12

44 4 0
                                    

"Aalis ka na naman?"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses ni Dad. Napabuntong-hininga na lang ako saka humarap sa kaniya.

"Yeah, I need to check my mens. Why?"

"Nothing."

"Bye." Iyon lang at tuluyan na akong lumabas ng bahay habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Maam Heaven hindi niyo po ba dadalhin 'yung motor niyo?" Tanong ni Mang Esko. Napansin siguro niya.

"Hindi. Maglalakad-lakad na muna ako."

"Pero baka mapagod kayo---"

"I'm fine. I'm going. Bye!" Sigaw ko saka lumabas na ng gate at tahimik na naglakad.

Tumigil ako ng makarating ako sa may tabi ng poste saka unti-unting tumingila sa langit at napangisi saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Nasa isang bulsa ang kamay at ang isa naman ay may hawak an sigarilyo.

Maya-maya ay nakarating na ako sa me eskeneta kaya agad akong sumandal doon.

"Bakit mo'ko sinusundan?" Tanong ko.

Lumabas naman ito mula sa gilid na pinagtataguan niya habang hinihingal pa.

May pasunod-sunod pa masyado namang halata.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa saka napapikit na lang ulit.

Anong klaseng gago naman ang magpapadala ng ganitong tao para sundan ako?

"A-Akin na p-pera mo! Nakita kung pumasok ka sa malaking bahay kaya alam kung mayaman ka."

"Kunin mo. Nasa bulsa ko." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa mismong mga mata niya at kitang-kita ko kung paano siya natigilan dahil sa sinabi ko.

"A-Alam ko na 'yan! Kapag lumapit ako saka mo'ko sasaksakin o babarilin? Ha?! Mautak 'to!"

Ang tindi din ng takbo ng utak ng isang 'to.

"Pinakuha ka na, ayaw mo pa? Ito. Kunin mo, kapag nakuha mo sayo na." Nakangising saad ko habang winawagayway ang limang libo.

Kuminang naman ang mga mata niya ng makita iyon at napapalunok pa. Pero ng makitang nakangisi ako sa kaniya ay agad naman itong sumugod. Mahina ang pinapakawalang mga suntok pero mabilis gumalaw.

"Ibigay mo sa akin 'yan! Akin na o sasaktan talaga kita." Pagbabanta pa nito.

"Sayo ba 'to para ibigay ko? Saka anong klaseng suntok 'yan? Suntok pa ba 'yan?" Singhal ko sa kaniya saka umikot at sinipa siya sa dibdib.

Nakita ko itong napaubo-ubo habang dama-dama ang dibdib. Pero nagulat ako ng bigla na lang itong umiyak bigla.

What the hell?!

"Wala ka ring pinagkaiba sa ibang mayayaman! Wala kayong awa para sa mga mahihirap! Kailangan.... kailangan ko lang naman 'tong gawin para sa Tatay ko. P-Pero bakit---"

"Kung gusto mong tulungan, gawin mo sa tamang paraan ang paghingi hindi iyong mananakot at magnanakaw ka." Saad ko at binato sa  harap niya ang pera habang nakatayo sa harap rin niya.

"I-Ibibigay mo sa---"

"Sayo na. Pero may ipapagawa ako bilang kapalit." Naglakad na ako paalis kaya dali-dali naman itong tumayo at sumunod sa akin.

"A-Anong ipapagawa mo?"

"Malalaman mo rin. Sumunod ka na lang." Nang makalabas sa eskeneta ay agad akong pumara ng taxi at sumakay at agad namang siyang sumunod na pumasok pero dahil sa matinding katangahan ay nabunggo pa siya sa pinto dahilan para mapapikit na lang ako.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon