Chapter 02

289 50 5
                                    

Who's that?

Inah's POV

(2 weeks later)

2 weeks ng cancel ang schooling. Pina-iimbestigahan yung nangyari. Habang andito si Rain, sa bahay namin. Binibisita nya 'ko. Mabuti nalang talaga walang mangyaring masama sa kaniya.

"Beh, alam mo ba yung nangyari sa school natin? Ang creepy." Sabi niya habang kumakain ng fries na inihanda ni Tita.

Wala dito si Mama, matagal na akong walang balita sa kaniya.

"Oo. Sa sobrang creepy, nakaka trauma." Sabi ko at umirap sa ere.

Tangina ba naman kasi, ikaw? Makakita ng pugot na ulo, nang harap harapan.. jusko inday, tingnan ko lang kung hindi ka halos mamatay sa bangungot. Halos gabi gabi ko yung napapaginipan, straight isang linggo. Putangina. Ayaw akong tantanan.

"Ikaw Inah, Saan kaba kasi non nagtago?" Tanong niya sa 'kin.

Agad naman akong napabuntong sa ere bago siya hinarap.

"Doon sa office ni Ma'am Nakajima. Pinatawag niya ako, hindi ba?" Sabi ko dito at kumuha din ng fries.

"Ha? Eh yung pwesto ng killer doon sa harap nung office na iyon, ah. Mabuti hindi ka nakita—"

"Nakita niya ko." Putol ko sa sinasabi niya.

Agad na natahimik si Rain. Wala sa aming umimik, ayoko na sanang pag usapan pero ang kulit nito. Sa nangyaring iyon, dalawang linggo na ang nakakaraan. Masasabi kong, Oo natrauma ako. Minsan kapag naalala ko bigla, natutulala ako at hindi agad makatulog. Madalas naghyhysterical ako dahil sa takot na nangingibabaw sa akin.

"H-Ha? Nakita ka niya? Hindi ka sinaktan?"

"Oo. Pero hinagisan nya ko ng pugot na ulo." Sabi ko at tiningnan sa mata si Rain.

Halata sa kanya ang pagkagulat. Nakakunot pa ang noo niya na para bang inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"A-Anong ginawa mo?"

"Hindi ko alam, basta nasalo ko iyon." Bulong ko.

Ayoko na ulit mangyari 'yon.

"Tapos?"

"Tapos hindi na ko lumabas sa loob ng office. Nagpalipas ako ng oras hanggang gabi na noong lumabas ako," tumingin ako kay Rain. "At pag labas ko, nagkalat na yung mga bangkay sa daan." Sabi ko.

Lahat sila, pugot ang ulo.

"Halos 401 na studyante daw ang pinatay." Sabi ulit ni Rain.

"Sira tuktok n'on." Sabi ko dito.

Baka naman sadyang may sayad lang talaga yung lalaki. O baka naman natural na takas mental, o baka naka tira ng droga bago siya pumunta sa school kaya siguro siya nakapatay ng wala halos valid na dahilan. Baka naman, pinagplanuhan niya at sinadya.

Napatingin kaming dalawa sa TV. Biglang may lumabas na Flash report sa gitna nitong teleserye na pinapanood namin.

Ano ba iyan, nanonood kaming “Hit the topih.

our time has began (COMPLETED)Where stories live. Discover now