29

25 3 0
                                    

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Hero habang nakanot ang noo.

"Serdad. Doon ako napunta nang muntek na akong mamatay." Sagot ko.

"Hm... Ligtas naman dun, diba?" Tanong nito habang nakatingin sa lalaking nasa tabi nito na kain ng kain ng mani.

Swerte talaga nitong Totoy na 'to da kapatid ko eh. Tsk.

"Oo naman. Hindi ko naman dadalhin si Thrizorr doon kung hindi. Tsaka huwag mong alalahanin masyado ang Totoy na 'yan. Marunong ngang mambully eh."

"Woi! Ito, masyado talagang masama ang ugali mo! Hindi ako bully. Diba, Hero? Diba?" Agad na hingi ng tulong nito sa kapatid ko na parang batang gusgusin.

"Hm. Kumain ka na lang diyan para mabusog ka." Sagot ni Hero sa kaniya. Gusto kung matawa dahil parang sumunod naman kaagad si Toma sa kaniya.

"Masyadong isip bata naman 'yang boyfriend mo, Tol." Natatawang asik ko.

"Sayo hindi?" Tanong rin nito at napangiwi naman ako sa katabi ko na mahimbing na natutulog sa balikat ko habang yakap-yakap ang braso ko.

"Nagmana sila kay Mommy Mexx, walang duda." Iiling na saad ko.

Mula pa kanina ay nakayakap na si Thriz sa braso ko na tila ba natatakot na baka gumising ito na bigla ay nawala na naman ako sa tabi niya. Kaya nahihirapan akong umalis dahil ayaw kung makitang malungkot na naman ito.

Ayaw ko siyang malungkot.

Pero ayaw ko ring manganib ang buhay niya.

Maya-maya pa ay tuluyan na kaming nakarating sa Serdad. Pagkalabas ko ng sasakyan ay napangiti na lang ako dahil sa preskong hangin ng lugar. Ibang-iba na ang Serdad ngayon kesa sa dati. Maayos na ang bahay nila at ang bayan ay malaki at malinis na rin.

"H-Heaven, ikaw na ba 'yan apo?" Napatingin naman ako sa gilid at agad na nakita ang matandang lalaki kasama ang asawa niya. Ngumiti naman ako at pumunta sa stall nila. Maraming pagkain ang benebenta nila hindi kagaya noon na mais at kamote lang.

"Ako nga ho. Kamusta na ho kayo?" Tanong ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Maayos na ang pananamit nila. At maayos na ang tayo nito. Wala na rin ang saklay niya.

"Maayos na maayos na apo. Salamat sa doctor na pinadala mo rito at mga gamot. Gumaling ang tuhod at mga kasu-kasuan ko. Pati ang aking asawa ay gumaling na rin." Masayang saad nito.

"Mabuti naman kung ganun. Magpagaling pa kayo lalo para humaba ng humaba pa ang buhay." Saad ko at tinapik ang balikat niya.

Ipinakilala ko rin sila Hero sa kanila saka umalis at nagtungo sa bundok kung nasaan ang bahay nila Celeste at ng matanda.

"Amo!" Bigla ay sigaw ng kung sino at ng tingnan ay si Sado pala. Isa siya sa mga Himuduum.

"Amo, huh?" Tanong ni Hero na may mapanuring mata dahilan para matigilan ako sandali pero hindi ako nagpahalata at idinaan na lang sa ngisi.

"Mabuti at mukha ka ng tao ngayon." Saad ko kaya napakamot naman ito ng ulo.

"Tol, punta muna kami dun. Gusto raw ni Thorr manood kung paano mag-ani ng palay." Paalam ni Hero at dinala ang dalawang lalaki roon na halatang interesado. Maski ako man ay ganoon din ang naging reaksiyon dati.

"Kamukhang-kamukha mo siya, Amo! Kaso lalaki ata 'yun? Kambal mo iyon?" Tanong nito.

"Babae 'yun pero kaya ka nung patumbahin sa isang suntok. Kapatid ko 'yun." Nakita kung napalunok naman ito kaya napangisi na lang ako at nagsindi ng sigarilyo.

"Nakakatakot naman ang lahi niyo, Amo."

"Hm. Nasaan si Amel?" Tanong ko.

"Andoon sila sa taas, Amo. Nagpapahinga dahil nagluto si Celeste ng meryenda." Magiliw na sagot nito.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon