32

29 3 0
                                    

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Sin ng makita ako sa kusina ng bahay. Umiinom.

"Nauuhaw ako." Saad ko at nagkibit-balikat.

Hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Nagpapatayan na't lahat---naisipan mo pang uminom? Lupet mo talaga."

"Ako pa ba? Nahanap mo ba kung nasaan si Virhell?" Tanong ko at binaril ang isang lalaki na biglang na lang lumitaw mula sa pinto.

"Hindi pa. Pero ang dami ko ng nakaengkwentro sa taas at naubos ko na silang lahat sa palapag na 'to." Saad niya kaya napatango-tango naman ako at agad na natigil.

"Shit!" Mura ko at agad na kinuha ang cellphone at tinawagan sila Ole at agad naman nitong sinagot. "Ayos lang kayo diyan?!" Agad ma tanong ko.

"Mukhang narealize mo na ang nangyayari, Queen." Boses ni Virhell ang narinig ko.

"Tsk. Akala mo pumunta lang ako dito ng basta-basta na walang alas na dala?" Kalmadong tanong ko saka natawa ng manahimik ito. "Vegan, Aramis and Haila. What a beautiful name, huh?" Tanong ko saka tumayo at senenyasan si Sin para umalis na kami doon.

"Anong ginawa mo sa kanila?!" Bigla ay sigaw niya.

"If you hurt my comrades...maybe I will cut their heads one by one infront of you. You like that?" Tanong ko saka binaril ang kalaban na biglang lumitaw sa hagdan. Binaril rin ni Sin iyong iba pa.

"You can't that, you bitch!" Galit na sigaw niya. Humalakhak naman ako ng malakas para marinig niya talaga.

"Ofcourse I can do it. Ngayon, huwag kayong aalis diyan sa unang palapag hanggang sa makarating kami." Utos ko sa kaniya.

"At paano ako makakasigurado na hawak mo nga ang mga anak ko?!"

"Wala akong pakialam kung maniwala ka man o hindi, gago!" Sigaw ko at pinatay na ang tawag.

Wala pa sana akong balak na sabihin sa kaniya na hawak ko ang mga anak niya sa iba't-ibang mga asawa niya pero wala na akong choice. Hawak niya ngayon ang mga kasama ko.

Dumeritso na kami sa baba pero merong mga sagabal na panay sulpot sa kung saan. Nadaplisan pa ako sa balikat ng kingina bago kami tuluyang makababa sa unang palapag.

Agad kaming pinalibotan ng mga tauhan ni Virhell at tinutukan kagaya ng ginawa nila sa iba naming kasama na nasa sahig na.

"Ganito pala ang pagwelcome para sa iyo?" Nakangising tanong ko.

"Nasaan ang mga anak ko, Queen!" Sigaw niya at kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Pakawalan mo muna 'yang mga kasamahan ko at baka sabihin ko sayo. Masyado kang galit na galit eh." Nakangising saad ko.

"Huwag mo'kong subukan! Nasaan sila?!" Sigaw niya kaya napabuntong-hininga naman ako saka may tinawagan. Maya-maya ay bigla namang pumasok ang tatlo kung kasamahan na hawak ang tatlong anak ng gago.

"Op! Op! Op! Bawal hawak." Pigil ko sa kaniya ng kukunin sana nito ang mga anak. Nakita naman niya ang umiilaw na bagay sa leeg ng mga anak niya at ang hawak kung device. "Bitawan niyo lahat ng armas." Utos ko.

"Hindi ako tanga para gawin 'yun---"

"At mas lalong hindi ako tanga, Virhell." Putol ko sa sasabihin niya. "Sa laban natin matik na ako na ang panalo. Alam mo bakit? Hawak ko na lahat ng alas. Kapag hindi niyo sinunod ang sinabi ko at gumawa ng kahit anong galaw ay sasabog tayong lahat sa isang pindot ko lang. Matik na mamamatay ka. Kapag naman sumunod ka sa sinasabi ko ay mabubuhay ang tatlo mong anak pero papatayin pa rin kita. Kapag kinuha mo naman mula sa akin ang device na 'to at binalak na patayin ako ay mamamatay ka pa rin dahil ako mismo ang bomba rito, mas malakas at matindi. Wala kang magagawa. Maski magmakaawa ka ay hindi kita kakaawaan. Papatayin kita sa lahat ng paraang alam ko." Saad ko.

Agad naman nitong inutusan ang mga tauhan niya na itapon ang mga baril kaya inutusan ko rin ang mga tauhan ko na kunin iyon hanggang sa wala ng matira. Ginapos na rin silang lahat ng mga kasama ko at itinira si Verhell.

"Paano ba 'yan? Nag-iisa ka na lang." Nakangising tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa 'to tapos Queen!" Sigaw niya at bigla na lang tumakbo papunta sa mga anak at itinulak iyong mga may hawak sa anak niya at ginawang panangga ang mga sariling anak. Bigla namang may namaril mula sa kung saan at nadaplisan ako sa balikat.

Tsk! Hindi pa pala namin naubos ang nga hayop na 'to.

Nagtago naman kami sa mga pader at haligi ng bahay at pinaulanan ng bala ang mga snipers.

"Sin, akyatin muna." Utos ko at tumango naman ito at agad na inakyat ang ikalawang palapag. Nahulog naman ang isa matapos matamaan ko sa dibdib.

Napatingin naman ako kay Virhell at nakita kung tumatakbo na ito palayo kaya agad naman akong tumakbo pasunod sa kaniya. Hindi ko na masyadong ininda ang balikat ko. Malayo naman sa bituka 'to.

Tss. Hindi man lang natakot ang mga gagong 'yun matapos ng sinabi ko.

Bigla itong sumakay sa kotse at basta na lang itinulak ang mga anak niya at humarurot paalis.

"Huwag kayong aalis dito. Tutulungan kayo ng mga kasama ko gaya ng sinabi ko sa inyo" Utos ko sa kanila saka sumakay rin sa isang kotse at agad na sinundan na si Virhell na halos paliparin na ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo.

Parang makakatakas naman talaga. Tsk.

Mas binilisan ko rin ang pagpapatakbo ng sasakyan ko at napangisi ng maabotan ito. Agad kung binangga ang kotse niya dahilan para bumilis naman lalo ang takbo niya. Nakagat ko na lang ang dila ko ng makitang papunta na sa bangin ang nasa harapan.

Kagaya ng inaasahan ay tumigil ito. Ayaw sigurong magpakamatay. Papatayin ko rin naman.

Lumabas na ako ng kotse saka kinuha ang sigarilyong nasa kotse. Timing nga naman. Nagsindi muna ako saka kinuha ang baril ko at humarap sa kaniya.

"Ganitong-ganito rin ang paraan ng pagpatay saakin ng mga tauhan mo dati. Sa bangin rin. Akalain mong nabuhay pa'ko? Ikaw talaga yata ang nakatadhana para mamatay sa bangin, Virhell." Saad ko saka humithit sa sigarilyong hawak saka ibinuga ang usok. "Magmamakaawa ka na ba?"

"Hinding-hindi ko gagawin 'yun kahit pa patayin mo'ko---"

Natigil ito sa pagsasalita ng umalingawngaw ang putok mula sa baril ko na umuusok pa ang bibig. "Wala akong pakialam. Papatayin pa rin kita." Saad ko at binaril ulit ito dahilan para mapaatras naman ito habang dama-dama ang mga tama. "Adios." Saad ko at binaril ito sa mismong sentido. Nahulog ang katawan nito sa bangin pero hindi ko na inabala pang tingin.

Napabuntong-hininga na lang ako at agad na pumihit pabalik na sana sa kotse ko ng biglang umalingawngaw ang panibagong putok. Napatingin ako sa gilid ko at nakita kung may tama na ako. Agad kung binunot ang baril at binaril ang kanang kamay ni Virhell na sinundan pala kami. Napadaing na lang ako at napaluhod dahil sa tama ko. Masyadong maraming nawawalang dugo.

Shit!

Tuluyan akong napahiga sa lupa habang hawak-hawak ang tama ko. Nanlalabo 'yung paningin ko at sumasakit lahat ng bahagi ng katawan.

I...am going to die here?

No... Hindi pwede... Kailangan ko pang balikan ang mga mahal ko. Kailangan ko pa silang makasama.

Dammit!

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon