25

27 3 0
                                    

Makaraan ang dalawang linggo mula noong proposal ni Thorr ay naging malapit ang pamilya namin. Ayon at naging natagumpay naman si Totoy dahil tinanggap ni Hero ang proposal niya.

Andito kami sa bahay ngayon at nagbobonding dahil sabado. Walang pasok iyong dalawa at wala namang trabaho si Thriz dahil off nito. Bumalik na siya sa trabaho simula ng nakaraan.

Andito rin ang mga kaibigan ni Hero dahil wala naman raw silang magawa sa bahay nila.

"Blooming ka ata?" Tanong ni Hero sa akin kaya napatingin naman ako sa kaniya saka ngumisi.

"Syempre naman. Kailan ba hindi? Ikaw nga diyan eh. Fresh from the proposal pa." Tinawanan niya lang naman ako saka kumuha ng towel.

"Tara na dun." Aya nito at tinapik ang balikat ko kaya tumayo naman ako at sumunod sa kaniya sa labas.

Andodoon ang iba at naglalaro. Basketball ata 'yung nilalaro nila. Iyon ang narinig ko kanina eh.

"Sali kami." Pasigaw na saad ko saka kinalabit si Hero at senenyasan. "Tara." Aya ko pa sa kaniya saka tuluyan ng pumunta doon sa iba.

Agad namang ipinasa ni Speaker sa akin ang bola kaya pasimple ko lang naman iyong idrinibble saka nginisian si Totoy na nakabantay at agad na nagcross over at tumakbo at walang kahirap-hirap na ine-lay up ang bola.

"Ganun dapat 'yung galawan." Saad ko.

"Ang pangit naman ng galaw na 'yun. Sobrang pangit." Agad na reklamo ni Totoy sa sinabi ko kaya natawa naman ako pero agad ring napatigil ng bigla na lang kaming dinaanan ni Hero na parang hangin. Lima kaming nakatayo  pero bigla na lang itong gumalaw ng mabilis at sa isang iglap lang ay naihulog nito ang bola.

"Yun ang tunay na galaw." Simpleng saad nito at dumeritso sa me bench at bumalik at pinahiran ang pawis ni Thorr.

"Ang galing-galing mo, Poop!" Masiglang saad ni Thorr.

"Talaga?"

"Oo. Turuan mo'ko nun. Gusto ko din nun. Turuan mo'ko, ah?" Pangungulit pa nito.

"Magaling ka naman eh." Nakangiti namang saad ni Hero kaya ayon at ngiting-ngiti naman ang mokong.

"Talaga? Talagang-talaga?"

"Oo naman. Mas magaling nga lang si Heaven sayo."  Sagot pa ni Hero dahilan para humaba ng todo ang nguso ni Thorr.

Natawa na lang ako saka nailing at tuluyan na ring nagpahinga at naupo sa bench.

"Meryenda muna kayo." Saad ni Helda at naglapag ng sandwich at juice sa mesa.

"Oy! Pagkain, pre." Saad ni Speaker at agad na pumunta doon.

"Ayos! Salamat Tita! Kaya gustong-gusto kung pumunta dito eh. Palaging may pameryenda heheh. Kain tayo, Tita." Saad naman ni Yui na may kagat-kagat ng sandwich.

"Ang tatakaw niyo niyo talaga kahit kailan. Kapag walang may natira sa akin ilulunod ko talaga kayo." Dagdag pa ni Totoy na pumunta din doon.

Napatingin naman ako kay Hero at Helda ng punasan nito ang pawis ng anak na halatang sanay na. Paanong hindi masasanay eh tuweng naglalaro kami ay agad siyang to the rescue para punasan ang pawis namin. Sumunod naman itong lumapit sa akin kaya ngumiti naman ako at hinayaan siya.

"Hello there. Paano ba 'yan? Malapit ka ng lumabas at makasama kaming mga ate mong matitigas ang ulo. Babantayan mo kami lagi, okay? Lalo na 'tong Mama natin na medyo may katigasan din ang ulo." Pagkausap ko sa tiyan ni Helda at agad na tumingla sa kaniya. "Ginagawa mo naman akong bata. Tanda-tanda ko na para dito." Natatawang saad ko pero piningot lang nito ang ilong ko.

"Wala sa tanda o bata 'yan. Ayaw kung magkakasakit kayo. Tsaka...hayaan mo na lang ako. Matagal na panahon ko ring hindi nagawa 'to. Kasama ko nga noon si Hero pero hindi naman kami malapit sa isa't-isa. Si Heleen naman ay palaging may pinupuntahan kaya hindi ko ito nagawa sa kaniya. Masyado ko lang namiss na gawin." Nakangiting saad nito.

"Kapag ako nasanay. Tuweng pagpapawisan ako ay tatawagin agad kita." Biro ko pa.

"Oo naman. Masaya pa nga ako eh. Oh siya, magmeryenda ka na muna. Kanina mo pa hinihintay 'yun, diba?" Tanong niya kaya tumango naman ako saka tumayo.

"Ikaw kumain ka na ba? Nasaan pala si Heleen? Hindi ko ata siya nakita ngayon dito?" Tanong ko habang naglalakad kami at inaalalayan siya dahil medyo may kalakihan na talaga ang tiyan nito.

"Andoon siya  sa loob at kausap si Steven. Nawili ata silang dalawa kaya hinayaan ko na lang rin muna doon." Saad nito kaya napatango-tango naman ako.

"Mabuti na rin 'yun para makapagbonding naman silang dalawa. At tayo naman ang magba-bonding, okay? Bibili tayo mamaya ng mga gamit ni baby."  Bulong ko sa kaniya. Nakita ko namang nagliwanag lalo ang mukha nito.

"Talaga?"

"Hm...mamayang hapon na lang. Okay ba iyon sayo? " Tanong ko.

"Oo naman." Sagot nito kaya ngumiti naman ako saka kumuha na ng sandwich saka binigyan din siya. "Masarap ba 'to?" Tanong ko pa sa kaniya.

"Oo naman. Kaming dalawa kaya ni Teimhs gumawa nito."

"Masarap nga. Magkasundong kayong dalawa ni Mommy Teimhs, ah?" Tanong ko pa ulit at kumagat sa sandwich.

"Mabait naman siya sa'kin eh tsaka tinuruan na ako nitong magbake at magluto kaya napapadalas kaming magkasama."

"Naku, expert 'yan sa pagbabake, Ma. Kailangan mo talagang matuto para kahit hindi sila bumisita dito eh makakakain tayo ng masarap."

"Sige ba. Madali lang naman akong matuto eh. Ngayon nga ay alam ko ng magluto ng cookies eh pero hindi pa nga lang perpekto pero magiging maayos din 'yun sa susunod."

"Yown. May gym naman dito sa bahay kaya hindi ako takot na tumaba. Ikaw, pwede kang kumuha ng yoga class 'yung para sa mga buntis? Or hindi kaya ay kapag nanganak ka na lang ulit. Baka kasi makaapekto kapag ngayong buntis ka eh."

"Maganda 'yang naisip mo. Hindi ko pa natry 'yan pero naririnig ko na rin iyon kaya gusto ko ring masubukan. Tama ka, kapag nanganak na ako at maayos na saka na ako papasok sa ganiyan. Ngayon ay itututok ko na muna ang oras ko sa pamilya natin."

"Tama. Tama." Naisagot ko na lang at kumuha ulit ng sandwich at kumain na.

Pamilya...

Buo na ulit ang pamilya ko. Akala ko hindi na mangyayari pa 'yun pero masaya ako dahil nangyari. Dahil kasama ko na sila ulit ngayon.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon