14

37 4 0
                                    

"Kumain kayo. Subukan niyo lang magkagulo diyan at kamao ko ang kakainin niyo." Kalmadong saad ko at naupo sa sofa at tiningnan silang lahat.

Ang grupo nila Ashong na siyang nakalaban kanina ni Andrie ay andito, sila nagbabantay sa South. Andito rin si Segundo at mga bata niya, sila naman ang nagbabantay sa North. Nadaanan namin kanina na may mga nakaengkwentro.

Hindi magkasundo ang dalawang grupong 'yan at baka mabatokan ko pa ang mga tangina kapag ako nainis.

Nagsindi naman ako ng sigarilyo ko at  hinubad ang suot na coat saka nakapang dekwatro na upo.

"Amo, kain." Aya ni Sin at ng iba na kumakain na.

"Hm. Oh, asan na 'yung anak ng abogado daw? Dalhin niyo nga dito. Baka mamaya eh patay na pala ang tanginang 'yun." Saad ko at humithit sa sigarilyong hawak.

Maya-maya lang ay agad naman na nilang inilabas ang gago na sumisigaw pa ng kung ano-ano. Ingay!

"Woi! Manahimik ka dahil kanina pa ako naiinis ah." Sita ko sa kaniya.

"Pakialam---"

Agad kung kinuha ang baril na nakalagay sa mesa at walang ano-anoy binaril siya dahilan manahimik naman ito.

"Ngayon magkakapakialam ka na." Saad ko at inilapag ang baril saka senenyasan si Sin at tumango naman ito. Maya-maya ay may dala na siyang  isang tray ng pagkain. "Sabihin mo sa akin kung saan mo nakita ang kamukha ko. Kapalit nun ay ipapakain ko lahat sayo ng nakikita mo."

"Baka may lason 'yan." Saad niya kaya dumampot naman ako ng isang manok doon saka kinain.

"Kapag hindi mo sinabi ay uubusin ko lahat 'to at enertone ang ipapakain ko sayo." Saad ko.

"Puta---ano akala mo sa'kin? Manok?" Sigaw nito pero nagkibit balikat lang naman ako saka nagpatuloy sa pagkain.

"Wala ka namang magagawa." Saad ko pa at balak na sanang inomin ang drinks.

"Sandali...sasabihin ko na."

"Hm. Para may pakinabang ka naman." Saad ko saka sumandal sa  sofa.

Kaya ko lang naman tinitiis ang kinginang 'to dahil alam niya kung nasaan ang kapatid ko.

"Nakita ko siya dati sa me Tops. Akala ko ikaw kasi kamukhang-kamukha mo." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako saka senenyasan si Hade na kumuha ng isa pang tray.

"Kumain ka na. Kakahiya naman sayo eh." Saad ko at ibinigay sa kaniya ang tray.

Tops...

"Pagkatapos niyan kahit umuwi ka na. Wala ka namang ambag dito eh." Saad ko pa saka kinain ang nuggets na nasa tray.

"Anong walang ambag, huh? Tinulungan ka na nga---"

"Bakit? Nahanap ko na ba? Saka mo'ko sumbatan kapag nahanap ko na. Kinginang 'to. Kumain ka na nga lang." Singhal ko saka nagpatuloy lang sa pagkain.

Matapos kumain ay pinagpahinga ko muna ng ilang sandali iyong mga tukmol saka ko sila pinagtraining.

Masyadong mahihina...

"Ling at Sammi. Kayong dalawa muna." Tumango naman sila saka pumunta sa gitna.

Si Ling ay kagrupo nila Ashong at si Sammi naman kila Segundo. Pareho silang babae.

"Sa pula sa puti. Oh, pili na pili na--aray naman amo." Binatokan ko si Ole na masyadong maingay.

"Maupo ka nga. Para kang kiti-kiti diyan." Suway ko sa kaniya.

Nagsimula naman ang dalawa sa paglalaban. Pareho silang may lahing Chinese.

Kahit papaano ay naaliw naman ako sa panonood sa kanilang dalawa. Hindi ganoon kagaling pero may ibubuga.

At nagtuloy-tuloy lang ang training nila hanggang sa maghapon na kaya inutusan ko na silang umuwi na.

"Alis na'ko." Paalam ko saka isinuot na ang coat ko at isinukbit ang baril.

"Ingat amo!"

"Hm." Iyon lang at tuluyan na akong bumaba at sumakay sa motor ko at pinaharurot iyon paalis.

Papadilim na ang daan pero klaro pa rin naman kahit papaano. Binagalan ko ang takbo ng motor ko at kalaunan ay ipinarada din.

Andito ako sa harapan ng Tops...

Naupo ako sa motor ko at nagsindi ng sigarilyo at nagpalinga-linga sa paligid atsaka napapatingin sa relo.

*Tops- Isa sa pinakamalaking mall sa gitna ng city.*

"H-Hi?"

Napatingin naman ako sa biglang nagsalita mula sa gilid ko at agad na ngumiti ng makita si Kim.

She's perfectly beautiful...

"Hey, whatcha doing here?" Tanong ko sa kaniya.

"A-Ano...I buy some new dresses and chocolates. Here. Marami naman ang binili ko kaya sayo na ang iba. Pagpapasalamat ko ng nakaraan." Bigay niya ng dalawang paper bag na may lamang boxes ng chocolates.

"Don't mind it. By the way, thanks for this."

"A-Ano...may hinihintay ka ba?" Tanong niya.

Umiling naman ako saka itinaas ng bahagya ang damit nito. "Wala naman. May tiningnan lang." Saad ko naman.

"S-Sorry..."

"Hm? Pft. You're too cute. By the way,  may susundo ba sayo dito?" Tanong ko at napatingin sa relo. "It's 7:01 P.M. already."

"Wala eh. Balak ko nga sanang pumara ng taxi kaso nakita kita."

"Hm...ihahatid na kita. Gabi na rin naman. Hindi maganda sa babae na ginagabi." Nakangiting saad ko saka isinuot sa kaniya ang helmet. "Sakay na."

"N-Nakakahiya..."

"Pft. Dali na." Natatawang saad ko.

"S-Sige. Salamat ah?"

"Hm..."

"S-Saan ba ako kakapit? Hindi pa kasi ako nakasakay ng motor dati."

"Dito, pwede din." Sabi ko saka iniyakap ang kamay niya sa tiyan ko.

"Okay lang ba?"

"Bakit naman hindi? Kapit ka ng maigi, baka mahulog ka."

Yumakap naman ito sa akin kaya nailing na lang ako saka pinaharurot na ang motor habang siya naman ang nagtuturo kung saan ang daan papunta sa bahay niya.

"Alam mo...may kamukha ka." Saad niya bigla.

"Hm? Really? Sino?" Tanong ko habang nasa daan pa rin ang paningin.

"Yung kaklase ko. Si Hero... Kamukhang-kamukha mo talaga siya. Maangas din siya at matapang. Palagi niya nga rin akong inililigtas eh."

"Hero? That's her true name?" I asked again.

"Hindi. Heroine Andrada 'yung pangalan niya. Promise, kamukhang-kamukha mo."

Gotcha!

My got feels really are too good. Pft. Kapatid, unting-unti na lang ay mahahanap na rin kita.

Tops...doon ko nga nakita ang kasagutan. Tsk. Swerte are in my hands.

"Do you like her?" I asked.

"H-Ha?" Nagugulat na tanong niya dahilan para matawa naman ako.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon