan pang mga sandali bago tuluyang umalis. "Dumeritso na kayo kaagad sa resort at magpahinga." Utos ko sa kanila saka sumakay sa motor ko. "Una na ako."

"Ingat ka, amo!"

Hindi na ako sumagot at basta na lang pinaharurot ang motor ko paalis doon.

Uuwi ako sa bahay.

Mag-aalala si erpats kapag hindi ako umuwi lalo na at kalalaman niya lang na buhay ako.

Maya-maya ay nakarating na ako sa bahay at pinagbuksan ako ni Mang Esko kaya deretso pasok na'ko sa loob.  Pagpasok na pagpasok ay agad akong sinalubong katahimikan.

Tulog na siguro si Daddy.

Naupo ako sa sofa saka hinubad ang suot na jacket at itinira na lang ang sando at pantalon at nagsindi ng sigarilyo.

"You're still smoking, huh?" Ngumisi naman ako saka itiningala ang ulo ko sa nagsalita.

"Problem with that?" I asked.

"Nothing, my lady."

"HAHAHA. Qezzer, my boy! Ang laki-laki mo na, ah?" Napa-tsk naman ito kaya natawa naman ako ulit.

"Ang sungit mo pa rin HAHAHA."

"At ang baliw mo pa rin, my lady. By the way, welcome back. I'm happy that you are alive."

"Hm."

"Have you eaten? Do you want me to prepare something for you?"

"Nah. I'm good." Sagot ko saka humithit sa sigarilyo ko saka napapikit at inihiga ang ulo sa likod ng sofa. "How's dad while I'm gone?"

Nagtanong na ako sa iba kanina pero ang mga nakikita lang nila iyong alam nila. Si Qezzer butler ni Daddy kaya siya ay may pinakaalam sa mga nangyayari.

"Kagaya pa rin ng dati. Many tried to kill him." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Bakit pa ba ako nagtanong....tsk! I'm going upstairs. Magpahinga ka na rin." Utos ko sa kaniya saka pinatay ang sigarilyo at naglakad na paalis doon at dumeritso sa taas habang nasa bulsa ang parehong kamay.

"Masamang makinig sa usapan ng iba....dad." Nakangiting sagot ko habang nakatingin lang sa pader na nasa harap.

Nasa gilid siya at nakasandal.

"Mabuti at naisipan mo pang umuwi?"

"Huwag ka ng umarte diyan, hindi bagay eh. Sabihin mo, namiss mo lang ako." Saad ko at inakbayan siya.

Napabuntong-hininga naman siya saka nailing. "Yang ugali mo..."

"Tindi ba, dad? HAHAHA. Ano pa kaya si Heroine, no? Panigurado sunod din 'yun sa lahi HAHAHAHA. Hindi pwedeng lumiwas 'yun." Panigurado mas matindi pa ang isang 'yun.

"Siguro naman ay hindi siya kasing lala kagaya mo."

"Malay natin? HAHAHAHA. Tindi naman kasi ni Helda magtago, kahit ikaw hindi siya mahanap, eh no? Punyeta sarap sakalin---"

"Heaven!"

"What? Ang babaeng 'yun eh walang ginawa kung hindi pistehin tayo. Tapos pineperahan pa tayo ng ki--"

"Watch your words, Heaven! Nanay mo pa rin iyon." May babala sa boses nito kaya wala na akong nagawa kung hindi tumigil.

"Okayyyy. Huwag na high blood ang daddy ko. Miss na miss pa naman kita." Pang-uuto ko sa kaniya para kumalma na siya.

Pagdating ke tanda eh hindi makamove on.

"Pumunta ka na sa room mo at magpahinga. At maligo ka na rin, amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo. Hayy, kelan ka pa ba titigil diyan sa bisyo mo?"

"Makasumbat ka naman Dad? May bisyo ka din naman, ah? Tsaka paminsan-minsan lang ako umiinom." Nakangusong saad ko.

"At palagi ka na lang may rason? Ikaw talagang bata ka. You didn't change at all. Oh sige na at magpapahinga na rin ako."

"Hm. Night, Dad." Paalam ko saka tumalikod na sa kaniya at dumeritso papunta sa pinto ng kwarto ko.

Huminto ako sa harap ng scanncer na nasa gilid ng pinto. Ilang segundong pagsa-scan sa mukha ko ay tuluyang bumukas ang pinto kaya pumasok na ako sa loob.

Walang pinagbago.

Malinis, maayos at tahimik.

Basta ko na lang inihiga ang sarili sa malambot na kama. "Ngayon na lang ulit ako nakahiga sa ganito kalambot na higaan..."

Makaraan ang ilang sandali ay bumangon na ako saka isa-isang hinubad ang damit na suot at pumasok sa banyo para maligo.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon