26

22 3 0
                                    

Hapon na ngayon at kagaya ng sinabi ko ay pupunta kami sa mall para bilhan si Hilda at Heleen ng mga gamit ng nga bata.

Kasama ko si Hero ngayon. Habang iyong ibang kaibigan naman nila ay umuwi na. Si Daddy naman ay may emergency meeting sa kompaniya kaya hindi nakasama. Ang pamilya naman nila Thriz ay unuwi na rin muna para makapagpahinga na rin.

"I want to take architecture. Gusto kung gumawa ng sarili kung mall kapag nakapagtapos na ako. Iyong tipong naiiba sa lahat iyong disenyo. Thorr wants to take engineering kaya mapapadali iyong pangarap ko na pangarap naming dalawa." Saad ni Hero habang naglalakad kami. Nakatingin ito sa mall na nasa harapan namin.

"Good. Mabuti at may pangarap ka na agad. Ako kasi dati ng nasa edad mo ay tamang pasaway at katarantaduhan lang ang iniisip." Saad ko naman at nailing na lang.

"I just want to ask...ano nga pala 'yung trabaho. Hindi mo pa kasi nababanggit iyon kaya nacurious ako." Saad nito kaya natawa naman ako.

"Hindi lang halata pero doctor ako. Pero tumigil na rin ako dahil nakakapagod din palang maging doctor. Nakakastress 'yung mga araw ko kapag malubha 'yung sakit ng pasyente."

"Kanino 'yung damit ng sundalo na nasa frame? Iyong dalawa ay kina Dad at Mama. Eh, iyong isa?" Curious na tanong nito.

"Akin. HAHAHA marami akong course na kinuha noong nag-aaral pa lang ako. Pero iyong dalawang iyon ang naging trabaho ko." Sagot ko naman.

Una kung naging trabaho iyong doctor at pangalawa naman ang pagigingsundalo na iniwan ko rin makaraan lang ang tatlong taon.

Masyadong magulo ang mga panahong iyon. Masyado akong mahina para tumagal doon. Maski kasamahan ko man lang ay hindi ko mailigtas, paano pa kaya ang sarili ko? Wala akong kwentang kasamahan...

Pft. What a fucking past.

"That's cool."

"Yeah..." Naisagot ko na lang at tuluyan ng pumasok sa mall.

"Ano ba ang gender ng mga babies? Para alam natin kung anong bibilhin."   Tanong ko kay sa dalawa.

"Hindi pa namin alam eh. Hindi na kami ulit pumunta ng clinic para magpacheck up kasi gusto namin na surprise 'yung gender." Sagot ni Heleen.

"Hm. No problem. Bili na lang tayo mga gamit for boy at girl." Suhestiyon ko at ayon at sayang-saya naman silang dalawa.

Umakyat kami sa fifth floor at pumasok sa isang store na puro pambata iyong tinitinda. Naghiwalay naman kami para makapaghanap ng marami. Kasama ko si Helda at kasama naman ni Hero si Heleen.

"Kuha ka lang ng magustuhan mo." Saad ko pa ng makitang tinitingnan lang niya ang mga nadadaanan namin.

Ayon at kumuha naman ito at agad na naglagay sa cart na dala ko. Ako naman ay napapatingin rin sa mga tinda at aga kung nakita ang mga crib.

"Hey, look at this. Ang gaganda nito." Saad ko kaya napatingin naman ito at agad na lumapit sa mga crib.

"Oo nga kaso...sobrang mahal naman." Sambit nito at naglakad paalis pero andoon pa rin sa crib ang mata.

"Choose. Marami akong pera kaya huwag kang mag-alala. Kung gugustuhin ko ay kaya kung bilhin ang buong building kaya huwag ka ng mag-alala sa babayaran." Natatawang saad ko.

"But this are expensive..."

"But the babies are more expensive."

Wala naman na itong nagawa kaya pumili na ito at sa huli ay isang kulay pink at isang kulay blue ang kinuha nito.

Pagkatapos nun ay agad pa kaming naglibot-libot. Dampot lang ako ng danpot ng magustuhan ko. Maraming teddy bear ang binili ko.

Ba't ba? Mahilig ako sa teddy bear eh.

Makaraan pa ang ilang sandali ay nagkita na kaming apat sa counter. Kagaya ng amin ay sobrang sami rin ng pinamili ng dalawa.

Bumili rin sila ng crib at dalawa pa kaya natawa na lang ako at sinabing baka naman twins iyong maging anak nilang dalawa at baka magamit pa naman kaya hindi na namin naisauli tsaka maganda rin kasi.

Pagkatapos nun ay dumeritso kami sa seventh floor para doon kumain. Doon nakalagay iyong restaurants.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Hero kay Heleen na hindi nakatingin sa menu niya.

Napanguso naman ito at itinuro ang nasa labas na stall na nagtitinda ng waffles. "Gusto kung kumain nun." Saad pa nito.

"Then I will get some for you. Just wait here."

"Sama ako." Saad pa niya at tumayo na kaya wala ng nagawa si Hero.

"Pero kakain ka muna ng rice, okay?"

"Oo." Tatango-tangong saad nito at yumakap pa sa braso ni Hero.

Natawa na lang ako dahil kung titingnan ay para silang magjowa. Nakat-shirt at shorts si Hero at  nakatali ang buhok at si Heleen naman ay nakadress. Dahil sa height ni Hero ay aakalain mong lalaki. Parang lahat sa kaniya kung titingnan ay lalaki.

"Ikaw, what do you want to eat?" Tanong ko naman kay Heleen na nakatingin pa rin sa menu.

"I want spaghetti." Sagot niya kaya tumango naman ako at inayos ang buhok niya ng kaunti saka nginitian siya.

"Kaya pala ang ganda ko. Maganda pala lahi natin." Asik ko kaya natawa naman ito.

Maya-maya lang ay bumalik na iyong dalawa at dumating naman ang order naming pagkain kaya kumain na muna kami. Nagkwentuhan lang naman muna kami habang kumakain ng mga inorder namin.

"Hero!" Biglang may sumigaw mula sa  gilid at agad na yinakap ang kapatid ko at hinalikan pa sa pisngi.

"What are you doing here, Rex? Ano ba 'yang suot mo? Tsk. Maupo ka nga, baka makitaan ka niyan eh. Sinabi ko ng huwag kang magsusuot ng ganiyan. Tigas ng ulo mo." Napanguso naman itong naupo sa tabi ni Hero.

"Syempre, I'm shopping...alone. Si Kuya ewan kung saan na nagpunta. Nakita kita mula sa labas kaya pumasok na ako dito." Masayang sagot naman ng babae.

"Sama ka na lang muna sa amin. Kumain ka na ba?" Tanong pa sa kaniya ni Hero.

"Hindi pa nga eh. Gutom na ako, babe." Nakangusong saad pa nito na aniyang naglalambing.

"Kapag 'yan narinig ni Toma malalagot na naman ako. Stop calling me babe, okay? Ano ba 'yang mukha mo? Saan ka na naman nagsusuot?" Naiiling na lang sa Hero at inayosan pa ang babae.

Nakatingin lang namab kami sa kanila. Pati iyong iba ay nakatingin na rin.

Ang tinik ng kapatid ko, grabi. Babe pa nga.

"By the way, pamilya ko nga pala." Pakilala ni Hero sa amin kaya napatingin naman sa amin ang babae na maganda at maladiyosa ang datingan. "Everyone, this is Leerex, kaibigan ko." Pakilala naman ni Hero sa babae.

"Nice to meet you all. I'm Leerex  at ako ang pinakamagandang manliligaw ni Hero." Proud pa siya. Manliligaw ang putcha.

"Tinik natin, ah? Babae pa nanliligaw." Bulong ko naman pero siniko lang ako ni Hero saka tinawanan.

"Kumain ka na muna. Gutom lang 'yan." Saad ni Hero at ibinigay kay Leerex iyong spaghetti niya. Ayon at sayang-saya naman ang babae.

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon