20

41 4 0
                                    

Paglatapos ng mahaba-habang kwentuhan sa bahay nila Thrizorr ay agad naman kaming dumeritso sa bahay para doon magpatuloy sa kwentuhan.

Naabotan ko naman si Heroine at Daddy na nag-uusap at halata ang saya sa mukha nilang dalawa.

"Oh, andito na pala kayo." Saad ni Heroine ng makita kami.

"Poop, inaway ako ng pangit mong kapatid!" Agad na sigaw ni Thorr at yumakap sa braso ni Hero na agad naman tiningnan ang abnoy.

"Nasaktan ka ba?" Tanong pa nito. Nagkatinginan naman kami ni Thrizorr ng makitang umiling si Thorr na parang bata sa kapatid ko bilang sagot.

"Ipamental mo na kaya 'yang kapatid mo, babe." Natatawang saad ko.

"Hayaan mo na. Ngayon lang na-inlove eh." Sagot nito habang nakayakap sa bewang ko mula sa likuran.

"Hindi ka naman sinaktan, Shit. OA ka lang talaga." Saad ni Heroine at pinitik ang noo ni Totoy.

"Sinasabi ko sayo Totoy, ako ang kakampihan ng kapatid ko. Kawawa ka naman hindi ka ata mahal ni Hero eh." Natatawang biro ko pa sa kaniya kaya humaba naman ang nguso nito at sinamaan ako ng tingin at agad na kinulit si Hero.

Isip bata talaga.

Dumeritso na kami sa kaharap na sofa  saka naupo na at nagsimula naman ulit ang kwentuhan.

"Magkapatid pala kayong dalawa. Well, magkamukhang-magkamukha nga kayong dalawa. Pero ang gulo pala ng nangyari sa inyo..." Saad ni Mommy Teimhs.

"Maayos naman dapat kami. Pinagulo lang ng Nanay namin." Sagot ko at nakita ko naman ang nananaway na tingin ni Daddy kaya napabuntong-hininga na lang ako saka tinaas ang dalawang kamay na hudyat ng pagsuko.

"Importante at nagkasama na tayo ngayon. Iyon naman ang mahalaga sa akin." Saad naman ni Hero kaya napatango-tango naman ako.

"Sa akin din. Lalo na ngayong nalaman ko na hindi ako pinagpalit nitong mokong na 'to." Nagtatawang saad ko at nahiga sa balikat ni Thriz. I miss this.

"May nagpayo kasi sa akin ng matindi kaya hindi kita binitawan basta-basta. " Nakangiting saad nito at nakipagfist bump kay Heroine.

"Magaling talaga magpayo si Hero. Kaya proud na proud ako eh." Sabat naman ni Thorr na agad na pinitik ni Hero ang kamay na panay ang lingkis.

Sawa ata 'to eh.

"Woi, ikaw ha. Paano mo nakilala 'yang kapatid ko?" Tanong ko sa kaniya kaya agad naman itong napayuko at yumakap na lang sa braso ni Hero.

"S-Secret ko 'yun! Akin na lang 'yun." Sigaw niya pa kaya natawa na lang kami.

"Binangga niya ako tapos sinabing kasalanan ko raw." Panimula ni Hero na pinapatahimik ni Thorr pero tiningnan lang siya ni Hero kaya napanguso na lang ito.

Takot din pala ang isang 'to eh.

"Tapos nagkasagotan kaming dalawa. Ta's bigla na lang akong sinuntok ng tukmol kaya sinuntok ko rin at nagsuntukan nga kami. Naawat lang ng dumating ang mga kaibigan niya. Pero ang tukmol eh nagsimula na akong i-bully pagkatapos nun."

Kaya naman pala takot. Nanununtok pala 'tong kapatid ko eh. Nasadugo na ata namin 'yun.

"Tapos ngayon inlove na siya sayo? Awit naman HAHAHA. Totoy, ang tindi ng trip mo." Pang-iinis ko sa kaniya kaya mas lalo naman itong nagdabog at parang batang sinasabihan si Hero na huwag ng nagkwento.

Nagpatuloy lang ang kwentuhan naming lahat nang biglang dumating ang dalawa. Sina Helda at Heleen. Panigurado si Daddy ang nagpakuha sa kanila.

Dumeritso kami sa hapagkainan at hindi na ipinahalata ang awkwardness. Basta kain lang. Tahimik lang kaming lahat at mga kubyertos lang ang nag-iingay.

Nagpatuloy lang ang kwentuhan namin ng matapos kumain. Iyong dalawa naman ay  pumunta na sa taas para magpahinga dahil nga juntis. Si Daddy ay ganoon rin kaya naiwan na lang kaming anim sa baba.

Kwentuhan lang ng kwentuhan. Mga nangyari habang wala ako. Nangyari sa buhay ni nila at sa akin na limitado lang ang pwedeng ipaalam.

Tawa naman kami ng tawa kapag tungkol na iyon kay Thorr at Hero. Masyadong cute ang story nila eh.

Si Thrizorr naman ay hindi na nawala ang pagkakayakap ng kamay sa akin. Ako man ay ganoon rin. Miss na miss ko na ang lalaking 'to eh.

Tuluyan lang talaga kaming natigil ng mapansin ang oras. Madaling araw na. Hindi na namin namalayan ang oras eh.

Dito na lang natulog sila Mommy. Marami naman kasing bakanteng kwarto dito sa bahay.

Kami naman ni Heroine ay agad ng dumeritso sa taas para matulog na rin. Pero bigla namang nakita si Daddy.

"Akala ko matutulog na kayo?" Tanong ni Heroine.

"Kakagising ko lang. Balak ko sanang tingnan si Helda.." Sagot ni Daddy.

"May pakialam ka pa rin sa babaeng 'yun, no?" Tanong ko sa kaniya.

Tahimik lang naman itong binuksan ang pinto at pumasok kaya sumunod naman kami ni Heroine sa kaniya.

"Hindi pagkakaintindihan ang lahat ng 'to. Hindi kayo dapat magalit sa kaniya." Sabi niya kaya natawa na lang ako saka nailing. "May dahilan bakit ganoon ang trato niya sa atin." Napabuntong-hininga ito saka tiningnan kaming dalawa ng kapatid ko.

"She was a soldier back then at may mga kasama siya sa mga misyon na ginagawa. Maganda, mabait, matapang, magaling at maasahan. Isa ako sa mga kaibigan niya dati doon. Pareho kaming sa Antarctica pinadala para sa isang misyon. Sobrang ganda ng samahan namin pero nawala lahat ng 'yun dahil sa isang aksidente. Merong isa sa amin na trumaidor at sinabi kung nasaan kami nagtatago. Kaya naubos ang kasamahan namin at dalawa lang kaming natira. Tyempong may pulang bandilang hawak ako noon na bandila ng kalaban namin. Doon na niya inakala na kalaban ako. Sa sobrang galit niya ay binaril niya ako pero daplis lang iyon kaya nakaligtas ako. Nang mga oras na iyon ay buntis na siya sayo, Heaven. Halos limang taon at nagkita kami ulit dahil sa paghahanap ko sa kaniya. Galit pa rin siya sa akin ng mga oras na iyon. Pero lumipas ang ilang mga buwan at nagkaayos kaming dalawa. Inaaakala ko. Hindi ko pa alam na buntis siya nun sayo, Heroine at huli ko na lang na nalaman. Kinuha kita sa kaniya kagaya ni Heaven pero kinuha niya rin kayo pabalik. Paghihigante niya na siguro iyon..."

"Paghihigante ba talaga, hm?" Tanong ni Heroine na ngayon ay nakatingin sa nakahiga. Nakita ko kung paano tumulo ang luha niya at nagmulat ng mata.

"Nakokonsensiya ako...kaya ko ginawa ang lahat ng 'yun." Saad nito at agad na ipinahid ang mata. "Ako ang traidor sa grupo natin, Steven. Kaya ayaw kung lumaki ang mga anak ko sa puder mo dahil baka magaya nila ang ugali ko at traidorin ka nila kagaya ng ginawa. Pero si Heroine lang ang nakuha ko. Lahat ng masamang bagay ginawa ko na sa kaniya para kamuhian niya ako. Kasi ayaw kung mahalin niya. Ayaw kung maramdaman na may nagmamahal sa akin. Kasi hindi ko naman deserve 'yun. Masyado bang malayo ang naging pag-iisip ko? Pasensiya na. Ayaw ko lang maulit ang pagkakamaling ginawa ko. Ayaw ko lang na may lokohin pa sa mga mahal ko. Dahil hindi ko na kaya pa. "

At doon lang namin narealize ang nangyayari. Bakit ganito ang sitwasyon namin ngayon...

Ngayon ay alam na namin kung bakit...

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon