EPILOGUE

126 6 0
                                    

One and a half  year later...

Lahat ay sobrang saya sa araw na ito. Lahat ng malapit sa amin ay imbitado.

Nope, it's not my wedding if that's what you're thinking rightnow.

Ayaw ko pang magpakasal hehe. Enjoy na muna namin ang buhay namin ni Thrizorr.

Birthday ng anak nila Heleen ngayon. Iyong anak naman ni Helda ay noong isang buwan lang rin nag-isang taon, premature babies sila kaya nauna. Parehong kambal ang anak nilang dalawa. Sharp shooter ata nakadali sa kanila.

Iyong anak ni Heleen ay sila Hestia at Heesus. Habang iyong anak naman ni Helda ay sila Hereev at Helldreex. At pareho silang lahat na gwapo at magaganda. Mana saakin.

"Kids? Where are you babies?" Tawag ko rito. Papaliguan at dadamitan ko na ang mga ito dahil maya-maya lang ay siguradong andito na ang mga kaibigan ni Hero at ang kaibigan rin ng pamilya namin.

Hinanap ko naman sila pero napatigil ng marinig ang mga ingay galing sa music room. Napangiti na lang ako ng makita si Thrizorr na pinapanood ng apat na bata na halatang interesado sa ginagawa niya.

"Kids, let's get dress!" Bigla ay sigaw ko kaya nagulat naman sila at agad na naglakad palapit saakin pero halatang hindi pa rin balance ang katawan pero nakakalakad na. "Where's my kiss?" Tanong ko pa.

Agad namang naunang lumapit si Hestia sa akin at  humalik sa pisngi ko. Siya ang pinakamasunurin at pinakamabait sa kanilang apat. Sunod si Heesus na nakapout kaya naggigil naman ako sa pisngi niya. Sumunod si Heerev na may matalas na mata pero masyadong maalaga sa mga kapatid niya. At panghuli si Helldreex na matapang hehe. Idol niya si Hero eh. Palaging sumasama kay Hero. At pareho rin silang takot kay Hero. Nakikita kasi nilang natatahimik lahat kapag si Hero ang nagalit. Masyado nilang alam ang ganap sa paligid nila kahit na ang liliit pa nila.

Tss. Lupet ngang magalit nun. Tried and tested ko ng nakaraan nung bigla na lang may sumuntok kay Thorr. Ayon at bugbog sarado 'yung mga lalaki sa kaniya at halos hindi na makilala.

Napatabon naman ng mga mata ang mga bata ng halikan rin ako ni Thrizorr sa pisngi. Natawa na lang kaming dalawa. "Mamaya na lang. Papalitan ko muna sila." Paalam ko.

"Hm. Hintayin na lang kita sa baba. Maliligo pa rin naman ako." Tumango lang ako.

"Let's go kids." Aya ko sa mga bata. Humawak naman sila sa daliri ko at naglakad kami papunta sa kwarto.

Hindi na ulit ako umalis mula ng makarating ako dito. Iyong pag-alis namin ay kapag nagtatravel kaming dalawa ni Thrizorr.

Hindi na ako gumagawa ng trabaho na kagaya noon. May kaniya-kaniya ng buhay ang mga tauhan ko. Pero loyal pa rin sila sa akin at andiyan kapag kailangan ko.

Natawa na lang ako sa mga bata dahil enjoy na enjoy nila ang paglalaro sa bath tub kung saan ko sila pinapaliguan. Si Heerev ay to the rescue agad kay Helldreex ng makitang natatakot ang kambal niya. Para bang sa murang edad eh alam niya na kung paano protektahan ang kambal. Habang si Hestia at Heesus ay  hawak-hawak lang iyong kulay pula na bola at namamanghang tinitingnan lang iyon saka hahagikhik.

Tinapos ko agad ang pagligo sa kanila dahil baka siponin sila kapag masyado kaming nagtagal doon. Pagkalabas mula sa banyo ay naabotan ko naman si Heleen na may dala-dalang mga damit kaya ngumiti naman ako at tinulungan na siyang damitan ang mga kambal.

Ito pa ang isa sa maganda sa mga batang 'to. Tahimik lang at walang problema kahit inaayusan, pinapaliguan, tinuturuan. Basta hindi sila kagaya sa ibang bata na iyakin at madaming reklamo.

Si Heleen na ang nagbaba sa mga bata dahil maliligo pa ako at magbibihis. Sa nagdaang taon ay tinuturuan ako ni Heleen kung paano manamit ng hindi lang iyong palaging suot kagaya noon. Ang dami niyang alam pagdating sa fashion. Wala namang problema saakin na magpalit ng style dahil nararamdaman ko namang suotin ang mga damit na iyon. Hindi nga lang palagi.

Nagsuot lang ako ng isang orange na bestida at naglagay ng clip sa buhok at hinayaan itong hindi nakatali. Nang makitang maayos na ang mukha ko ay  agad na akong bumaba at nakita ko naman kaagad si Thrizorr kaya lumapit na ako sa kaniya.

"Gwapo natin, ah?" Saad ko kaya natawa naman siya.

"Mas maganda ka." Saad niya.

"Oo naman. Nasa lahi na namin." Saad ko dahilan para matawa na lang siya.

"Tara na sa labas. Andoon na silang lahat." Aya niya kaya tumango naman ako saka magkahawak ang kamay kaming lumabas.

Totoo nga ang sinabi niya. Andoon na silang lahat at nagkakasayahan at nagkwekwentuhan. Maya-maya pa ay nagsimula na nga ang celebration.

Magkasama naman naming pinanood ni Thrizorr iyon at magkasama ring tumawa sa mga biro ng mga kaibigan nila Hero.

Parang may reunion lang lagi kapag may birthday ang isa sa mga tropa. Ang saya kasi nakomompleto kami.

At mas masaya dahil kasama ko na ngayon ang lalaking mahal ko sa mga celebration. Hindi kagaya noon na halos mag-isa lang ako tuweng mga ganitong okasiyon. Ngayon ay alam kung tama ang naging desisyon ko. Dahil tahimik na rin sa wakas ang buhay namin.

Marami na akong oras na igugugol sa kanila. Makakabawi na ako sa mga pagkukulang ko...

It's a rough ride but I still make it to the finish line.

I don't have my own baby yet. We don't live in our own house. We didn't get married. We didn't do the normal couples do. But we love each other.  We're enjoying are lives to the fullest. And that's enough for us.

And I'm happy to say that I get my own happily ever after.

Thanks to him...

I love you, babe...

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon