10

64 4 0
                                    

"What are you doing here?" Napalingon naman ako sa biglang nagsalita at nanlaki na naman ang mga mata at napanganga dahil sa nakita.

Y-Yung h-humalik---n-nahalikan ko ka kanina! Iyong kamukha ni Hero!

Kumabog naman ang dibdib ko habang nakatingin pa rin sa kaniya na ngayon ay nakangisi na sa akin. "A-Ano..."

Parang napipi ako bigla at hindi makapagsalita ng maayos. Parang bigla akong kinabahan na hindi ka malaman.

"Hm? Do you want to return the kiss that you steal from me?" Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong na iyon. Nag-init ang pisngi ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Kamukha niya si Hero! Parang duplicate talaga sila ang pinagkaiba lang ay mahaba ang buhok ng nasa harapan ko ngayon.

"A-Ano..."

"Bawal bata dito, Miss." Nakangiti ngunit seryusong saad nito.

"H-Hindi na ako bata." Pasigaw na sagot ko saka nagugulat na napatingin sa mga kasama niya. Puro lalaki iyon at siya lang ang babae.

Kinabahan na naman ako ulit.

"Kilala mo 'yan, Amo?" Dinig kung bulong ng isa sa mga lalaki na katabi niya.

Amo?

"Yeah. Siya kanina 'yung muntek makabangga sa akin pero hindi ko aakalaing magnanakaw rin pala siya." Nakangising saad pa nito saka kumindat pa sa akin!

"H-Hindi ako magnanakaw!" Pasigaw na sagot ko kaya natawa naman siya. "H-Hindi ko sadya 'yun---aray!" Bigla akong napahiyaw ng may biglang bumangga sa akin.

"Ano ba? Huwag kang humarang sa daan!" Galit na singhal na isang lalaki sa akin kaya mas lalo naman akong natakot.

Bakit ka nga ba nandito Kim?!

"Come here." Napatingin naman ako ng biglang hilahin ako ng babaeng kamukha ni Hero saka pinaupo sa upuan niya kanina. "Stay here." Wala sa sariling napatango naman ako.

"H-Heaven?" Napataas naman ako ng tingin at nakita ko ang lalaki na gulat na nakatingin sa babaeng nakatalikod sa akin.

"Umalis ka na at ayosin mo ugali mo." Mabilis naman na tumango ang lalaki saka agad na umalis na para bang takot na takot.

"Are you okay?" Tanong niya bigla sa akin kaya napataas naman ako ng tingin at saakin sa nakatingin kaya napalunok pa muna ako sandali bago sumagot.

"O-Oo."

"Bakit ka ba kasi nandito? Alam mo bang delikado dito?"

"M-May pinuntahan lang ako. O-Oo, kaso h-hinihintay ko pa 'yung kababata ko eh."

Hinihintay ko si Awen, iyong kababata ko.

"Dito ka na lang muna sa amin. Baka mamaya eh daklutin ka na lang bigla ng iba diyan. Sa ganda mong 'yan, tsk! May gusto ka bang inomin o kainin? Not alcohol, bawal sa bata 'yun." M-Maganda d-daw ako?

"A-Ah..."

"Hm?"

"J-Juice na lang." Mahinag sagot ko.

Nakita kung nagtawag naman siya ng waiter at maya-maya ay lumapit naman iyon sa amin. "Strawberry juice, raspberry tarts, chocolate cake and gold eggs with chocolate seeds inside. Pakibilisan." Umalis kaagad ang waiter kaya agad naman ulit akong nakaramdam ng hiya.

"Huwag matakot, hindi ka namin sasaktan, Miss." Natatawang saad pa niya.

"P-Pasensiya n-na talaga kanina... Nagmamadali kasi a-ako at m-may kausap sa cellphone kaya hindi k-kita nakita." Utal-utal na paliwanag ko.

"Anong pangalan mo, Miss?" Nakangiting tanong nito habang nakatingin pa rin sa akin.

"K-Kim."

"Ang ganda mo naman Kim."

"H-Huh?" Nagulat naman ako sa sa sinabi nito pero ngumisi lang siya saka nagkibit-balikat.

"Why? Ask them if I'm lying." Turo nito sa mga kasama kaya pinamulahan naman ako.

A-Ano bang nangyayari?!

"I-Ikaw..."

"Anong ako?" Tanong nito matapos tumungga ng beer na hawak. Nakasampay ang parehong kamay sa upuan at nakaharap sa akin.

"Anong pangalan mo?"

"Hindi ka na nauutal."

"A-Ano..."

Natawa naman siya at ako naman au gustong kutusan ang sarili. Bakit ba ako nauutal?

Dahil kamukha niya si Hero...

Waaah! Magka-ibang tao sila, Kim!

"Queen, ito na order po 'yung inorder niyo." Rinig kung saad ng waiter kaya napatingin naman ako sa pagkain at halatang ang sasarap nun.

Hindi pa ako kumakain!

"Q-Queen 'yung pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya pero ngumisi na naman siya kaya kinabahan ako.

"Kiss mo'ko, sasagutin ko." Nanlaki naman ulit ang ko kaya napayuko naman ako at agad na nahagip ng paningin ko ang juice kaya kinuha ko na lang 'yun saka ininom.

"Pft. I'm just joking, Kim." Tatawa-tawang saad naman nito kaya nagtaas naman ako ng tingin saka ngumiti din.

Hindi ko alam gagawin ko! Dapat ba talaga akong ngumiti? Bakit ako ngumiti?!

"Eat your food. I ordered it for you." Turo nito sa pagkain na nasa plate kaya kuminang naman ang mga mata ko.

"P-Paano kayo?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Hindi bagay 'yan sa beer." Simpleng sagot niya saka tumungga na naman ng alak.

Para siyang lalaki kagaya ni Hero...

'Bakit ba hindi mo maalis si Hero sa isip at pagkatao mo, Kim?!'

Kinuha ko na lang ang tinidor saka tumuhog ng maliit na itlog na kulay gold na nasa plate saka inilagay sa bibig ko at agad na napatango-tango. "A-Ang sarap." Chocolate ang outer niya at iyong loob eh chocolate din na cream. Ang sarap!

"Hm? Did you like it?" Tumango naman ako ng tatlong beses.

"O-Oo."

"Huwag ka na mautal. Tayong dalawa lang naman nag-uusap dito, oh." Natatawang saad pa nito. Nilibot ko naman ng tingin ang mga kasama niya pero parang may sariling mundo sila dahil tutok na tutok ang mga iyon sa kumakanta at sa inomin nila.

"N-Nahihiya ako eh." Mahinang saad ko.

"For what?"

"F-For k-k-kising you." Kumabog na naman ang puso ko ng malakas at napakagat sa sariling labi ng maalala ang nangyari.

"Hm? Do you want to kiss me again?" Bigla akong napataas ng tingin sa kaniya na ngayon ay nakangisi na naman sa akin kaya napalunok naman ako pero agad ring napahiya ng tumawa ito kaya agad kung ibinaba ang paningin sa pagkain na nasa plate.

"I'm just joking, Kim. I know it's just an accident so don't get too shy infront of me, hm?" Napataas na naman ulit ako ng tingin at nakita kung nakangiti na siya.

Bakit ba parehong-pareho sila?!


QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon