PROLOGUE

431 8 4
                                    

"Damn those bastards!" Mas lalo kung binilisan ang pagpapatakbo ng kotse at agad na yumuko ng makita mula sa side view mirror ang mga gago na pinapaputukan ako.

Napadaing naman ako ng madaplisan ako sa braso saka agad na pinaputakan rin sila pabalik at nakita kung tinamaan ang isa sa kanila pero madami pa rin silang natira.

Ang dami nila.

Puro na dugo ang damit ko at butas ang kotse na sinasakyan ko. Dumagdag pa madilim na daan na dibadaanan ko ngayon habang hinahabol ng mga kalaban.

"Fuck!" Mura ko ng biglang makita ang kotse ng mga kalaban sa harapan na siyang dadaanan ko para makatakas.

Dali-dali kung iniliko ang sasakyan papunta sa kanan pero papunta na pala iyon sa gilid ng bangin.

What should I do...

"Wala ka ng matatakasan, Queen. Dito ka na mamamatay." Sigaw ng mga gago na unti-unting ng inilalapit ang sasakyan sa sasakyan ko.

Ako naman ay umaatras ng umaatras pero sa kamalasan ay mas lalo lang akong lumalapit sa pinakagilid ng bangin.

Napamura na lang ako ulit ng makita ang nasa harapan. Ang dilim. Wala akong makita pero kinakabahan ako. Batid kung mataas ang bangin na iyon kapag nahulog ako ay maari akong mamatay.

Pero agad akong napatingin sa ilalin ng may marinig na agos ng tubig. Agad akong nabuhayan ng pag-asa ng marealize na tubig ang nasa ilalim.

"Nagdadasal ka na ba? Sige, pagbibigyan ka namin, Queen. Bibilang kami ng tatlo at pagkatapos nun ay doon na rin matatapos ang buhay mo!" Agad silang nagsitawanan na parang mga demonyo kaya mas lalo ko namang inatras ang kotse habang unti-unting binubuksan ang pinto ng kotse.

"Isa!" Sigaw nila at mas lalong lumapit ako naman ay umatras at kasabay nun ay ang paglagatik ng kotse. Kunting-kunti na lang at mahuhulog na ito sa bangin.

"Dalawa!" Tawanan sila ng tawanan habang nakatingin sa akin. Mga tingin na kinaiinisan ko sa lahat.

"Katapusan mo na! Tatlo!" Kasabay noon ay ang malakas na pagsalpok ng kotse nila sa kotse ko at tuluyan ng nahulog ang kotse kaya agad ko namang sinipa ang pinto ng kotse na kanina pa nakabukas saka walang alinlangang tumalon papunta sa kanang banda kung nasaan ang isang sanga.

Napadaing na lang ako ng mahina ng sumalpok ang katawan ko sa nga bato at sanga na andoon rin pero nagpapasalamat rin na buhay pa ako. Kitang-kita ko kung paano sumabog ang kotse ko na lumigid-ligid. Habang sa taas ay maririnig ko rin ang mga boses ng mga hayop na nagtatawanan.  "Siguraduhin nating hindi na makakaligtas ang babaeng 'yan." Saad ng isa at ay tunog ng mga baril ang maririnig ko. Hindi sila tumigil hanggang hindi nauubos ang bala nila.

Napangisi na lang ako ng maalalang bumabaril sila sa tubig na wala namang Queen na narururoon. Mga hangal.

Pagsisisihan nila na kinalaban nila ako.

"Tara na! Sa taas ng banging ito at sa pagsabog ng kotse niya ay hindi na siya makakaligtas pa. Pinaulanan na rin natin ang katawan niya ng bala diyan sa tubig at imposibleng makaligtas pa siya doon." Tatawa-tawang asik pa ng isa at tumawa naman rin ang iba.

Maya-maya ay narinig ko na ang pagharurot ng sasakyan at tumahimik na rin ang lugar. "Fuck!" Nagulat ako ng bigla na lang nabali ang sanga na kinakapitan ko.

Parang bigla namang bumigat ang buo kung katawan at unti-unting pumikit ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang na nahulog na ako sa tubig at doon na tuluyang nawala ang lahat...

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon