02

112 4 0
                                    

"Hey, kalabaw. Move your ass there! Huwag mo akong pahirapan, hindi kita kayang buhatin, ano ba?" Singhal ko sa kalabaw na nasa putikan at naliligo. Ayaw umalis doon kahit hinahatak ko na eh.

Bakit ba kasi nag volunteer pa ako na ako na magdadala nito pauwi. Tsk! Iihawin ko'to pag ako nainis.

"Fuck this! Hey, move!" Pero nakatingin lang ito sa akin at hindi umaalis doon. Arghhhh!

Bigla naman akong may narinig na natawa sa likod dahilan para mapatingin ako doon at agad na nakita si Celeste.

"Huwag kasing ganiyan. Dapat ay mabait ka sa kanila para sundin ka nila." Sabi nito at kinuha ang lubid sa akin na siyang tali ng kalabaw. Ayon ng siya ang humigit ay agad na umalis ang kalabaw at sumunod sa kaniya.

What the hell? Pati kalabaw biased na din?!

"Whatever." Saad ko na lang saka sumunod na sa kaniya sa paglalakad habang ang kalabaw naman at nasa likuran lang namin at nakasunod.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong niya.

"I'm fine---Ayos lang ako." Sagot ko naman at napatingin sa harapan ng makarating kami sa taas ng buhok. Kitang-kita mula rito ang hekta-hektaryang palayan na ngayon ay inaararo na at ang iba ay nagpapatubig. Ewan kung tama ba basta iyon.

Lahat iyon ay mano-mano nilang ginagawa. Sa pag-aararo ay kalabaw at tao ang gumagawa. Habang sa patubig naman ay meron silang parang kahoy na ginawa na parang wheel na ewan na tinatapakan ng tao para umikot at magbigay ng tubig papunta doon sa lupa.

Doon sa amin eh wala kang makikitang ganoon. Puro building lahat at mga kabahayan.

"Malayo ba ang iyong pinanggalingan? Ngayon ka lang ba nakakita ng nag-aararo?" Tanong nito ulit.

"Oo. Mula pa ako sa napakalayong lugar. At doon ay wala kang makikitang ganito. Kung meron may ay pupunta ka pa sa probinsiya."

"Sa siyudad ka ba nakatira?" Tumango naman ako saka nagsimula na ulit na maglakad.

"Tara na at maggagagabi na." Aya ko sa kaniya.

Siguro ay magpapahinga muna ako dito para akalain ng mga putanginang iyon na patay na talaga ako. Susurpresahin ko ang mga gagong iyon.

Bigla ko namang nakita ang isang matandang lalaki na nagbubuhat ng isang sakong mais.

Agad naman akong lumapit dito. "Tatang, ibaba niyo na po. Ako na magdadala." Saad ko. Napataas naman ito ng tingin sa akin na para bang sinusuri ang mukha ko.

"Babae ka iha, hindi mo ito kaya. Mabigat ito. Kahit na malaki at mataas ka ay hindi mo ata makakayanan---"

Natigil naman ito sa pagsasalita ng makita akong walang kahirap-hirap na binuhat ang isang sakong mais. "Tara na ho. Saan po ba ito dadalhin?" Tanong ko sa kaniya at itinuro naman nito ang isang maliit na kubo na malapit lang rin sa bahay ni na Celeste.

"Mauna ka na muna doon. Susunod na lang ako pagkatapos nito." Saad ko at tumango naman ito.

"Mag-iingat ka pauwi." Tumango lang rin ako saka inalalayan si Tatang na maglakad dahil mabato ang daan.

"Dahan-dahan lang ho at baka madapa kayo. At ano ho 'yang tungkod niyo? Parang isang maling galaw ay mapuputol na iyan." Natawa naman ito dahil sa sinabi ko.

"Wala naman kasi akong pambili ng matibay na tungkod at ito naman ay binigay pa sa akin ng Nanay ko noon Iha kaya medyo may kalumaan na pero mapagtatyagaan pa naman." If I just my money rightnow. Tsk!

"Huwag kayong mag-alala Tatang. Gagawan ko kayo. Basta iingatan niyo ang sarili niyo at huwag kayong magbubuhat ng ganito. Matanda na ho kayo kaya dapat nagpapahinga na lang kayo sa bahay niyo." Kahit gago ako ay may puso pa rin ako para sa mga ganitong tao.

"Ay Iha, mamamatay ako kapag hindi ako nagtrabaho. Kaming dalawa na lang ng asawa ko ang magkasama at tanging sa pagsasaka ng mais, palay at  iba at pagbebenta nito ang kinabubuhay namin."

"Hm. Next time, ikaw na magmamay-ari ng isang tindahan doon sa loob ng bayan." Nakangiting saad ko saka ibinaba na ang sako ng mais ng makarating na sa bahay nila.

"Isang pangarap iyan Iha. Kung matupad man iyan ay lubos na sasaya kaming mag-asawa." Nakangiting saad din nito.

"Sige ho. Mauuna na ho ako. Ako na bahala sa tungkod niyo." Saad ko at tinapik ang balikat nito.

"Kumain ka muna dito Iha. Bilang pasasalamat ko man lang sa iyo." Umiling lang naman ako.

"Hindi na ho. Tinulungan ko ho kayo ng walang kapalit kaya hindi niyo na po utang na loob iyon. Basta maging masigla lang ho kayo, ayos na sa akin iyon." Kumaway pa ang matanda sa akin habang papaalis ako kaya hindi ko namang maiwasang hindi mapangiti.

Napakamasayahin ni Tatang. Parang si Daddy lang. About him, kamusta na kaya siya? Maayos lang ba siya doon? Hindi na ba siya ginugulo ng mga kalaban niya? Tsk! Sana naman hindi.

Sa sobrang pag-iisip ay huli ko na ng namalayan na may nakabunggo pala sa akin. Tiningnan ko naman kung sino iyon at agad na nakita ang isang lasing na lalaki.

"Umuwi ka na babae! Baka dakpin ka ng mga Himuduum at saktan! Umuwi ka na. Ang mga babae ay bawal ng lumabas kapag gabi na." Saad nito habang pasuray-suray na naglalakad.

Himuduum? Ano naman kaya iyon? Tsk! Whatever.

Dumeritso na ako sa bahay at naabutan si Celeste na nagliligpit habang ang matanda ay natutulog na raw. "Kumain ka na para matunawan ka pa bago matulog mamaya." Tumango naman ako saka naupo sa sahig.

Parang Chinese style sila rito. Nakaupo ka sa sahig na may tela na malambot at ang mesa naman ay mababa at andoon ang mga gagamitin mo at kakainin mo.

Kumuha ako ng maliit lang na kanin saka itlog at nagsimula ng kumain ng tahimik.

Makaraan lamang ang ilang sandali ay natapos na ako kaya agad na akong pumunta sa kusina at naabotan ko si Celeste doon na nathuhugas.

"Ako na maghuhugas niyan. Matulog ka na." Nakangiting saad nito at kinuha ang pinagkainan ko.

Umalis na ako doon pero imbis na dumeritso sa tulugan ko ay agad na muna akong lumabas habang dala-dala ang isang itak.

Maliwanag pa rin sa labas dahil sa buwan. Tahimik lang akong naglakad papunta sa may mga puno sa likuran lang ng bahay nila saka naghanap ng matibay na sanga na pwedeng gawing tungkod. At nang makakita ng malaki at matibay ay agad ko na iyong pinutol at naglakad pabalik sa bahay at naupo sa labas banda sa may papag at doon nagsimulang gawin ang tungkod.

Tutal ay maaga pa naman upang matulog.


****

A/N: Medyo matagal ang update ng story na ito kasi inuuna ko iyong iba. Hope y'all understand. Pero paunti-unti ay mag-uupdate pa din naman ako dito :)

QUEENS OF LOVE SERIES 04: HEAVEN ANDRADA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon