21

37 3 0
                                    

"Cebu!" Sigaw naming lahat ng makarating na sa hotel nila Mommy Teimhs na nasa tabi lang ng beach. Pero hindi muna kami dumeritso doon. Mas pinili na muna naming pumunta sa loob ng hotel para makapag-ayos na ng mga gamit na dala.

Dalawang napakalaking rooms ang kinuha ni Mommy Teimhs para tuluyan namin. Isa para sa aming mga babae at isa din para doon sa mga lalaki.

Masyadong marami kasi ang turistang nag checheck in dito at kapag kumuha pa kami ng tig-iisa ay masyadong maraming rooms pa iyon. Dahil madami kami. Kaya mabuti na rin itong sama-sama na lang.

Habang nag-aayos nagsenyasan naman kami na lalabas na dahil nakahanda na iyong lahat sa labas ng makita ko ang message ni Thrizorr.

"Ay nga pala, diba may pupuntahan pa  tayo? Diba?" Tanong ko at agad na hinigit iyong iba.

"Ah, oo. May pupuntahan pa pala tayo." Tatango-tangong naman saad ni Tita Teimhs.

"Ah Hero..mauna ka na sa baba. May pupuntahan pa pala kami." Sabad rin ni Heleen.

"Bakit hindi ako kasama?" Tanong niya sa amin habang pinag-aaralan kami isa-isa.

Masyadong mabangis ang instinct ng kapatid ko na 'to. Baka mabuko kami.

"Ah, ano kasi...pupunta kami sa seventh floor kaya mauna ka na sa first floor hehe." Sagot ko saka itinulak siya papasok sa elevator saka nginitian.

Napabuntong-hininga naman ako ng sumarado na ang pinto.

"Dali-dali. Dapat mauna tayong makarating doon." Saad ni Tita Teimhs na agad tumakbo papunta sa isang elavator na nasa kabila na pangmaramihan ang pwedeng sumakay.

"Ready na ba 'yung pagkain sa labas?" Tanong ni Helda na halatang masay at excited.

Kagabi...

Kahit papaano ay naintindihan na namin siya. Pinatawad na rin siya namin. Pero hindi pa kami nagkaka-usap ng kaming dalawa lang. Humingi naman siya ng patawad sa mga pakukulang at maling ginawa niya.

Basta bumawi siya...okay na sa akin 'yun. Maski kahit kay Hero man lang ay bumawi siya.

Pagkarating sa baba ay agad na kaming dumeritso sa isang kwarto kung nasaan na iyong iba pa naming mga kasama. Nang makitang kompleto na ay agad na naming pinatay ang ilaw at naghintay ng ilang sandali.

Pinalabas talaga ang lahat ng tao sa loob ng hotel dahil sa surprise na 'to. Masyadong maeffort pero...hindi pa naranasan ni Hero ang ganito, sabi ni Heleen.

Hindi niya naranasang may kasama sa kaarawan niya.

Maya-maya nga lang ay agad ng bumukas ang pinto pero hindi kami agad lumabas mula sa dilim.

"Luh Poop, baka may lumabas na white lady diyan?" Tanong ni Thorr.

Pinigilan ko namang matawa kaya nakagat ko na lang ang labi ko. Kahit kailan ay isip bata talaga.

"Ang laki mo na naniniwala ka pa rin sa putanginang 'yan? Tara, pasok na." Saad pa ni Hero.

Agad ko namang pinindot ang button ng  ilaw saka sumabay sa pagkanta.

"Happy birthday two  you. Happy birthday two you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday two you." Kanta namin.

*Two na ginamit ko kasi dalawa sila ang kinakantahan.*

Ayon at gulat na gulat naman si kapatid at 'yung Totoy HAHAHA. Niyakap naman agad kami nila at pagkatapos nun ay pahiran na ng icing.

Ang saya-saya lang namin habang nagtatawanan at nadala namin iyon ng pumunta kami sa labas dahil andodoon ang kainan na si Helda at Teimhs ang may idea.

Kainan naman at kwentuhan. Parnag hindi na kami nagsawa sa kwentuhan. Ngayon na lang ulit kasi kami nagkita-kita.

"Here. Eat this." Lagay ni Thriz ng malaking hipon sa pinggan ko. "Puro ka kaagad cake eh." Natatawang saad nito at pinahiran ang gilid ng labi ko.

"Paborito ko eh. Here, try some." Subo ko sa kaniya niyon. "Masarap?"

"Syempre. Si Mommy gumawa niyan eh. Tapos ikaw nagsubo kay mas lalong sumarap." Pangbobola nito kaya tinawanan ko lang siya.

"Ang mais mo pa rin, babe." Saad ko at ininom ang tubig na ibinigay niya.

"Sayo lang naman ako ganiyan eh." Nakangiting saad niya at kinindatan pa ako. Pinaikotan ko lang naman siya ng mata saka nagpatuloy na sa pagkain. "Kamusta na kayo ng pamilya mo?" Tanong niya kaya napatigil naman ako sa pagnguya saka nagkibit-balikat.

"Maayos naman. Si Hero ay kasundo ko dahil halos magkaprehas naman kami ng ugali at iyong iba...ayos naman. Hindi naman kami nag-aaway pero hindi rin nagkakausap." Sagot ko.

"Try forgive them, Heaven. Wala kang mapapala kung galit ang papairalin mo." Payo pa niya.

"Oo naman." Nakangiting saad ko.

"Kausapin mo siya."

"Huh? Sino?" Tanong ko at sumubo ng cake. Tiningnan naman ako nito ng makahulugan kaya napabuntong-hininga naman ako at itinaas ang kamay na hawak ang pinggan at tinidor na hawak habang nakanguso.

"Kumakain pa ako eh---oo na, ito na. Masyado akong takot sayo eh." Saad ko at ibinaba ang hawak.

Pagdating sa kaniya ay takot ako. Ewan pero nakakatakot siya kapag galit.

Naglakad naman ako papunta sa gawi ni Helda saka napabuntong-hininga at  tumabi sa kaniya ng tayo.

"M-May kailangan ka?" Tanong niya.

"Nagkausap na ba kayo ni Heroine?" Tanong ko habang nakatingin sa dalawa na siyang may kaarawan ngayon.

"Hindi pa... Masyado siyang masaya ngayon. A-Ayaw ko na munang sirain..."

"Hindi mo na masisira kasi matagal mo ng nasira 'yun. Kaya sana subukan mo na lang ayusin. Wala kaming pakialam sa guilty na tanginang nararamdaman mo, sayo na 'yun. Ang sa akin lang...sana maging Nanay ka na sa'min lalo na sa kapatid ko. Bumawi ka sa mga pagkukulang mo. Dahil sa sitwasyon, ikaw 'yung nagkamali. Hindi ko sinasabing napatawad na kita pero sana gumawa ka ng paraan para mapatawad na kita..."

"S-Sige..."

"Hindi ko man nakasama 'yung kapatid ko ng matagal pero alam kung madaling magpatawad 'yun kaya huwag kang mag-alala masyado." Saad ko at tinapik ang balikat nito saka na bumalik sa harapan ni Thrizorr na agad akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Good job." Nakangiting saad nito at inayos ang suot ko na medyo may kanipisan.

"Kuhaan mo'ko cake. 'Yung strawberry." Utos ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod kaya natawa naman ako at tinitigan siya.

Ang gwapo ng lalaking 'to eh tapos loyal pa sa'kin.

Tsk. Tindi ng tama ko.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon